Chapter Eight

213 6 0
                                    

Chapter Eight: Dinner with the Devil

Ramdam ko ang pagtibok ng ulo ko sa sakit. Pakiramdam ko ay konti na lang at magka-crack na siguro ang ulo ko at mamamatay na ako. Gustuhin ko mang bumalik sa pagtulog ay hindi ko na magawa. Masyado na akong gising para doon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Malamlam na liwanag galing sa kandila sa bedside table ko ang sumalubong sa'kin. Malabo noong una ang paningin ko at matagal rin bago nag-adjust. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Teka? Paano ako nakarating dito? Nasaan si Wej?

Inikot ko ang tingin ko sa kabuuan ang kwarto. Hindi ko alam kung umaga ba o gabi. Dahil na rin sa liwanag ng kandila at nakatabing ang makakapal na kurtina sa bintana. Naroon din ang mga roses sa vase at hanggang dito sa kama ay naaamoy ko ang matamis na amoy ng mga ito.

Napalunok ako. Pakiramdam ko may hindi tama dito.

Tinignan ko ang sarili ko at nagulat pa ako ng makita ko kung ano ang suot ko. Gown. Gown na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tumama ang tingin ko sa salamin at nakita ko ang kabuuan ko. Hindi lang ako naka-gown kung hindi nakaayos ang buhok ko sa eleganteng paraan. Maging ang mukha ko ay may make up. Anong meron?

Hindi na masakit ang ulo ko. Maliban na lang sa konting kirot na nararamdam ko.

Dahan dahan akong tumayo. Hindi na ako magtataka kung bakit ako nakasuot ng isang mataas na stilettos. Sino bang nagbihis sa'kin?

Napalunok akong muli at huminga ng malalim. Kung ano man ang meron ngayon, kailangan ko na 'tong harapin. Kahit na may kung anong nagsasabi sa'king 'wag lumabas ng kwartong ito. Pero pakiramdam ko lamang iyon kaha mas maganda kung malalaman ko na kung ano ba talaga ang meron.

"Wej?" Tawag ko ng makalabas ako pero wala namang sumagot.

Mukhang walang tao. Ang tahimik at puro kandila lang ang meron para sa ilaw ng mga hallway. Nasaan na ba sila?

Naglakad pa ako hanggang sa umabot na ako sa kanilang hagdanan. Maging sa sala ay tahimik. Kinakabahan ako at natatakot na rin. Ano ba kasi ang meron ngayon? Nag-ingat ako sa pagbaba dahil na sa taas ng stilettos na suot ko. Hindi kaya may party at naiwan ako? Ang huli kong naaalala ay kasama ko si Wej. Nasaan na ba siya?

"Wej?" Tawag ko ulit pero ganoon pa rin. Walang sagot.

Isang kaluskos ang narinig ko kaya naman sinundan ko ng tingin kung saan 'yun nanggaling. Wala pa ring tao kung hindi mga kandila lang iyon na kusang sumindi. Daan papunta sa hallway.

Bago pa ako makapaglakad ay may dalawang hindi ko kilala ang pumasok.
Sinubukan kong lumapit at kausapin sila pero parang hindi nila ako nakikita. Lalong tumaas ang mga balahibo ko ng tumagos lang ako sa kanila.

Niyakap ng mas mahigpit ng babae ang braso ng binatang kasama niya. "Sa tingin mo ba magagawa mo 'yun? Alam kong mahal na mahal mo siya."

Ngumiti ang binata at binigyan ang dalagang kasama niya ng halik sa pisngi. "Gagawin ko. Alam kong magagawa ko iyon. Mahal na mahal kita."

Halata 'yung saya sa mukha 'nung babae. Para ako rin ay kinikilig na ewan na hindi ko alam kung bakit. Nakatayo lang ako at pinapanood sila. Hindi nila ako nakikita at hindi rin naman nila ako naririnig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The House of SullivanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon