Chapter Five

238 11 1
                                    

Chapter Five: Grand Tour

Nagising ako sa amoy ng kape at honey. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa'kin si Uel na nagbabasa sa sofa ng kwartong 'to. Kumurap-kurap pa ako para siguradong nandito nga siya. Napatingin ako sa beside table at nandoon nga ang kape at pancakes. Napatingin din ako sa mga kurtinang nakabukas na sa mga bintana at tirik na tirik na pala ang araw.

"Morning, Prim." Bati ni Uel. "Kain ka na. Hinintay lang kitang magising para ipaalalang uminom ka ng gamot kasi bumalik na naman pala ang lagnat mo kagabi. Nakausap ko na si Wej. Siya pala ang naglipat sayo dito nang magising ka."

"Nilalagnat?" Medyo naguguluhan ko pang tanong. Sa pagkakaalala ko, okay naman ako kagabi ng ihatid ako dito ni Wej.

"Oo. Hindi mo na naaalala?" Unti-unting napangiti si Uel. "Sige na nga. Hayaan mo na. Kain ka na lang then kapag natapos ka na, tawagin mo ako. Itu-tour ka namin sa bahay."

Napatango na lang at pinanood pa bago siya umalis. Tinignan ko ang paligid ko. Panaginip lang pala...

Kagabi kasi, akala ko nandito siya. Hindi ko alam kung bakit siya ang nasa panaginip ko pero nandito daw siya at nakaupo sa tabi ng kama. Malamang siguro ay dahil siya ang huling nakausap ko bago ako makatulog kaya siya ang napanahinipan ko. Napatingin ako sa kamay kong hinalikan niya kagabi. Pakiramdam ko ay nandoon pa rin ang mainit na dampi ng labi niya. Ramdam ko ang pagsisimulang pamumula ng pisngi ko kaya naman agad kong inalis iyon sa isipan ko.

Ang aga aga, si Wej ang iniisip ko.

Hinarap ko na lang ang pagkain. Itsura pa lang alam mo nang masarap. Si Uel kaya ang nagluto kagabi? Si Uel kasi ang alam kong nagluluto dito dahil madalas ang dinadala niya ay siya ang nagluluto. Nakakahiya nga lang dahil dinadalhan pa nila ako ng breakfast. Minsan nga gigising ako ng maaga ng ako ang magluluto ng agahan.

Naalala ko tuloy ang sarili kong pamilya. Kamusta na kaya sila? Hindi man lang ako nakatanggap ng kahit ano simula noong umalis ako doon. Hindi man lang ba sila interesadong malaman kung kamusta na ako?

Inalis ko na lang agad ang idea na 'yun. Busy siguro sila o kaya naman ako ang hinihintay nilang magkwento.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa bathroom para makaligo. Nang makapagbihis at makapag-ayos na rin ako ay lumabas na ako. Sa kabutihang palad ay nandoon lang si Uel sa sala at mukhang hinihintay nga ako.

"Prim!" Tawag sa'kin ni Gad.

Ngumiti ako at huminto sa paglalakad. "Gad."

Nginisihan niya lang ako. "Ano? Tara na?"

"Tara na? Saan tayo pupunta?"

Hindi na ako sinagot pa ni Gad at hinawakan na lang ang braso ko naglakad. Wala ako ideya kung saan niya ako dadalin pero heto na siguro ang tour na sinasabi ni Uel. Ang akala ko pa man din ay siya ang magtu-tour sa'kin.

"I can't tour you anywhere else except here." Panimula niya at hinayaan na akong maglakad sa sarili ko. "Here's the sala. As you can see, this is wide enough for more twenty people. There's Uel there, reading something. She's actually waiting for someone. Nandito rin ang grand piano." Tinuro niya sa'kin iyon na matagal ko ng nakikita. "Magaling magplay si Mama noon hanggang ngayon. Do you play?"

Marunong ako ng konti pero umiling na lang at hinayaan siya na tumuloy.

Sunod naming pinuntahan ay ang dining hall. "Nanggaling na rin tayo dito kagabi. This is wide enough too and same style as the sala. Ang pagkakaalam ko sila Mama talaga ang mahilig sa style ng old England. Classics is one of thee favorites."

The House of SullivanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon