Chapter 3

18 1 1
                                    

Knight's POV

Nanatili akong nakatago. Hindi naman sa chismoso ako. Interesado lang. Hindi naman nila ako kita. Parang may kakaiba lang sa kanila. Isang maarte at isang weird.

"Ianne, sabi ni mom late ka na daw umuwi mamaya. Dadating kasi ang mga amiga niya at ayaw niyang makita ka nila. Baka masira pa ang reputasyon namin. Tandaan mo yan ha. Wag ka munang uuwi. Naiintindihan mo ba? Sumagot ka?!"

"Oo."

"Good. Makaalis na nga dito baka may makakita pa satin. Baka sabihin kaibigan kita yuck!"

Ang arte ng babaeng to ah. Mas gusto ko pa ngang maging kaibigan yung Ianne kaysa sa kanya. Balita ko madaming may gustong lalake dito. Ano bang nagustuhan nila diyan. Wag niya lang subukang landiin ako mapapahiya lang siya.

Pagkaalis nung babae. Umupo lang si Ianne dun sa may railings. May kinuha siya sa pocket niya,iPod pala. Mukang makikinig ng kanta. Pinagmasdan ko muna kung ano ang gagawin niya. Nagulat ako ng ngumiti siya. Ang ganda niya. Lumapit ako sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya. Mukang hindi niya ako napansin kasi sa iba siya nakatingin. Kinuha ko ang isang eraphone at nilagay sa tenga ko. Kpop? Napangiti siya ng kpop. Ang weird niya talaga.

Napatingin siya sakin at nanlaki ang mga mata. Napatayo siya bigla. Sabi ko na nga ba ganyan magiging reaction niya eh. Tumitigmuna ako sandali sa kanya at nilahad ang kamay ko.

"Knight."

Natulala lang siya sakin kaya hinawakan ko na ang kamay niya at naki pag shakehands. Sinoli ko ang earphone niya sa kanyang tenga at umalis na.

Pagkababa ko galing rooftop tumuloy na ako papuntang classroom. Wala naman akong ibang gagawin. Habang naglalakad ako nakasalubong ko yung babaeng maarte na kausap ni Ianne kanina. Huminto siya sa harap ko.

"Hi Al! Remember me?"

"I don't"

Sinadya ko yon para mapahiya siya. Wala akong pakielam kung babae siya. Ayoko sa lahat yung ganitong ugali. Ibahin niya ako sa mga lalaking may gusto sa kanya.

"O--oh that's okay. I introduce my self nalang. I'm Shanel Villarama."

Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Hindi ko tinangap at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Nagpapatawa ba siya. Ang arte. Nakakinis.

Maraming nagbulong bulungan na "buti nga sa kanya ang flirt kasi." Ang daming bubuyog nakakairita. Akala ko ba pang mayayaman tong school na to. Parang pang palengke naman ang mga ugali.

~~~~~

Uwian na at nakita ko si Ianne na nagaantay sa sundo niya. Naalala ko yung sinabi nung Shanel sa kanya. Ayaw siyang pauwiin ng maaga. Parang gusto ko siyang tulungan. Nakita kong nilapitan siya ni Shanel. Rinig ko naman yung pinaguusapan nila.

"Hey hindi ka susunduin ng driver mo sinabihan na siya ni mom. Bahala ka nang umuwi mamaya. Mga twelve ka na daw umuwi. Naiintindihan mo ba?"

Tumango lang siya at umalis na si Shanel. Papauwiin nilang magisa si Ianne ng twelve ng hating gabi? Gusto ba nilang mapahamak siya? Kaano ano ba niya yun at sinusunod niya.

Lalo tuloy ako nagkaron ng dahilan ng tulungan siya. Nilapitan ko siya at hinila sa kamay papunta sa kotse ko. Mukang nagtataka siya kung bakit ko ginawa yun.

" Gusto mo bang magstay diyan hanggang twelve? Sumama ka nalang sakin. I'm harmless."

Muka namang nagtiwala siya agad kasi sumunod nalang siya. Pinasakay ko sa front seat syempre. Magmumuka naman akong driver kung sa likod siya.

She's WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon