Chapter 4

15 0 0
                                    

Chapter 4





Nakahiga ako sa kama habang nanonood ng TV. Si Ianne or Snow, rather, nakaupo lang siya sa sofa nakikinood. Action movie yung pinapanood ko pero muka namang nageenjoy siya. Diba dapat ang gusto ng mga babae chick flicks? She's really not an ordinary normal girl.


"Aren't you bored?" Tanong ko sa kanya. She's very quiet while watching, yung parang engrossed na engrossed siya sa movie.

She just shook her head and then she focused again her eyes on the movie. Wow. She must've really liked it.

Hinihintay ko lang mag twelve o'clock bago ko siya ihatid. Sinabi ko nalang kayla mom na may nangyari lang sa bahay nila pero uuwi din siya.

Nagfocus nalang rin ako sa panonood hanggang sa matapos yung movie. Hindi ko na namalayan yung oras pagkatingin ko sa orasan eleven o'clock na. Pwede ko na siguro siyang ihatid. Baka malayo naman yung bahay nila mula samin.

"Ianne..uhh.. Snow, tara na ihahatid na kita." Tumayo lang siya agad at kinuha yung bag niya. "Saan ka ba nakatira?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang naalala hindi ko nga pala alam ang bahay niya. Sinabi niya sakin yung subdivision alam ko naman ang papunta doon.

Habang nagdadrive ako tahimik lang kami. Hindi ako madaldal, hindi din siya madaldal ano pa nga ba ang mangyayari?

Nang makapasok na kami sa subdivision tinuro niya sakin yung daan papuntang sa bahay nila.

Woah. It's huge. Ito ata ang pinakamalaking bahay dito sa buong subdivision. It must've caused a lot of fortune. Mayaman pala itong si Snow. Hindi mo mahahalata sa itsura niya dahil napakasimple lang niya.

"You're home." Sabi ko sa kanya. She flinched when I said home. May mali ba sa sinabi ko?

"It's not...a home. It's just a house." Malungkot niyang sagot sakin habang nakatitig sa bahay nila. It's not a home but just a house? Anong ibig niyang sabihin?

"Uhm.. Thank you." Nahihiya niyang sabi sakin. She's not even looking at me. Bababa na sana ako ng hawakan niya bigla ang braso ko.

"No! Ah- Huwag ka nang bumaba..gabi na umuwi ka na." Parang kinakabahan siya habang sinasabi niya iyon. Bakit ano bang meron sa bahay nila?

Umayos na lang ako ng upo. "Okay, sige na pumasok ka na." Tumango lang siya at tsaka bumaba. Nang bumukas yung gate may baabeng lumabas. Parang kamuka nung Shanel? Pareho din silang madaming kolorete sa katawan.

Nakita kong parang galit yung babae kay Snow. Siya ba yung nagpasabi na twelve na dapat umuwi si Snow? Nakayuko lang si Snow habang nagsasalita yung babae. Nakakaawa tuloy siyang tingnan.

Lumabas ako ng sasakyan at narinig ko na ang mga sinasabi niya.

"Diba sabi ko mamaya ka na umuwi?! Nandito parin ang mga amiga ko ayaw kong makita ka nila! Bakit ba hindi mo maintindihan ang simple simple. You're so Idiot just like you're father!" Tuloy tuloy na sigaw nung babae kay Snow. What the hell? Hindi manlang nagrereact si Snow. Hinahayaan lang niyang ganunin siya.

Hindi ko na napigilan kay lumapit na ako. "Excuse me Mam, I don't want to be rude but you don't have the right to yell at her like that." Napatingin sakin yung babae. "Sino ka bang pakielamero ka?"

"I'm Snow's boyfriend. Kayo, sino po ba kayo?" Balik kong tanong sa kanya. Mukang nagulat siya sa sinabi ko kaya matagal bago siya natauhan. Pati si Snow nagulat rin.

"Ako ang stepmother ni Ianne. I have all the rights to yell at her whenever I want." Matalim niyang sabi sakin. So she's the evil stepmother.

"No, wala kayong karapatan na sigawan si Snow. Stepmother lang kayo. You didn't carry her in your womb for nine months, you didn't give birth to her so you don't have the right mam."

"Aba! Wala kang respeto. Kung sa bagay ano pa nga bang makukuha ni Ianne na lalaki syempre ang mga kagaya niya." Tumingin pa siya sakin mula ulo hanggang pa. So now we're talking about respect. "Sayang gwapo ka pa naman."

"I will only respect those who respect me or Snow but for you mam, you're still lucky I'm calling you mam."

Bago pa siya makasagot may dumating na babae. It' Shanel, the evil stepsister. Parang fairytale pala ang kwento nitong si Snow.


"Mom! Anong kaguluhan yan?" Tanong niya sa babae pero pagkakita niya sakin biglang parang nagliwanag ang mga mata niya. "Al! Why are you here? Pano mo nalamang dito ako nakatira?" Wow. This girl is so full of herself.

"You know him?" Tanong naman ng evil stepmother sa evil stepsister. Now, I'm calling them names.

"Yes! Nagaaral siya sa Winston!" Nakangiti niya sabi. "So.. Bakit mo ako dinadalaw?" What a self confidence, she got there.

"Idiot! She's not here for you! Pinagtatanggol niya itong si Ianne! He's Ianne's boyfriend!"

Nanlaki ang mga mata ni Shanel." What?! No way!" Tumingin siya ng matalim kay Snow. Mukang pinagtutulungan siya dito. Paano niya natatagalan itong mga to?

Meron na namang dumating, this time maid naman. "Mam hinahanap na po kayo ng mga amiga niyo." Nanlaki ang mga mata nung babae na parang may naalala. Bumaling siya samin ni Snow. "Hindi pa tayo tapos." Tsaka siya umalis kasama ang anak niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Snow. She's just silent the whole time. Nakayuko lang siya. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at nagsalita. "Hi--hindi mo dapat ginawa iyon."

"Why? Konti nalang lamunin ka na niya kanina."

"I'm used to it..."

"Bakit hinahayaan mo lang na ganunin ka nila?"

Nagbuntong hininga siya. Mukang ayaw niyang sagutin ang tanong ko. "Uhm.. Umuwi ka na. Sa-salamat." Yung lang ang sinabi niya at nagmadali na siyang pumasok at sinaraduhan ako ng gate.

Ang weird na niya, and weird pa ng pamilya niya.

She's WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon