Chapter 2
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggggggggggg*
Nagising si Snow nang biglang magbell. Hudyat na ito na uwian na. Buti na lamang nagising siya kundi mapagsasaraduhan siya ng gate at baka hindi pa siya makita ng sundo niya.
Tumayo na siya at niligpit ang ipod niya. Nagmadali na siyang maglakad papunta sa parking space ng school at hinanap ang kanyang sundo. Nakita niyang ang sundo ay wala pa kaya naglakad muna siya papunta sa waiting shed. Habang naglalakad siya hindi niya napansin na may paparating na sasakyan kaya nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad.
*beep*beep*
Napatingin siya sa direksyon kung saan nanggagaling ang tunog at doon lang niya nakita ang paparating na sasakyan. Hindi siya nakagalaw agad kaya't napapikit nalamang siya habang hinihintay ang paparating na sasakyan.
*bogsh*
Naramdaman niyang parang hindi naman siya nasagasaan kaya minulat na niya ang kanyang mata. Nagulat nalang siya ng Makita niyang nakayakap sa kanya ang isang lalake at nakahiga sila sa kalsada. Napatunganga na lamang siya dito.
"Miss kung magpapakamatay ka Huwag kang mandamay!!!!"
Natuhan si Snow nang sumigaw ang driver ng sasakyan at humarurot na ito papaalis. Umalis na siya sa pagkakayakap sa lalake at tumayo. Sumunod naman ang lalake sa pagtayo.
"Sa susunod magiingat ka." Lalake
"Thanks." Snow
Iyon lamang ang sinagot niya sa lalake. Sakto namang nakita niyang kakarating lang ng sundo niya kaya tuloy tuloy na siyang naglakad papunta doon. Naiwan ang lalaking hindi na nagtaka sa inasta ni Snow.
Pagkapasok ni Snow sa kotse inisip niyang mabuti kung saan niya nakita ang lalaking nagligtas sa kanya dahil pamilyar ito. Matapos ang ilang minuto ng pagiisip, naalala na niya kung sino ito. Ang lalaking ito pala ay ang transferee na nag ngangalang Al. Ito pala ang bagong pinagkakaguluhan sa kanilang paaralan kahit unang araw palang ng pasukan.
Mga ilang minuto lang ay huminto na ang kotse sa harap nang isang mansion. Ang mansion na kanyang tinitirhan kasama ang stepmother at stepsister.
Pumasok na sa gate ang kotse at dumeretso sa harap ng napakalaking pintuan. Bumaba na si Snow sa sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay. Pagpasok pa lamang niya ay nakahilera na ang mga maids at isa isang nagbow sa kanya. Nagderederetso lang siya at umakyat sa hagdan at tumuloy na sa pinakadulong kwarto at pumasok na ditto. Kabisado na nang lahat ng nakatira sa bahay na iyon ang gawain ni Snow simula nang naganap ang isang malaking trahedya sa buhay niya kaya naiintindihan nilang lahat iyon.
*****
Nakauwi na si Knight sa kanilang bahay. Pagpasok niya sa pintuan ay nakita na niya agad ang kanyang mga magulang na nakaupo sa sala. Napatingin ang kaniyang mga magulang sa kanya at.
"Anak maayos ba ang first day mo?" mom ni Knight
"Yes. Punta na po ako sa kwarto ko." Knight
"Sige anak" dad ni Knight
Natuwa naman ang mga magulang niya at maayos ang first day niya. Nakahinga sila ng maluwang dahil sa tingin naman nila ay maggiging maayos ang taong ito sa pagaaral ng kanilang anak.
Nang makapasok si Knight sa kanyang kwarto bigla nalang pumasok si Snow sa isip niya. Kanina niya pa ito iniisip sa eskwelahan palang.
Ano kayang nangyari doon? Bakita hindi ko na siya nakita simula noong umalis sa room yon. Aish! Bakit ko ba iniisip ang weirdong babaeng iyon. Isip isip ni Knight habang nagkakamot ng ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit kanina pa niya iniisip si Snow.
Humiga nalang siya sa kanyang kama at pinikit ang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya nang hindi pa nakapagpapalit ng damit at hindi kumakain.
*kriiiingg*kriiiingg*
Nagising nalang si Knight ingay ng kanyang alarm clock. Tumayo na siya at nagpunta na sa CR kaya napansin niyang hindi pa pala siya nakakapag palit ng kanyang damit. Napailing nalang siya at tumuloy na sa loob.
Pagkalabas niya ng CR ay tumuloy na siya sa hapagkainan dahil hindi siya nakakain kagabi. Naabutan naman niya ang kanyang mga magulang at kapatid na kakasimula palang kumain sinaluhan niya ang mga ito.
Natapos na siyang kumain kaya magpapaalam na siya sa kanyang mga magulang.
"Una na po ako" Knight
"Kuya gusto kong sumabay sayo please.."
Bigla namang naglambing ang nakababata niyang kapatid na si Alyana. Si Alyana ay 14 years old na at grade 7 na.
Hindi naman pinansin ni Knight ang paglalambing ng kapatid at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad papunta sa garahe.
"Hayaan mo na anak" mom ni Knight
"Ehhh." Alyana
Nagpout pa si Alyana ngunit wala din naman itong nagawa.
*****
Nakarating na si Knight sa eskwelahan at nagpark na nang kanyang kotse. Habang siya ay naglalakad marami ang napapalingon sa kanya. Hindi nalang niya ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Malapit na siya sa kanilang classroom ng makita niya si Snow na papasok palang sa pintuan. Napatingin ito sa kanya ngunit binawi rin nito at tuluyan ng pumasok sa kanilang classroom.
"Weird.." yan lang ang nasabi niya bago pumasok rin sa kanilang classroom.
*****
Lunch break na at kakatapos lang ni Knight na kumain, ngayon ay naghahanap siya ng lugar para mapagpahingahan. Naisip niyang baka tahimik sa rooftop kaya nagtungo siya doon.
Knight's POV
Papasok na sana ako sa pintuan papuntang rooftop ng may biglang nagsalita kaya nagtago ako sa may madilim na part.
Sumilip ako kung sino yung dalawang babae na naguusap.
Parang pamilyar pareho. Sumilip pa ako ng kaunti para makita ang muka nila.
Yung weird nababae yun ahh si. Ianne ba yun? Ahh basta siya yun. Sino yung isa. Parang nakita ko na siya.
Ahhh siya yung babae sa canteen.
Magkakilala sila?
BINABASA MO ANG
She's Weird
Teen FictionShe has her own world.She rarely speak.She doesn't tie her hair even if it covers her face.She has an angelic face.She always caught my attention.She's mysterious.She was always bullied by her classmates and yet she doesn't react.She make me crazy...