KAMPANTENG-KAMPANTE si Enola na siya ang magwawagi sa pustahang iyon, ngunit lingid sa kaalaman niya, wala pa ang isang buwan ay talo na siya. Dahil habang tumatagal ang pagsasama nila, unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki. Hinahayaan na niya ito na hindi sundin ang mga rules na ginawa nila. At higit sa lahat, ititnuturi na niya itong totoong asawa.
"Ano ang niluluto ng asawa ko?" tanong ni Thunder sa kaniya at niyakap siya sa likod, isang araw na nagluluto siya.
"Pancakes, gustong kumain ng kambal, eh."
"I want to eat that too.""Sure— teka nga, hindi ako makagalaw."
Natatawang inalis ng lalaki ang braso sa baywang niya at lumayo. Hinintay siya hanggang sa natapos sa pagluluto.
"Tawagin mo na ang mga anak natin, kanina pa ako kinukulit ng mga iyon."
"Anak natin. Ang sarap naman pakinggan. Feeling ko nagtunog angel ang boses mo."
"Parang sira, tunog angel naman ang boses ko, ah! Sige na nga tawagin mo na sila."
Agad namang sinunod ni Thunder ang asawa at tinawag ang mga bata na naglalaro sa kanilang sala.
Masaya silang nag-miryenda at pagkatapos nakipaglaro ang mag-asawa ng hide and seek sa mga anak.
"Ako ang taya? Sige, galingan niyo sa pagtatago ah," saad ni Thunder at nagsimula na siyang magbilang.
Mabilis namang gumalaw ang tatlo at nagkani-kaniyang hanap ng pagtataguan.
Hindi namalayan ni Enola na nakapagtago siya sa isang silid na pinakaiingatan ni Thunder. Isang silid na puno ng sikreto.
Inilibot niya ang paningin sa loob at umawang na lamang ang kaniyang labi sa nakikita. May mga lumang gamit, painting materials at maraming nakadikit na pictures sa dingding. Pictures na dahilan kung bakit bigla na lamang nagsitulo ang kaniyang mga luha.
"B-bakit may mga pictures ako rito?" bulong niya sa sarili.
Naglalaman ang mga litratong iyon ng mukha niya. Mga stolen shots habang nasa school siya, hindi lang noong teacher na siya, pati noong estudyante pa lamang siya.
Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya naiiyak. Mayroon kasing ibang pictures na kasama niya ang asawa, ngunit hindi niya maalala kung kailan iyon nakuhanan o 'di kaya iyon ba ang dating asawa ng lalaki. Ngunit batid niyang siya ang babae sa larawan.
Naguguluhan siya at dahil doon sumakit ang kaniyang ulo at may mga malalabong imahe ang lumilitaw sa kaniyang isipan.
“Wife…” Lumingon siya nang tawagin siya ni Thunder. Halata sa hitsura ng lalaki ang kaba.
“Ano’ng ibig sabihin nito, Thunder? Marami yata akong litrato rito?”
“I’ll explain, j-just calm down, please.”
“Calm down?! Ang sabi mo sa ‘kin kamukha lang ako ng asawa mong iniwan ka, pero bakit akong-ako ang mga litratong nakatago rito?! Papaano ako kakalma?!”
“Wife, please…”
“Ako ba ang nang-iwan sa ‘yo? Pero bakit hindi ko maalala—”
“Wife? Nahihilo ka ba?!” Mabilis na nilapitan ni Thunder ang asawa nang muntikan na itong bumagsak.
Ilang saglit pa, hindi niya na namalayan na nawalan na pala ito ng malay.
NAGISING si Enola na nakahiga na sa malambot na higaan. Batid niyang nasa mansiyon pa siya. Ramdam niya ang kamay na nakahawak sa kamay niya. Tiningnan niya ang may-ari no'n at nakita ang asawa na nakayuko at humihikbi.
BINABASA MO ANG
Suddenly Became A Wife And A Mommy
RomanceIyong namili ka lang ng napkin, tapos may nag-kidnap sa 'yo at paggising mo, may guwapong asawa at kambal na anak ka na pala! Papaano nangyari 'yon?! This is the love story of Enola, the teacher who suddenly became a wife and a mommy. Status: Comple...