Part 1

6 0 0
                                    

“MALALIM yata ang iniisip mo, Enola. Ayos lang ba ang bagong paaralang pinagtatrabahuhan mo? Mukha kasing unang araw pa lang pero stress ka na,” saad ni General Madrigal sa nag-iisang anak na si Enola habang kasalukuyan silang naghahapunan.

“Opo, maayos na maayos. Medyo napagod lang po ako kasi makukulit ang mga batang nasa klase ko,” sagot ng dalaga.

Si Enola Madrigal, beinte-singkong taong gulang na pre-school teacher. Single at isa pa, ilang beses na nagpalipat-lipat ng eskwelahan na pagtatrabahuhan. Dahil na rin sa ama niyang isang istriktong retiradong sundalo.

“Mabuti naman at maayos. Kung ako lang ang sinunod mo hindi ka na sana nagtrabaho pa, may pension naman tayong hinihintay.”

“Itay, matanda na ako. At tsaka, kung hindi ako magtatrabaho, ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? Ayos lang kung pangalan ko lang ang babaho sa mga bibig nila pero alam ko na pati sa inyo ay madadamay rin, lalo na't nagkalat na ngayon ang mga tsismosa't tsismoso.”

“Oh siya, basta palagi ka lang mag-iingat sa bawat oras.”

“Nga pala, lalabas po ako mamaya pagkatapos kumain, bibili lang po ako ng sanitary pads.”

“Sige, huwag ka lang magtagal, nagkalat na ang mga masasamang-loob ngayon.”

“Huwag kayong mag-alala, marunong ako ng self-defense.”

“Sumang-ayon ka na lang sa mga payo ko. Huwag nang maraming dada.”

“Opo.”

Pagkatapos kumain, lumabas si Enola upang magpunta sa convenience store. Hindi naman siya nagtagal roon ngunit nang pauwi na siya may naririnig siyang kotse na tila hindi makausad sa kaniyang likuran. Nilingon niya iyon at tumabi sa may gilid upang paraanin ito.

“Mauna ka na, kotse.”

Ngunit ang kotse ay tila siya talaga ang pakay, dahil nang tuluyan na itong pinatakbo ng driver nang mabilis ay hinarangan naman siya. Agad na dumapo ang kaba sa kaniyang dibdib nang bumukas ang pintuan sa may backseat at lumabas doon ang isang taong may takip ang mukha.

“S-sino ka?!”

Hindi na siya makatakas at makapanlaban pa dahil sa biglaang tinakpan ng taong iyon ang kaniyang bibig at ilong na dahilan kung bakit agad na nagdilim ang kaniyang mundo.

NAGISING si Enola sa isang komportableng higaan.

“N-nasaan ako?” tanong niya sa sarili.

Bumangon siya at luminga-linga sa paligid. Kumunot ang kaniyang noo. Inaasahan niya kasi na sa isang mabaho, marumi at madilim na kuwarto siya magigising at siya ay nakagapos. Ngunit ang kinaroroonan niya ngayon ay isang kuwarto na kay ganda at kay laki na parang kuwarto ng isang prinsesa. Siya rin ay walang tali kahit saan.

“Hari ba ang nagpa-kidnap sa akin?”

“Hindi, but higher than a king.”

Bigla siyang nanigas matapos marinig ang malalim na boses na iyon ng lalaki. Lumingon siya sa may gilid kung nasaan may couch doon at nanlaki na lamang ang mga mata niya nang makitang may nakaupo roon na isang makisig na lalaki at may mga malalalim na kulay-bughaw na mga mata.

“Ang guwapo naman!” sa isip niya.

Parang nakatitig siya sa isang Greek God.

Bago pa siya ma-hipnotismo ng mg matang nakatitig sa kaniya, naalala niyang hindi niya pala iyon kilala.

Matinis na sigaw ang unang umalpas sa kaniyang labi. “Si-sino ka?! Ikaw ba ang nagpa-kidnap sa akin?! G-ginalaw mo ba ako kagabi?!”

Napahalakhak ang lalaki. “Huwag kang mag-alala, kahit gustong-gusto ko hindi ko ginawa. Bakit? Gusto mong i-try?”

“Manyakis! B-bakit mo ako pina-kidnap, huh?! Wala akong naaalalang araw na nakaaway kita!”

“Hindi kita pina-kidnap. I just bring you back home. Oras na pala ng agahan, mabuti pa bumaba na tayo, naghihintay na ang mga anak natin.”

Napasinghap siya sa narinig. “Ano?! A-anak natin? At kailan pa tayo nagkaroon ng anak? A-asawa ba kita?!”

“Yes. Simula nang makapasok ka rito sa mansiyong ito, minarkahan na kitang asawa ko. May problema ba?”

“Oo! May problema! Malaking problema! Sino ka sa tingin mo para gawin akong asawa. Mister, ngayon lang kita nakita, meaning hindi kita kilala!”

Sa kaniyang sinabi, dahan-dahang tumayo at lumapit sa kaniya ang estrangherong lalaki. Sumampa ito sa kama at gumapang palapit sa kaniya. Mabilis naman siyang nataranta at umatras na lamang na nakaupo hanggang sa siya ay nakasandal na sa headboard ng kama.

“P-puwede ba, lumayo ka!”

Ilang beses siyang napalunok dahil tumigil lamang ang lalaki sa paglapit no'ng ang mga mukha nila ay isang pulgada na lamang ang agwat.

“Hindi mo ako kilala? Then, magpapakilala ako. I'm Thunder Sarmento, twenty-eight years old. A businessman and a billionaire. The father of your twin children.”

“A-ano?”

“Sabi ko, ako ang ama ng kambal na anak mo.”

“Nahihibang ka na ba? Galing ka bang mental hospital? Wala akong anak, ’no!”

“Kung hindi ka parin naniniwala, fine, dadalhin kita sa mga anak natin.”

Napatili na lamang siya nang buhatin siya ng lalaki at dinala palabas ng kuwarto.

“A-ano ba, ibaba mo ako! Gusto ko nang umuwi!”

“You're already home!”

Nagpupumiglas siya ngunit matibay ang malalaking bisig ni Thunder kaya kahit naggagagalaw siya, hindi pa rin siya nahuhulog.

Ilang saglit pa, nakarinig na lamang siya ng maliliit na boses. Tumigil siya sa pagpupumiglas at tiningnan ang dalawang bata na nakatingin sa kanila.

“Mommy, Daddy?! What's wrong? Nag-aaway ba kayo?”

Napasinghap na lamang si Enola dahil sa batang lalaking nagtanong. Kilalang-kilala niya iyon, isa sa mga estudyante niya sa bagong eskwelahang pinagtatrabahuhan. Si Rainier Sarmento.

Katabi ni Rainier ang isang batang babae na nakaupo na kamukha rin nito. Walang duda, kambal ang dalawa!

“We're not, babies. Naglalambing lang kami ng mommy mo. Right, Wife?” nakangising saad ni Thunder.

Hindi sumagot si Enola. Ilang saglit pa, nahimatay na siya.

“H-hey? Wife? Bakit ka nahimatay?!” tarantang tanong ni Thunder sa nakapikit na babae.

Akmang ipapasok niya ulit ito sa kuwarto nang umiyak nang pagkalakas-lakas ang kambal na anak niya.

“Daddy? Is Mommy dead?” tanong ng batang babaeng si Rainee.

“Daddy, ano’ng ginawa mo kay Mommy?! Kababalik lang niya!” si Rainier naman iyon.

“Mga anak, calm down, pagod lang si Mommy, okay. Bumalik na kayo sa Nanny niyo. I’ll take care of Mommy. Kapag gising na siya, ipatatawag ko kayo, promise.”

“Kapag hindi gumising si Mommy, hindi ka na namin bati! Let’s go, Rainee.” huling saad ni Rainier at hinila paalis ang kapatid.

Umawang ang labi ni Thunder sa narinig. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at ipinasok sa kuwarto ang babae at inihiga sa kama.

“Hindi mo na nga talaga ako naaalala. I’m so sorry, sa ganitong paraan kita kinuha. Hindi ko na matiis na tanawin ka lang mula sa malayo. I really missed you so much, Wife.”

Hinagkan niya ang noo ni Enola, at hinintay na magising ito.

____
Please support this story by clicking the star icon and leave a comment if you want.

For more stories, kindly follow me.

—STAYANGNIE

Suddenly Became A Wife And A MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon