Part 5

5 0 0
                                    

HABANG patungo siya sa dinning area, muntikan pa siyang maligaw. Mabuti na nga lang ay may maid na nagturo sa kaniya ng tamang daan.

Naabutan niya nga roon si Thunder na hinihintay siya.

"At last! Halika na, kanina pa ako nagugutom."

Mabilis siyang pinaghila ng upuan ng lalaki at agad naman siyang naupo.

"Salamat. Dapat nauna ka nang kumain, kung nagugutom ka na pala."

"Hindi naman ako makakakain nang maayos. Anyways, hope you'll like the food."

"Parang mga paborito ko ang nandidito. Pati ba ang mga ito, pina-imbistigahan mo?"

"Wala akong hindi kayang gawin, My dear Enola."

Pabiro na lang siyang umirap. "Before we eat, mag-pray muna tayo." Nahalata niya ang pag-asim ng hitsura ng lalaki.

"I don't pray."

"Hindi puwede 'yon. Don't tell me na pati kapag ang mga anak mo ang kasama mo sa hapag ay hindi mo tinuturuang mag-pray? Kung demonyo ka, huwag mong pagayahin sa iyo ang mga bata."

"Fine, lead the prayer. Nagugutom na talaga ako."

Napangiti siya at nagsimula nang magdasal. Matapos iyon ay kumain na silang dalawa.

"Ang sasarap naman, ikaw ba ang nagluto ng mga ito?"

"Yup!"

"Ang galing mo pala."

"Thank you. Nasanay na ako na magluto kung nandidito ako sa mansiyon. Mas gusto kasi ng mga anak ko ang luto ko kaysa sa mga nanny nila. Kaya kapag asawa na kita, asahan mong hindi ka mapapagod sa gawaing bahay."

Napairap siya sa pambobola ng lalaki, ngunit hindi niya ring maiwasan ang mapangiti.

MATAPOS nilang kumain, nagbihis muna siya sa kuwartong pinagamit sa kaniya ng lalaki. Mabuti na nga lang ay kuwartong pambabae iyon. Naroroon kasi lahat ng mga gamit pambabae, damit at cosmetics.

Pagkatapos, nagtungo siya sa kuwarto ng mga bata. Hindi pa man siya nakapapasok ay naririnig na niya ang malalim na boses ni Thunder na kinakantahan ang mga anak.

“Father material talaga ang lalaking ‘to. Bakit kaya siya iniwan ng asawa niya noon. Sino ba sa kanila ang nagloko?” mahinang kausap niya sa sarili bago tuluyan nang pumasok sa loob.

"Nariyan ka na pala. Bakit ang tagal mo? Alam mo bang ayaw pa nilang matulog habang hindi kapa nakikita? Mabuti na nga lang napatulog ko," mahinang saad ng lalaki pagkakita sa kaniya.

"Sensiya na. Babae kasi ako Thunder, natural na matagal ako sa night routine ko."

"Pero kailangan mo paring matulog sa tabi nila, baka kapag magising ay ikaw ang hanapin."

"Bakit hindi mo ba sila tinatabihan sa pagtulog?"

"Nope. Sinanay ko na sila na wala ako sa tabi nila kapag gabi, lagi kasi akong nag-o-overtime sa trabaho."

"Ah okay."

"Lalabas na ako—"

"M-may sasabihin pala ako sa iyo. Importante."

NAPAGDESISYUNAN nilang sa may bar ng mansiyon sila mag-usap, dahil baka mgising ang mga bata kapag sa kuwarto ng mga ito sila mag-ingay.

"Ano iyan?" takang tanong niya nang magsalin ng pulang likido si Thunder sa dalawang baso.

"Champagne. Bakit ayaw mo?"

"Wala akong sinabi, pero hindi ba tayo malalasing d'yan?"

"Hindi naman. Isang baso lang ang sa 'yo kung gusto mo."

Suddenly Became A Wife And A MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon