We Fell In Love In October Part 3.1

116 4 1
                                    

Teacher TinPOV
Pagkatapos kong gumawa ng presentation ko ay agad na muna akong pumasok sa kwarto para tingnan si Eli kung natapos nya na ba yung mga task nya na dapat gawin, agad naman akong umupo sa tabi nya at nakikita ko na medyo nahihirapan sya

Medyo madami siyang assignment ngayon halos lahat ng subject nya ay meron

"I'm tired na😞" Sabay buntong hininga nya

"Let me help you, San ka ba nahihirapan?"

"Madadali naman kaso. Medyo madami lang talaga saka pagod na yung kamay ko, medyo inaantok na din ako" Malungkot nyang saad

"I think i need some kiss😁"

"Ha? Magtigil ka dyan"

"You said you want me to help, i need your kiss para magka energy ako" Pa cute nyang sinabi sakin sabay lapit nya ng muka at pinitik ko nalang yung noo nya

"Aray naman" Sabay kunot ng noo nya

"Eh di nagising ka" Pagtataray kong sinabi sa

"Hay naku, kiss lang naman🥺, bahala ka di ko na kaya tutulugan ko nalang yung mga to,pagod na ako" Sabay ligpit nya ng gamit nya

"Bahala ka din dyan, ihahatid nalang kita sa inyo at sasabihin ko sa mama mo na ayaw mong makinig sakin" Mataray kong sagot sa kanya

"Eto na nga oh di ka naman mabiro, eto na oh tatapusin ko na" Sabay balik nya ng gamit sa lamesa

Iniwan ko nalang ulit sya para makapag focus sya. Lumabas na muna ako at tinawagan ko si Aiden, kinamusta ko naman sya, akala ko magiging happy lang yung pag uusap namin hanggang sa..

"Ate paulit ulit na lang akong tinatanong ni lola kung kailan ka babalik dito, gusto nya na bumalik ka na dito at dahil narin malapit ng matapos sila papa sa mga bussiness work nila, once na natapos na daw yun ay aasikasuhin nyo na daw ni kuya Vince yung.." -Aiden

"Aiden.. Ayokong pag-usapan yan alam mo naman na isa din yan sa rason ko kung bakit ako bumalik dito, para kayanin ko ng mag isa, ngayon naman I'm financial stable yung income naman sa school ay malaki na din compare dati"

"Baka bumalik ulit dyan si Papa at kausapin ka ulit" -Aiden

"Sabi nya bahala na daw ako, tapos ngayon pipilitin nya ulit ako"

"So it means Ate na di mo na susundin yung gusto nila.. Na mabubuhay ka nalang mag isa na bubukod ka na samin, Eh pano naman si Lola, matanda na sya alam mo naman na gusto nyang ika.."-Aiden

"Pinipilit naman nila ako, wala na akong choice dyan, lagi nalang sila yung sinusunod ko, di ako malaya dyan lagi nalang nila sinusubaybayan yung mga kilos ko.." Nung narinig ko ang boses ni Vince sa video call ay agad na akong nagpaalam kay Aiden

"Anyway, medyo late na dito, kailangan ko ng matulog, maaga pa ako bukas"

"Oh sige Ate, bye bye, love you" -Aiden

Pagkatapos naman naming mag-usap ay pumasok ulit ako sa  kwarto and then nakita ko si Eli na tulog, dahan dahan ko syang nilapitan at tumingin sa kanya.. Ang ganda pa din nya kahit tulog sya, she's beautiful like sunset ☺

Nararamdaman ko yung pagtibok ng puso ko sa tuwing tinitingnan ko sya, bahagya kong inayos yung buhok nya, sabay haplos sa pisnge. Mukang pagod na talaga sya dahil ang himbing na ng pagkakatulog nya, and then naalala ko yung sinabi nya kanina na pagod na sya she need a kiss but i can't do it dahil hindi ko kaya, because I'm waiting for the perfect timing😁

Habang tumatagal ang pagtingin ko sa kanya ay para na akong nahuhulog, hanggang sa bahagya ko ng hinalikan ang pisnge nya that's the perfect timing that I said, dahil nahihiya ako na halikan sya, I'm to shy to know na bata ang kahinaan ko like makakapag pawala ng angas ko☺😅

We met in June ends in AprilWhere stories live. Discover now