Eli POV
Dumating na din yung buwan na pinakahihintay naming lahat ang September dahil yan ang month of sports fest namin, halos lahat sila dito sa school ay busy sa paghahanda sa sports fest may ilang na lang kami para maghanda
Nandito ako sa ground ng school at tinitingnan yung nasa bulletin board namin para sa sports fest, MAPEH and Science ang magka team. Hindi ko alam kung ma eexcite ba ako sa sports fest dahil nakita ko yung muse and escort namin na teacher para sa team namin.
At walang iba lang naman kung di si Sir Cedrick at Teacher Tin, yung muse and escort naman sa mga students ay mamaya naman malalaman, true voting same lang din sa teacher, actually wala nga akong binoto sa escort dahil hindi ko sila gusto para kay Teacher Tin dahil alam ko na sya na agad ang mananalo sa muse
"Eli...." Sigaw sakin ni Eunice habang tumatakbo papunta sakin
"Grabe ka naman makasigaw" Kunot noo kong sagot sa kanya
"Alam mo ba..." -Eunice
"Syempre hindi" Agad kong putol sa sinasabi nya
"Magugulat ka pag nalaman mo yung sasabihin ko" -Eunice
"Ano yun?" Plain kong sagot
"Look at this" Sabay pakita sakin ng phone nya
"Ikaw yung muse sa team natin" Natatawa nyang sinabi sakin
"Oh diba sabi ko sayo hindi ko alam na ako yung magiging muse natin" Na realize ko din agad pag kasabi ko palang sa kanya
"Ako! Bakit ako?? Anak nang.. Hindi ko alam na nominate ako dyan" Gulat ko din namang react sa kanya
"Yan kasi, di mo kasi tinitingnan yung mga nominees para sa muse and escort.. Ay oo nga pala iba nga palang nominees yung tinitingnan mo, imbes na tingnan mo din yung mga nasa students nominees eh inuna mo pa yung pang teacher" Kunot noo ko nalang syang tiningnan
"Sa bagay masyado kang naka focus kung sino yung nangunguna para kay Teacher Tin" -Eunice
"Ako lang ang para sa kanya" Sabay turo ko sa sarili ko
"Ang ibig kong sabihin ay sa escort, hay naku hibang na hibang ka na talaga" Kamot ulo nyang sagot sakin
"Anyway mukang di ka din naman interesado kung sino yung escort mo" Sabay tingin nya sa phone nya
"Sino ba?" Taas kilay ko nalang tanong sa kanya
"Si Emman.. Yung campus crush dito"
"Bakit ako, yung muse pwede namang ikaw diba" Pagmamaktol kong saad sa kanya
"Bagay na bagay talaga si Teacher Tin at Teacher Cedrick, for sure ako na mananalo na yan sila" -👩🎓
"Sira ka talaga, dapat si Teacher Joy at Teacher Aldrin yung mas sinusuportahan mo dahil sila yung representative natin"- 👨🎓
"Oo na ang lakas kasi ng Chemistry nilang dalawa tapos may pa flowers na si Teacher Cedrick kay Teacher Tin" -👩🎓
"No way... Wala silang chemistry noh" Bulong ko sa sarili ko na may halong inis
"Oh kalma ka lang" Biro naman sakin ni Eunice
Pero sinabi naman sakin ni Teacher Tin ay di para sa kanya yung flowers na yun. Ilang minuto lang ang lumipas ay Tumunog na yung bell ng school kaya lahat kami ng mga nasa labas ay agad nang nagsipasukan sa kani-kanilang mga classroom
Teacher Tin POV
Unang klase ko ay kala Eli, pagpasok ko palang ay agad na pumukaw sakin ang attention nya na parang di mapakali sa upuan nya, pero hinayaan ko nalang din naman
YOU ARE READING
We met in June ends in April
Historia CortaBago maging Teacher si Celestine ay isa sya sa mga nag mamanage ng Electronic Company nila, pero dahil sa nangyaring aksidente ay pinapunta naman sya ng Father nya sa U.S para kalimutan ang nangyaring aksidente. Ayaw din ng kanyang Father na umamin...