We Fell In Love In October Part 2.2

216 10 2
                                    

Pagkatawag naman nung security ay di daw pumayag si Eli na lumabas sya, kaya mas lalo akong nainis at syempre aaminin ko nag aalala na din ako baka kasi malasing sya hindi ko pa naman din kilala kung sino yung mga kasama nya loob. Ilang minuto pa ang lumipas ay may dumating na isang lalake na pamilyar sakin yung muka

"Wait I know you.. Namamalikmata ba ako, ikaw ba yan Ma'm Tin" Agad na tanong sakin nung lalake

"Ako po to si Alfred. Limot mo na po ba" Agad ko na ding na-alala nung nagpakilala sya, isa sya sa mga naging empleyado ng Family ko sa business

"Papasok na po ba kayo sa loob, mukang napaka simple naman po ng suot nyo anyway papasok na ako sa loob late na din po kasi ako eh. Kayo ba?" -Alfred

"Hindi po kami pinapapasok dito, wala po kasi kaming invitation" -Eunice

"Oh. It make sense naman, hindi kasi bagay dito si Ma'm Tin, bagay sya sa engrandeng party. And... Wait. Tama ba narinig ko hindi siya pinapasok? Kung ako sa may-ari nito pag nalaman ko naandito ang isa sa mga anak ng famous billionaire businessman ay papasukin ko na to" Nagsimula ng magtaka si Eunice pati yung security

"Hindi mo na kailangan pang sabihin yan, di naman nila kailangan malaman"

"Dapat malaman nila, saka dapat maging proud po kayo na anak kayo ni Si Gordon Santiago"

"Wait. Gordon Santiago yung may ari ng Galore Gadget Company"  Gulat namang sagot ng security, pati si Eunice ay di makapaniwala sa narinig nalaman nya, hindi na sya makapagsalita pa dahil sa gulat

"Now you know" Sabay tapik ni Alfred sa braso ng security

"Anyway, pasok na po ako" Sabay pasok sa loob

Ilang minuto pa lang ang lumipas ay may iilang tao na lumabas at agad na tinanong yung security kung nasaan yung anak ni Gordon kaya agad akong nagpaalam kay Eunice na babalik na muna sa kotse at nakiusap ako sa kanya na subukan nyang tawagan ulit si Eli

"Ikaw ba yung anak" Napagkamalan naman ng iba na si Eunice yung anak ni Gordon

"Hindi ako, hindi po ako" Agad na tanggi nya

"Hindi po sya. I mean kasama nya po yung anak" Agad namang paliwanag ng security

Habang nasa loob ako ng kotse ko ay nakita ko na lumabas si Eli, at agad na hinila ni Eunice si Eli papunta dito sa kotse

"Ano ba!" -Eli

"Inutusan ka ba nya huh?" Inis nyang tanong kay Eunice

"Ano ba Eli, pag nalaman yan ng Tita mo magagalit yun sayo, saka kung nag-away man kayo ni Teacher Tin, sana tumawag ka sakin para naman sa bahay ka nalang pumunta hindi dito

"Ano yan? You're trying to be protective" Agad nyang tanong sakin matapos kong ibigay sa kanya yung jacket dahil masyadong sexy yung suot nya

"Eli, ano ba, umayos ka nga. Madami ka na bang nainom" Sabay amoy ni Eunice kay Eli.

"Let's go home"

"Ayoko" -Eli

"Kung ayaw mong umuwi sa condo ni Teacher Tin, dun ka nalang muna samin, bukas nalang kayo mag usap" Agad namang tinawagan ni Eunice yung driver nila

Agad namang din akong sumunod sa kanila, dahil hindi ko matiis si Eli. Nagbabakasali pa din na sumama sya sakin pauwi

Nang makarating naman sila sa bahay nila Eunice ay agad syang pumasok at pinasabi ko nalang kay Eunice na di ako uuwi hanggang di ko kasama si Eli

"Sa loob nalang po kayo mag-intay" -Eunice

"No. It's ok, dito nalang ako sa kotse"

"Are you sure po ba?" -Eunice

We met in June ends in AprilWhere stories live. Discover now