Kabanata 3 - Oplan: Bayad Kuryente

16 2 0
                                    

[Kabanata 3]

'Diskarte'
Diskarte daw ang sagot ng mga taong hindi naka pag tapos ng pag aaral o Walang trabaho. Syempre isa ako dun, Ako yung 'Walang trabaho' Syempre nag aaral pa ko 9 yrs old palang kaya ako himala kung mag karoon agad ako ng trabaho. Oo nag aaral pa ako. Anong Akala niyo titigil ako dahil sa Problema sa bahay Syempre Hindi
--- Hindi papayang si Mama.

Bumangon na ako may alam na akong Plano kung pano ko matutulugan si Mama. Napa tingin ako sa wall clock ko dito sa kwarto, 4:38 a.m palang. Kailangan ko talaga gumising ng ganito ka aga para sa plano ko. Bumaba na ako sa double deck at dahan dahang lumabas ng kwarto na parang ninja kailangan ko talaga ng ganito para Hindi ko magising Si Mama. Para akong timang na nag lalakad sa gabi feeling ko ako yung mag nanakaw dun sa
'Robbery Bob'.

Pag baba ko ng hagdan ay tumakbo na ako deretsyo sa kusina. At nag hanap ng Ingredients para sa gagawin kong...

'Mahiwagang Graham balls'

Oo Graham ang naiisip kong ibenta sa School Hindi ko alam, pero kailangan kong lunukin muna ang kahihiyan ko dahil kailangan kong tulungan si Mama.

Kinuha ko na ang isang back ng Graham Crackers. eto lang lang kase Ang available dito sa bahay wala yung powder kaya kailangan Kong pag tyagaan to. Kumuha din ako ng condensed milk, Isang malaking container, Pinggan, kutsra, tinidor dos-por-dos at what ever and so on. Basta kung ano lang makita ko yun na yun.

Sinimulan ko ng hampasin yung Isang pack ng Graham Crackers gamit yung rolling--- rolling, tsk Anu nga tawag dun. Rolling pin ata tawag dun. Yung kahoy na pa bilog tas may hawakan sa mag kabilang gilid. Basta yun hirap mag explain.

Na-awa ako para dito sa Isang pack ng Graham Crackers. Grabe kase yung napag daanan niya sakin. Ti-torture kona kase pinag gigilan ko. Siguro nung umulan ng Sama ng loob ako naka salo lahat tapos ngayon ko binubuhos dito sa Isang pack ng Graham Crackers. Hampas dito Hampas doon. Pasensya kana bhie kailangan ehh.

Na tapos na ko sa mag torture dito sa Isang pack ng Graham Crackers. Sa tingin ko okay na to durog na durog ehh. Binuksan ko yun at inilalagay sa malaking mangkok na nakuha ko lang kanina. Tsk. Konti lang pala ng laman neto.

Pag lagay ko ng Graham Crackers ---na powder na ngayon--- nilagay ko na ang isang can ng condensed milk at asukal. Hinalo halo ko yung mga ingredients. Ikot ikot lang~~ --- luhh kumanta pa nga.

Na tapos ko na silang haluin tinignan ko yung Oras. 5:06 a.m ang bilis ko naman ata. Habang tumitingin ako dito sa ref ng mga sprinkler at mga kung ano-ano pang pwedeng I lagay sa Grahams. May Na-alala nanaman akong hindi dapat, ang Sabi ko kaka limutan ko na dapat siya, pero bakit ganito hindi ko maintindihan. Yung bracelet nga na binigay niya hindi ko na sinuot para, hindi na umasa na babalik ba siya, pero yung mga memories ko sa kanya hindi talaga mawala sa utak ko.

Flash back...

'3rd person pov'

Isa sa mga araw na binaka hihintay ni Valerie ang araw ng linggo. Dahil ito ang araw ng pag uwi ng kanyang Ama mula sa trabaho nito. Alas-kwatro na ng hapon. Hindi na ma-pakali si Valerie, nag iintay siya sa Papa niya dahil pinangako nito sa kanya na gagawa sila ng paborito niyang pagkain. Ang 'Graham Balls'.

"Valerie... Sigurado ka bang hindi kana mag me-meryenda?" Haninahong tanong sakin si Mama. Si Mama ay 4 buwan ng buntis sa bunso kong Kapatid. Kaya mapapansin na rin Ang umbok ng tiyan nito. Ang hinala nila ay baka sa buwan ng Disyembre na manganak si Mama.

"Opo, Busog pa po ako. Hinihintayin ko nalang po si Papa" Sabi ko habang sumisilip sa Bintana. Narinig ko mula kay Mama ang Malalim na pag hinga.

"Hindi sa pina ngungunahan ko ang Papa mo... Pero baka Hindi na naman siya dumating ngayon masyado siyang maraming mahahalagang inaasikaso" Sabi Sakin ni Mama habang papa lapit siya sa sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sa Totoo lang may Punto si Mama. Na tatakot ako baka ma ulit nanaman yung nangyari noong Linggo pumunta siya dito para gumawa kami ng Graham pero may mahalaga siya gagawin. Mag sisimula pa lang sana kami noon na gumawa, naka handa na ang mga utensils at ingredients na gagamitin pero may biglang tumawag sa Cellphone niya, kaya umalis siya nun.

The Buried Lies Of Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon