Kabanata 6 - Love ones

10 1 0
                                    

Expect the typos... Magmamadali kase Sorry.

[Kabanata 6]

"Nak... Aalis na'ko, Bilis Ma lalate kana. Ano bang ginawa mo kagabi at tanghali kana nagising. Si Rina at Ace si Tita Lina mo nalang daw Ang mag hahatid" Sabi ni Mama habang nag susuot ng sapatos nag mamadali rin siya dahil mala-late na siya sa trabaho. Bumangon agad ako at naligo. Pag labas ko ng banyo ay Wala na si Mama.

Agad Akong tumakbo papunta sa Taas at nag Bihis na'ko at nag-ayos ng Sarili. Hindi ko na napansin na mag kaiba ang Medyas ko yung isa Puti at yung isa naman ay kulay pink na pambahay ko lang, pero Wala na Akong magagawa sout ko na mala-late narin ako.

Magagalit nanaman si Sir Liam, kase late ako

Kumain ako ng mabilisan ng marinig ko na ang busina ng Kotse ni Tito Oscar. Kinuha ko na ang bag ko at nag sout narin ng sapatos, Kinuha ko na rin sa Ref ang Graham na ginawa ko kaninang madaling araw. Inilagay ko lang sa Piggy bank ko ang mga naipon ko kahapon.

Bagbukas ko ng pinto ay nakita ko sa Liam na pakatok palang din Sana. "V-val Bakit ang tagal mo. Mala-late na tayo" na uutal niyang sabi. "Late kase ako nagising ehh" paliwanag ko tumango naman siya at nauna ng lumapit sa Kotse. Bakit? May dumi ba'ko sa Mukha?.

Pinag buksan niya ako ng Pinto at sumakay na siya sa passenger seat. "Wow, ang ayos naman ng ina-anak ko ngayon" Bungad Sakin ni Tito pag ka Pasok ko sa Kotse. Huh!?. Bulag ba'to si Tito pulbo at lip balm nga lang make up ko ehh.

Hindi ko nalang siya pinansin at nanahimik nalang kami buong byahe dahil may kausap si Tito sa Cellphone niya na Boss ata niya. Minadali na lang ni Tito Ang pag da-drive para maka punta na agad siya Sa trabaho at magawa Ang lahat ng pinauutos sakanya.

Habang nasa Byahe Hindi ko mapigilang Hindi mapa-tingin sa Tulay na nadaanan namin. Ang Tulay na iyon ang nag dudugtong sa dalawang bahagi ng San Harmenia, Ang Seltia at dito sa Hestia. Pinubuo ng Seltia ang Artemia, Diana at Terra at ang Hestia naman ay binubuo ng Flora, Gaia at Iris. Nakatira kami dito sa Gaia na siyang unang madada-anan pag dating ng Tulay. Ang tawag naman sa Tulay na ito ay Tulay ng Buhay. May libro Tungkol dito na Na-basa ko noon.

Dahil daw sa mga Magical Tree tumutubo sa mag kabilang gilid ng Tulay kaya ito tinawag na Tulay ng Buhay. Ang Magical Tree daw kase na naka Tubo sa Gilid ng Tulay ay Minsan ng naka tupad ng hiling Noong unang panahon dahil daw sa Hiling na iyon ay nag karoon ng Buhay ang buong San Hermania kaya binuo nila Ang Tulay na ito sa tinawag na Tulay ng Buhay. Ang mga Magical Tree ay tumatagal ng mas talagal pa sa Buhay ng Isang tao at Ang mga Puno na naka Tanim doon sa Gilid ng Tulay ay mahigit Isang daang Taon na ang Tanda.

Nandito na kami ni Liam sa School hinatid niya muna ako sa Room ko at syaka umalis na rin agad dahil ayaw niya daw makita si Ariana at paniguradong Ka-kapit na naman yun na parang Linta sakanya.

"Bakit ang Lungkot mo ata Ngayon?" Tanong ko kay Ariana ng mapansin Kong parang Hindi siya madal-dal ngayon. "Nag away nanaman Sila Mama at Papa... Pero iba yung kahapon muntik na Silang mag Patayan at Mag hiwalay. Hindi ko alam Basta pinag u-usapan na Sila. Ang Sabi ng ng mga kapit bahay. May Iba na daw si Papa... Pero parang ayoko maniwala doon" Sabi niya parang nalungkot din ako sa sinabi niya. Oo may Pamilya siya pero laging ganito ang Eksena hindi natatapos ang Isang linggo na Hindi nag aaway sila Tita Lina at Tito James.

"Eto ohh bigay ko nalang sayo" Sabi ko sabay abot sakanya ng Limang piraso ng Graham. Hindi kase ako sanay na ganito siya. "Salamat Bess, pero wag na alam Kong kailangan mo yung Pera kase nasa Hospital pa si Elijah" Sabi niya. Ito ang Isang katangian ni Ariana na hinangaan ko talaga. Ang pagiging mapag-bigay niya, kahit na Gusto niya ay Ibibigay niya sa iba. Ngumiti lang ako sakanya at inabot nalang ang Tatlong Graham. "Bayad ko yan sayo ngayon" Ngiti ko. Ngumiti naman siya pabalik "Salamat ha. The best ka talaga" Sabi niya sabay Tawa.

The Buried Lies Of Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon