Kabanata 2 - Elijah

20 1 0
                                    

[Kabanata 2]

Nandito ako ngayon sa kwarto ko...--- I mean namin, dito na kase matutulog si Elijah, hindi ko lang alam kung kailan pero ang Sabi ni Mama pag hindi na daw natatakot si Elijah ay dito na yun matutulog. Pero dahil wala pa naman siya dito ay masasabi Kong akin to. Double deck naman kase yung higaan ko ako yung nasa taas at si Elijah dapat yung nasa baba si Mama naman ay sa kabilang kwarto na natutulog.

Tapos na ang Birthday Party ko malinis na sa baba at lahat ng regalo nandito na sa loob ng kwarto, Hindi ko pa rin to binubuksan dahil na pag desusyunan kong bukas nalang buksan yun--- ayy, yung regalo pala ni Skyler!.

Muntik ko na makalimutan.

Naka patong lang yun sa lamesa dito sa kwarto ko na malapit sa bintana, dito ko na nilipat kanina para safe. Naka lagay iyon sa maliit na Paper bag na may design sa fairy, pag ka kuha ko ng gamit sa loob ay Nakita ko ay box... Maliit na box na kulay puti at may ribbon na kulay green. Wow, yayamanin.

Pag bukas ko nun ay nagulat ako sa laman,OA. Isang pares ng hikaw na Emerald, Hugis bulaklak at may diamond pa. Hindi ko lam kung totoo yun pero dahil sa tuwa pumunta ako sa harap ng salamin na naka sabit sa ding-ding at tinanggal ko muna yung hikaw na suot ko ngayon at pinalitan nun. Wow ang gandaaaa.

Ilang minuto pa akong naka tingin sa Sarili ko habang umiikot na parang Prinsesa. Sobrang saya ko kase ang Ganda talaga at sobrang bagay na bagay siya. Pero napa tigil ako nung may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, Si Mama lang pala.

"Nak... Mukhang tuwang tuwa ka diyan ahh, bukas muna buksan yang mga yan... matulog ka muna at may pasok kapa bukas" Malambing at Mahinahong sabi sakin ni Mama habang lumalapit sakin, niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
"Opo Ma, Good night" Naka ngiting sabi ko. "Goodnight Sweetie" sabi Sakin ni Mama at hinalikan ako sa noo bago siya lumabas ng kwarto.

Napa lundang na lang ako sa kama nang maalala ko ang---. Regalo ni Papa!!. Mabilis akong umupo sa kama at kinuha yun sa ilalim ng unan ko. Nakita ko din ang sulat na naka tupi agad kong binuklat yun at binasa.

From: Papa

To: My princess

Happy birthday, Munting prinsesa. Pasensya na kung Hindi ako makaka punta sa Birthday mo. Sana basahin mo ito alam kung masakit para sayo, sainyo ng Mama mo. Hindi ko talaga kayo pwedeng balikan, sa ngayon. Alam kong magulo pero kailangan kong gawin to para sa inyong kapakanan ng kapatid mo alam mo naman na Masakit din para sa Mama mo Ang mga nangyari. Baka Hindi niya na rin ako nanggapin kung nag ka taon. Pero kahit Wala ako sa tabi mo sana lagi mong tatandaan na mahal ko kayo ng Mama at Kapatid mo. Alam kong hindi mo maintindihan pero malalaman mo rin pag nasa tamang edad ka na. Mahal na mahal ko kayo. Sana pag butihin mo ang pag aaral mo. Mahalin mo ang Kapatid mo ipag tanggol mo siya para Sakin. Ikaw Ang gagawa ng lahat ng pag kukulang ko sa kanya. Hindi ko alam kong kailan ulit ako makaka punta pero sisikapin ko na maka punta at makita kita ulit Munti kong prinsesa. Sana pag balik ko ay handa mo pa ulit akong patawarin sa lahat.

Nag Mamahal
Papa...

Ibinaba ko ang papel na hawak ko. Ano?, hindi ko na siya makikita ulit?. Kailan pa ulit? Ilang taon na akong nag hahantay sa bag balik niya. Ang Akala ko pumunta siya dito para bumalik. Mali pala!. Mali ang umasa pa ako!. Napa bagsak nalang ulit ako sa kama at tinabunan ko ng unan ang mukha ko at doon simigaw at umiyak ilang taon na akong nag titiis sa mga nang-aasar Sakin at sa Kapatid ko. Hindi ko na kaya kahit saan ako mag punta naririnig ko ang mga asaran na patuloy na nag lalaro sa isip ko.

The Buried Lies Of Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon