Kabanata 1 - Ang muling pag-kikita

23 3 0
                                    

[Kabanata 1]

Isang madilim na gabi lahat ng tao ay tulog na, ngunit ang Isang Bahay sa San Hermania ay puno ng tawanan,kwentuhan at biruan.
Masaya nilang binati ng 'Happy Birthday' ang Isang batang babaeng nag ngangalang 'Valerie'. Ngayon ang kanyang ika-siyam na kaarawan. Naka ngiti man siya ngunit kabaliktaran iyon ng nararamdaman ng kanyang puso, dahil sa tatotohanang hindi na talaga babalik ang kanyang Ama.

Kahit ngayong gabi lang sana ay hinihiling niya na pag bigyan na siya ng Panginoon na makita muli ang kanyang ama.
Walang minutong, hindi siya lumilingon kawa't kanan sa pag asang Makita muli ang kanyang ama.

Simple lang ang handaan nasa harap lang ng Bahay nila Valerie ang bisita habang naka upo sa mono-block na upuan. May dalawang lamesa rin sa gilid ng pintuan, ang nasa kanan ay puno ng pag kain . Sa kaliwang lamesa naman ay doon niya ilalagay ang mga regalo. Kunti lang din ang tao roon halos puro kabit Bahay at kaibigan lang nila Ang mga nandoon sa Birthday party.

Mag sisimula na ang handaan, pumunta na siya sa harap upang nanggapin ang mga regalo na ibibigay sa kanya. Sa bawat regalong na tatanggap niya ay nag sasabi lang siya ng 'Salamat'. Ngunit gaano pa karami ang matanggap niyang regalo ngayong gabi ay wala siya pake-alam dahil isa lang ang regalo na kanyang hinihiling.

"Kamusta Valerie... Uhm, happy birthday. Pasensya kana iyan lang ang pabibigay ko. Pero wag ka mag alala babawi ako sa iyo" nagulat naman si Valerie ng makita ang dating kaibigan na si Skyler. Matagal silang hindi nag kita, dahil umalis ito at nag tungo sa U.S upang bisitahin ang Tita nito. Halos 3 na taon na silang hindi nag kita.

6 na taon pa lamang ako noon, habang walong taong gulang naman si Skyler, nag pa alam siya sa saakin Bago siya umalis. Sinulit na rin namin ang aking natitirang Oras. Nag laro kami ng paborito naming laro, nag kwentuhan tungkol sa alamat ng aming bayan, nag pinta at Kumain ng paborito naming pag kain.

"Totoo ba Sky, Ikaw ba iyan?" Hindi maka paniwalang tanong ni Valerie sa kaharap. "Ako nga... Mahal na diwatang Monarch" tugon naman nito. "Hindi ako maka paniwala, hindi mo sinabing naka uwi kana pala rito" Sabi niya sa kaibigan sabay yakap "Pasensya kahapon lang din kami naka uwi, eii" paliwanag niya.

"Matagal pa ba yan?, gusto ko na ring ibigay yung regalo ko para sayo" Na iinis na tugon ng lalaki sa likod nila. " Huwag ka nang magalit diyan Liam. Kahit kailan talaga ang kunti ng pasensya mo" puna niya sa kaibigan "Siya nga pala, si ang kaibigan ko si Skyler yung sinasabi ko sayo" Dugtong niya pa.

Inilahad ni Skyler ang kanyang kamay para maki pag kamay sa bagong kakilala ngunit binawi niya iyon ng makita niyang hindi na ito na tutuwa.

"Eto nga pala ang regalo ko sa'yo" masayang saad nito kay Valerie.
Kinuha naman ito ni Valerie kay Skyler at inilapag sa gilid ng mesa para iyon ang una niyang bubuksan. "Salamat prinsepe Apollo" at syaka marahang yumuko na parang nag binigay galang. Sabay Silang tumawa ni Skyler.

"Eto naman ang regalo ko sa'yo" seryosong Saad naman ni Liam.
"Eto naman napaka seryoso, bakit ba kita naging kaibigan. Akin na nga" kunwaring pag susungit nito sa kaibigan. "Joke lang" ngiti niya nung makita ang seryosong mukha nito. Kinuha niya nalang ang regalo nito at itinabi na rin sa gilid ng lamesa. Mas matanda ito sa kanya ng 3 taon.

"Mama. Papasok po kami sa loob ng bahay , pwede po ba?" Paalam niya sakanyang ina na ngayon ay nakikipag kwentuhan sa kaibigan nito. "Sige, Basta huwag kayong masyadong maingay at baka magiging si Elijah" paalala nito "Opo ma, Salamat po" Saad niya at niyakap ang ina.

Bumalik na siya sa kinaroroonan ng dalawa niyang kaibigan.
"Tara na" Aya niya sa mga ito na pumasok sa loob ng bahay unang pumasok si Liam dahil nagi naman siyang pumasok doon para ihatid ang kanyang Kapatid na babae dahil gusto nito na makipag laro kay Valerie, siya na rin ang nag babantay sa kanyang naka babatang kapatid kaya lagi siyang na roon.

The Buried Lies Of Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon