1

48 2 1
                                    

1

"Last round na ba? Hindi ko na kaya!" Halos umiyak na ako sa harapan ng coach ngunit tinawanan niya lang ako. I grudginly let him fix my gloves and fixed my stance.

"Last three minutes! Maikli na nga 'yan, eh!" Ani Coach Ces at sinimulan na ang timer.

We sparred for another three minutes and I felt like fainting afterwards. Alam kong ginusto ko ito pero nakakapagod talaga minsan.

I sighed and dropped myself to the floor. Hinayaan ako ni coach na magpahinga sa sahig dahil pagkatapos nito ay i-te-train niya pa ako.

I turned my head to the side and saw a pair of shoes. Tinaas ko ang tingin at nagtama ang mga mata namin ng lalaking kapapasok lang sa boxing room.

The boxing room of the gym is separated from the main area where all the other equipments and machines are. Ngunit dito sa loob ng boxing room nakalagay ang iba pang maliliit na dumbbels at kettlebells.

I was too tired to scrutinize the guy who went in. All that is too hard to ignore are his towering height and his fair complexion. Nakahiga ako sa sahig kaya mas naging higante siya sa paningin ko at parang langgam lang ako.

And since the boxing room of the gym had one side with glass walls, the sun's rays bathed his skin as he walked inside, illuminating him. Kahit malabo ang mga mata ko ay hindi ko iyon maitatanggi.

Nang makitang pabalik na si coach ay mabilis akong tumayo. I know he's gonna let me hold a pair of dumbbells and do some squats. Kung siya ang kukuha ng mga dumbbells ay siguradong mabigat ang ibibigay niya sa akin kaya inunahan ko na.

The guy who went in was also choosing some dumbbells. Nang makalapit ako ay ngumiti siya.

Now that I'm close enough to see him, I saw how his eyes turned into a horizontal line when he smiled. I gave him a small smile and took two eight-pounds. Kung si coach ang pumili ay baka fifteen pa ang ibigay niya sa akin!

"Go easy on her, Coach. She might faint," anang lalaki sabay sulyap sa akin.

Mabilis naman akong napatingin sa salamin. I do look pale but I don't feel like fainting... kanina lang.

"Grabe ka naman, Kuya!"

Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sinabi ng lalaki pero hinayaan ko na lang. My endurance is not that good to have a high sense of pride. He's probably an expert to know that I am near fainting by just one look.

"She can do it. Kulang lang sa push," natatawang sagot ni coach habang inaayos ang plyo box.

"Why call me Kuya?" Tanong ng lalaki bago ako makalayo. Dahil doon ay bumalik ako sa tapat niya.

Mas mabuti na ring kinakausap niya ako dahil nakakapagpahinga ako. Mukhang atat na atat pa naman si coach na pahirapan ako ngayon.

I shrugged. "You look older than me. Respeto lang."

"Wow... thank you."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig. Sana naman ay hindi niya minasama. I didn't mean it as an insult! Sadyang naisip ko lang talaga na mas matanda siya sa akin.

"Hindi 'yon insulto. You actually look young for your age."

Mas kumunot naman ang noo ng lalaki. "What do you mean 'for my age'?"

Natawa na lang ako. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya. Hindi naman talaga ako sigurado ngunit ngayong ganito ang reaksyon niya ay tama nga talaga ako at mas matanda siya sa akin.

"Basta young-looking skin, ganoon!" I smiled sheepishly and walked back to Coach Ces. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay umiling-iling na ito.

"Palitan mo 'yan, Lia," anito sabay tingin sa dala-dala kong dumbbells. "'Yong kulay green ang kunin mo. Fifteen pounds."

The Invisible ArrowWhere stories live. Discover now