2

28 1 0
                                    

2

"Lia, it's your lucky day! Mukhang magmumukbang tayo ngayon!" Masiglang sabi ni Rafaella at sinara na ang iPad.

Bago-bago lang ay namomroblema ito dahil hindi raw marunong ang prof namin kaya hindi niya maintindihan. Nakasimangot siya buong klase dahil self-study na naman daw siya aasa, ngunit ngayon ay parang naka-recharge na.

"Look! Ahia Atien posted!" Anito sabay pakita sa akin ng phone niya.

I opened my Instagram it was Atien's post that appeared first. Napangisi na lang ako. It's either coincidence lang ito o sadyang nagpapapansin siya.

Pero... bakit naman siya magpapapansin? Maybe he's on another study break and got bored so he decided to post some photos.

I swiped through the photo carousel. He only uploaded three photos and they all looked like they were taken using a film camera.

The first one was the famous Amsterdam canal with a few boats lining on the side. Sa harapan mismo ay may dalawang bisekleta.

The second photo was of a guy that resembled Atien. Magkamukha sila ngunit mas matanda ang lalaki. Surely, it's his dad. Nasa yate ito at may hawak na inumin habang ang background ay ang naglilinyahang townhouse.

The last one was Atien and a lady that looked like a retired supermodel. Hindi ganoong kamukha ni Atien but it's safe to say that it's his mom. Unlike Atien, she's tanned and has strong features.

Nakangiti ang dalawa sa litrato. Hawak-hawak ng babae ang isang bouquet ng tulips habang si Atien ay may waffles sa dalawang kamay.

I liked his post while Rafaella was dragging me out the building. At dahil dakilang stalker ako, pati comments ay binasa ko rin. Wala lang... hindi naman sa super interested ako. Curious lang talaga.

@fico_young: first post ever?! galawang papansin

@jazzztan: we love real time posts... yung mga hindi one year late <3

@miarawr: nice pics, sana wag idelete pagkatapos makita ng target audience

@vixenyang: so gwapo naman my bestie

"You're doing pilates, diba? I changed my schedule para sabay na tayo," ani Rafaella bago nagsimulang kumain.

Weekend came and I trained in the morning and did pilates afterwards. Fully-booked ang lahat ng slots at nasa-waitlist ako. Ngayon lang talaga nagka-slot ulit kaya nakapagsimula na ako.

We were in the middle of doing an arm and back exercise when someone came in. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Atien. I turned to Rafaella but she seemed unbothered and continued with the routine.

Hindi pa ako nakita ni Atien ngunit pagkatapos magtama ang mga mata namin sa repleksyon sa salamin ay saka niya ako hinarap. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito at bakit niya kausap ang coach. Ilang segundo silang nag-usap bago siya naglakad palapit sa akin.

I was sitting on the carriage. So now that he's standing beside me, he looks more gigantic. Nakatingala ako sa kaniya at feeling ko ay parang langgam ako sa liit.

I was surprised when he bent down and took the arm straps from me. Hawak-hawak ko iyon pero dahil sa gulat ko ay binigay ko naman sa kaniya nang hinawakan niya.

"You have to make sure these are even or else you'll feel different while doing the routines. The forces wouldn't feel balanced," he said as he adjusted my straps.

Anong feel different? Kilig?

Napapikit ako dahil sa naiisip. Ito ang mahirap kapag walang may natitipuhan, kahit maliit na gesture ay pwedeng maging romantic!

The Invisible ArrowWhere stories live. Discover now