7

22 3 1
                                    

7

I spent the following day at the campus. Sa library ako tumambay dahil napansin kong mas productive ako at maraming natatapos kapag nasa campus.

Tuwing nasa condo kasi ako ay madalas akong tinatamad. Ang daming distractions, minsan imbes na mag-aral ay natutulog na lang ako.

"Lia, love, let's have dinner later. Si Carson kasi hindi na tayo ang priority," pag-aaya ni Rishi sabay angkla ng braso sa akin.

Magkaklase kaming tatlo sa isang major at magkagrupo sa isang general subject. Nag-uusap din naman kami noon ngunit nagtatanungan lang tuwing discussions dahil magkatabi kami ng upuan.

I guess it's true that the people we meet in college serve different purposes. There are those that you get close with and hang out most of the time, and there are those that you simply talk when you're in class.

Napasimangot si Rishi nang umiling ako. "Oh? So you have a date too?"

Napalitan ng mapanuksong ngiti ang simangot niya. "Is it 'yong guy na you posted kahapon? He looks tall and gwapo kahit nakatalikod!"

Natawa ako sa narinig. I also can't ignore that I feel something else deep within. Hindi lang ako natatawa kundi natutuwa rin. Feel na feel ko na ata ang tukso!

"It's not a date!"

Carson anchored his arm on my other hand. Pinapagitnaan na nila ako ngayon.

"So you're having dinner but it's not a date? Kasi if you had other plans, you would've said, 'I don't have a date' instead."

Iyon ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating sa condo. Magkaibang building kaming tatlo pero ako ang una nilang hinatid.

Atien asked me earlier if I'm up for an early dinner. Wala namang problema sa akin dahil hindi ako nakapag-lunch. I only had brunch then a light snack.

"Damn. You're that hungry?" Bigla naman akong nahiya dahil sa narinig. I didn't notice how fast I was eating. Natawa na lang si Atien dahil sa akin.

"Or maybe you like my food that much?" He raised a brow with a proud look.

"Kapal," I whispered.

Magaling nga siyang magluto pero hindi ko iyon sasabihin. He doesn't seem the type to brag. Baka lumaki pa ang ulo kapag pinuri ko.

"You won't take a photo of me?" Aniya pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan.

He gestured to the spot where he stood yesterday and even posed for me!

"Kapal talaga." I rolled my eyes playfully. "Ikaw nga 'yong photo-bomber, eh!"

He made a mocking face while still guiding me to the elevator. Katulad kahapon ay hinatid niya rin ako sa tapat ng unit ko. Hindi naman kailangan dahil mas malapit ang floor niya sa rooftop kaysa sa akin. It felt like extra work for him but he insisted.

At dahil tapos na akong kumain, I didn't have to tidy anything! Hindi lang ako naka-save sa pagluluto kundi sa pagliligpit din. Sometimes, the cleaning part takes up more time.

Agad akong pumwesto sa study table para makagawa ng mga school works. Ang plano ko ngayon ay mag-advance study para sa isang major. Hindi ako masyadong nakinig noong discussions dahil sobrang aga ng klase kaya nakakaantok. Ngayon na lang ako babawi.

I studied for thirty minutes then rested for ten minutes. Iyon ang ginawa ko hanggang sa nakaramdam ng antok. As a reward, I permitted myself to check my socials before going to bed.

I viewed some stories and, for some reason, I was looking forward to Atien's. Wala namang espesyal sa mga posts niya dahil hindi naman siya nagpo-post, tanging repost lang naman ang ginagawa niya. Natutuwa lang talaga siguro ako.

The Invisible ArrowWhere stories live. Discover now