'Hmmm'

4.8K 98 17
                                    

"Last na." Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa chat box ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at binabasa ko pa ng paulit ulit ang mga mensaheng binitawan namin sa isa't isa nang mga panahong kami pa. Wala naman akong makitang mali.

Napapangiti nalang ako sa mga kulitan naming dalawa, ngunit kasabay ng mahinang pag tawa ay ang pag patak nang aking mga luha. Sabi ko noon hindi na ako iiyak. Hindi ko na siya guguluhin at kukulitin. Pero eto ako... Humingi pa rin ng pabor... Sabi ko.

'Besh unblock me now... There's no point of blocking me na... I don't wanna waste our friendship for 2 months...'

Nang maisend ko yan okay lang naman saakin. Totoo yun, hindi ko pwedeng sayangin kahit ang pagkakaibigan namin. Hindi ko kaya. At masaya pa nga akong nag type ng ganun, no hopes of going back in being a lover... But hope to be bestfriends.

'Yow! Enjoy school! You better strive hard. Make daddy proud :P'

I don't want her to feel awkward. Kung tutuusin ayoko talagang buksan ang mga bagay na hindi dapat binubuksan. Kasi natatakot akong iblock niya ulit.

'The loveteam you like is not for real. The girl's manager told me about it.'

Nag isip nalang ako ng ibang topic para mag reply siya. At nag reply nga siya, sabi niya...

'Anong sabi?'

And that's the start we talked about random topics. Hanggang sa hindi na siya nag reply. Kung ano anong sakit ang pumasok sa damdamin ko. Kung dati kasi magpapaalam na siya, may kasama pang sweet nothings. Ngayon wala lang.

Gustong gusto kong isaksak sa puso ko na wala na nga kami, pero hindi ko alam kung bakit sobrang tigas ng puso ko para hindi niya yun makuha. Walong araw at labin dalawang oras nang kumikirot ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ito tatanggalin, pero ang alam ko... Yung pagmamahal at pag asang babalik pa kami sa dati ay nandun pa rin.

Masakit kasi... Sobrang sakit... Na... Na... Sa isang iglap... Mababago ang lahat.

'Hiii.'

'Hmmm?'

Nangunot noo ako ng mag pop up ang isang box sa itaas ng ipad ko. Notification. I opened it and a random person just chatted me. So as a feeling close person rineplyan ko.

'Sorry wrong send'

Kahit hindi naman talaga. Sinadya ko lang talaga yun. Boring eh. Chatting random people on social media were my past time. Yeah! Pag boring lang ako saka ko lang sila ichachat. But this girl here... Became my bestfriend, became my lover and i became her chaser.

Sa mundo ng kung saan dun mo makikita kung saan nagsisimula at nagtatapos ang isang mabuting ugnayan. Yung mag uumpisa ng simpleng 'hi' tapus magtatapos sa salitang 'goodbye' for other people naman... Magsisimula sa 'I'm really thankful that i met/ chatted you because damn you're my sweet dream' at magtatapos sa 'how i wished not to met/ chatted you, because damn! Having you in my life was a nightmare.'

Pero iba ang paniniwala ko...

'What's your name?'

That was my first question to her. Well boring pa rin ako that time. Gusto ko lang naman makipagkilala sakanya. Wala kasi akong magawa.

'Dennise. Dennise Lazaro. And you are?'

'Alyssa. Alyssa Valdez. How old are you?'

So Close (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon