"Hoy! Tara na! Omg! Im so excited!" Malakas na sabi ni Ella habang buhat buhat ang sports bag at back pack niya sa likod. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa cellphone ko. "Besh! Ano ba, tama na kakatext mo ng mamimiss kita diyan kay Fille!"
"Oo nga! Kasama naman natin siya ah?!" Sabi naman ni ate Angeline na nakahawak kay A. Tumingin ako sakanila at napakunot ng noo ng makitang wala si Fille Cainglet. My bae.
"Tayo lang apat? Asan na yung iba?"
"Valdez! Parang andaming iba niyang sinasabi mo ah?" Sabi ni A at ngumiti saakin ng nakakaloko. "Sino ba yang katext mo? May iba pa ba tayong hinihintay bukod kay Fille?" Takang tanong niya.
Hindi ako umimik at tinaasan lang siya ng kilay. Bumalik ulit ako sa pag brobrowse sa phone ko. I wasn't texting, I was posting my friends picture on instagram with the caption see yah Philippines! Kaloka! Kanina pa kasi sila atat umuwi, tapus ako naman gusto ko munang mag post. Gawain ko kasi yon.
"Sorry guys! Nag washroom lang ako." Sabi ng hinihingal na si Fille. Sumulyap ito saakin at sa bag niyang hawak ko. "Valdez, akin na nga yan. You don't need to carry it for me."
I smiled at her. "Okay if you say so." Sabi ko at inabot na ang bag sakanya. "Ready na ba?" Tanong ko sakanilang apat. Sabay sabay silang humingang malalim bago naglakad patungo sa pwesto ko.
"1,2..." Angeline started to count but Ella's loud voice interrupted it.
"We're going home PHILIPPINES!"-Ella
"Grabe ka naman Ella! Sobrang lakas nun ah?" Reklamo ni Fille habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. Nag peace sign lang ito at may kasama pang sorry kaya naglakad nalang kami papunta sa private plane nila A.
"A, sure ka bang pinayagan ka ni tita?" Takang tanong ko.
"Oo naman. Saka for our vacation din naman to. Matagal na niya tayong sinasabihang magbakasyon diba? So ito na! Wish granted for her!" Sagot ni A.
Nung una kasi hindi kami pinapayagang gumamit ng private plane. Since mahal daw ang gagastusin ng parents niya for the oil and to pay the pilots. Though nag ambagbag din kami for the payment. And mahal nga siya. Matagal na din kasi akong sinasabihan ni mommy na magbakasyon ng Pilipinas. After I graduated High School pinapauwi na talaga ako.
Then as I reached legal age of course dapat ako na daw mag isa ang umuwi. Kaya ko naman na daw sarili ko. Na totoo naman, since matured na talaga ako dati palang.
"Yay! We're flying na!" Oa na sabi ni Ella matapos niyang iayos ang kanyang mga gamit sa compartment sa tapat ng upuan niya. Binatukan ito ni Fille kaya sumimangot siya.
"Oa ka. Wala pa tayo sa ulap."-Fille
"Excited ako eh! Bakit ba?!"-Ella
"So kailangan sigaw lahat? Gusto mo dinig yang boses mo hanggang labas?"-Fille
Ella stomped her feet as she sat next to me. "Eh di bumulong." Mahina niyang sabi, "we're coming philippines." Pabulong niyang sabi kaya natawa ako ng bahagya.
"I can hear your voice Ella." Angeline teased her at the back.
"Still loud Ella."-A
"Eh?"-Ella
"Para ka kasing naka megaphone diyan!" Sabi naman ni Fille ng pairap. Umupo ito sa harapan ng upuan namin. "Settle down guys." She said before pressing the blue button beside her right arm.
Good morning Alyssa, Ella, Fille, Angeline and A. The captain greeted that we immediately answered with a hi.
"Gwapo ng boses ni kuya!"-Ella