Chapter 9: The Breaking Point

2 0 0
                                    

Sa gabing iyon, malalim ang kalungkutan ni Duke. Lasing na lasing siya habang kasama si Jake sa isang bar na madalas nilang puntahan. Kahit ilang bote ng alak na ang naubos nila, hindi pa rin mawala sa isipan ni Duke ang sakit na nararamdaman niya para kay Sabrina.

"Bakit ganito, Jake? Bakit siya pa? Bakit si Sabrina ang nagpaikot sa akin ng ganito?" tanong ni Duke, slurring his words as the alcohol took full effect.

Si Jake naman ay tahimik lang, hindi alam kung ano ang dapat sabihin. "Duke, hindi ko alam. Maybe it's because she's different. Maybe it's because she's real."

"Real?" biglang natawa si Duke, pero halata ang sakit sa kanyang mga mata. "Kung real siya, bakit parang siya pa ang pinaka-unreachable? Bakit parang ang layo-layo niya sa akin kahit nasa harap ko lang siya?"

Bumuntong-hininga si Jake. "Mahal mo siya, Duke. Kaya masakit."

"Mahal?" ulit ni Duke habang hawak ang bote ng alak. "Jake, hindi ko 'to naramdaman kahit kanino. Ni kay Maxine, wala akong ganito. Pero kay Sabrina..." Tumigil si Duke at umiling, hindi kayang ituloy ang sinasabi. "Siya lang... siya lang ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito."

Pagkatapos ng ilang oras sa bar, nagpasya si Duke na umuwi, kahit pa sobrang lasing na siya. "Gusto kong makita ni Dad kung anong ginawa niya sa akin," sabi niya kay Jake habang tumatayo, medyo umiindayog pa dahil sa sobrang kalasingan.

"Duke, baka dapat hindi ka na umuwi. You're drunk, and your dad-"

"No!" putol ni Duke kay Jake. "Kailangan niyang makita. Kailangan niyang malaman kung anong ginawa niya. Hindi pa ako naging ganito kahit kanino, Jake. Hindi kay Maxine, hindi sa ibang babae. Pero kay Sabrina... kay Sabrina lang ako ganito."

Walang nagawa si Jake kundi ihatid si Duke pauwi. Sa pagdating nila sa Alcantara estate, nakita agad ni Jake ang pagkaalalang naka-ukit sa mukha ng ina ni Duke. She was pacing back and forth near the entrance.

"Duke! What happened to you?" Agad na lumapit ang ina ni Duke at niyakap siya. Ramdam ni Duke ang pangangalaga at pagmamahal ng kanyang ina, pero walang kahit anong yakap ang makakabawas sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Mom, I'm fine," sabi ni Duke habang naglalakad papasok sa bahay, pero halata ang bigat ng kanyang mga hakbang.

"You're not fine," sagot ng ina ni Duke, umiiyak na. "What happened to you? Why are you like this?"

Habang sinusundan siya ng kanyang ina, lumapit si Duke sa kanyang ama, na nakatayo lang sa sala, tahimik na pinagmamasdan ang kanyang anak. "Dad," sabi ni Duke habang nakatitig sa kanyang ama. "Look at me. Tingnan mo ang anak mo."

Hindi kumibo ang ama ni Duke, pero alam niyang may laman ang tingin nito. "Duke, go to your room," sabi ng ama niya na may mabigat na boses.

"Why? So you can continue to control me? So you can make decisions for me like you always do?" Tumawa si Duke, pero halatang puno ng pait ang kanyang mga salita. "Wala kang alam, Papa. Wala kang alam kung ano ang nararamdaman ko."

Ang ina ni Duke ay nagsimulang magmakaawa sa kanyang asawa. "Please, let him be tonight. He's hurting."

Huminga nang malalim ang ama ni Duke at sa huli ay sumang-ayon. "Fine. But only for tonight."

Forbidden Love Where stories live. Discover now