Continuation of Flashback
"Nagtanong ka pa talaga kung gusto kong magpaligaw tapos ayaw mo rin akong humindi?" Sarkastikong saad ko rito. "Paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?"
"You're my employee, Sarina"
Oo nga pala. Malamang malalaman niya talaga kung saan ako nakatira.
"Ano itong naririnig kong magpapaligaw? Sinong nanliligaw?"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni inay. Kaagad akong napatingin sa gilid ng itim na sasakyan ng lumabas roon si inay bitbit ang isang bayong. Napalingon rin doon si Zacharro at napatingin rin ang dalawang lalaki na kasama niya.
Napaatras si Zacharro ng lumapit si inay sa gawi ko. Nang makita ko ang itsura ni inay ay napangiwi ako. Napansin kong naroon rin ang atensiyon ng tatlo. May mga talsik kasi ng dugo ang suot na bistida nito.
"Sarina, ano itong narinig ko kani-kanina lang?" Tanong sa akin ni nanay. Bigla akong kinabahan dahil alam kong magagalit ito sa akin kapag nalaman niya ang sadya ng mga ito rito. "Sinong manliligaw?"
"Good morning, Ma'am" Bati ni Zacharro kay nanay kaya't naibaling ni inay ang tingin sa kaniya. Kumiling ang ulo ni inay na tila kinikilala ang lalaki sa harapan niya. Napakunot ang noo nito at kapagkuwa'y tinuro niya ang pagmumukha ni Zacharro.
"Teka, ikaw yung nakakatandang kapatid na lalaki ng ninakawan ng cellphone? Iyong pinagbintangan ang anak ko na kasabwat ng magnanakaw? Anong ginagawa mo rito?"
Napabaling ang tingin ng dalawang lalaki kay Zacharro. Pati ang lawyer ay napatigil sa pagtipa sa kaniyang laptop. Napakamot sa ulo si Zacharro saka napansin kung pati siya ay hindi ito inasahan.
"Ma'am, it was my brother's mistake. I will apologize again on behalf of him" Seryoso nitong sagot kay nanay. "And for that, I want to give you this"
Inilahad niya kay inay ang bulaklak na ikinagulat naman nito. Napatingin pa sa akin si nanay bago ibalik ang tingin kay Zacharro.
"Para sa akin ba iyan, hindi sa anak ko?"
"Actually, it was for her but she doesn't like it so instead of throwing it away, I'll give this to you, Ma'am" He politely answered. Napaismid na lang ako. Napaka-wise naman ng lalaking 'to.
"Hindi na ako dalaga para tumanggap ng bulaklak pero kung ayaw naman ng anak ko, aba'y hindi ko iyan tatanggihan" Saad naman ni nanay kaya napahawak ako sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: My Suitor is a Mafia Boss
Hành độngMAFIA SERIES #1: MY SUITOR IS A MAFIA BOSS Sarina is a woman living a peaceful and joyful life in a rural village far from the chaos of the city. She works as a concierge at a grand hotel. With a naturally cheerful and kind disposition, she readily...