"Good morning, Ma'am" Bati ni Zacharro kay nanay.
"Good morning po" Bati rin ni Valerio kay inay.
"Magandang umaga rin sa inyo. Bakit kayo naparito?"
Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil may dumating na customer. Napapatingin ito sa gawi ng dalawa dahil agaw-pansin ang mga itsura nila.
"Ano po ang sa 'yo, ate?" Tanong ko sa customer.
"Isang kilong patatas ang akin, neng"
"Sige po. Sandali lang"
Iniwan ko muna ito saglit. Kumuha ako ng plastic bag saka binalikan ang ginang at nagkilo ng patatas. Habang isinisilid ko ang mga patatas sa plastic bag ay nakikinig lang ako sa kanilang tatlo na nag-uusap.
"To be honest, I went here to personally apologize for what I did yesterday" Rinig kong saad ni Zacharro kay nanay.
Inabot ko namana ng plastic bag na may lamang patatas sa ginang. Nang iabot nito ang bayad sa akin ay nagpasalamat ako sa kaniya.
"Normal lang naman ang magkamali, Hijo. Ang importante ay humingi ka ng pasensiya at natuto sa pagkakamali mo pero hindi mo na kailangang bumiyahe pa dito para humingi ng tawad sa nagawa mong kasalanan, puwede namang pumunta ka sa bahay" Wika ni inay.
"Unfortunately, I can't go there. Your husband is still mad at me"
Napatingin ako rito at nakita kong nakahawak ito sa kaniyang batok. Mukhang nagaalangan pa ang reaksiyon ng kaniyang mukha.
"Ay oo nga pala. Ayaw ka rin pala niyang payagan na ligawan ang anak namin"
Lumapit ako sa lagayan ng pera saka inilagay ang pera na ibinayad ng ginang. Bumalik ako sa monoblock chair saka umupo roon at inilabas na lan ang cellphone ko saka nag-scroll sa facebook habang wala pang customer.
"But I will still court your daughter, Ma'am"
Panandalian akong napatigil sa pag-scroll dahil sa sinabi nito. Ayaw niya pa rin talaga akong tigilan kahit pinagbantaan na siya ni itay.
"Talaga? Hindi ka ba natatakot sa tatay niya? Ilang manliligaw na rin niya ang umurong dahil kay Julio"
"But I'm different" Seryosong sagot nito. Napatingin ako sa gawi niya at sakto ring nasa akin ang paningin niya. "I will prove to him that I am not like those guys. Seryoso po ako kay Sarina"
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: My Suitor is a Mafia Boss
AcciónMAFIA SERIES #1: MY SUITOR IS A MAFIA BOSS Sarina is a woman living a peaceful and joyful life in a rural village far from the chaos of the city. She works as a concierge at a grand hotel. With a naturally cheerful and kind disposition, she readily...