Kabanata 8

13 1 0
                                    

Third Person's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person's POV

Malalim na ang gabi ngunit hindi ito hadlang upang putulin ang kasiyahan. Madilim man, ang sinag ng buwan ay nagsisilbing liwanag sa buonv paligid. Tahimik ang buong bayan, kaya't hindi maisasantabi ang ingay na nagmumula sa isang lugar. Sa isang malaki at magandang na bahay na abala ang ahat dahil sa pagdiriwang. May nagtatawanan, nagkukwentuhan, nagsasayawan sa saliw ng nakakaindak na musika, at higit sa lahat ay mayroong nag-iinuman.

Masaya ang lahat. Hindi alintana ang antok dahil sa nakakaengganyong tugtugin. Sa kabila ng kasiyahan, nakalimutan nilang may nakaamba palang panganib na nakakubli lamang sa dilim.

Isang itim na pusa ang nakaupo sa malaking bato. Nakatitig sa mga taong naka paligid sa kaniya, iniisa-isa ang mga ito na tila kinikilala ang mga mukha.

Hindi siya kapansin-pansin kahit pa man ang mga mata nito ay unti-unting nagkukulay lila. Napatingala ito sa kalangitan at kasunod noon ay ang pagkulog at pagkidlat.

Ang mata ng pusa ay kumislap bago ito kumurap at tumalon pababa sa bato. Tuluyan itong nawala sa mga halaman.

Tuloy pa rin ang kasiyahan kahit pa man may nagbabadyang ulan

Dahil abala ang mga tao sa pagdiriwang, hindi nila napapansin ang isang babae na nakatayo sa itaas ng bubong ng malaking bahay.

Kanina pa nito pinagmamasdan ang buong paligid. Naghahanap ng tamang tiymepo upang gawin ang kaniyang balak. May kulay tela na nakatakip sa kalahati ng kaniyang mukha at inaalon ng hangin ang kaniyang itim na buhok. Nakasuot ito ng kulay pulang kasuotan na tinatangay rin ang laylayan na umaabot naman hanggang tuhod.

Kanina pa niya tinitingnan ang isang lalaki na nasa 40-45 taong gulang palang. Kasama nito ang kaniyang isang lalaking anak at nakikipagkuwentuhan sa dalawang lalaking kaibigan nito.

Ang kaniyang asawa naman ay kasama ng mga kababaihan sa isang parihabang mesa at mukhang nagpaparamihan ng mga mamahaling aksesorya na kanilang suot-suot.

Marahang umupo ang babae sa bubong. Inilapat niya ang kaliwang palad sa bubong ng bahay saka pumikit. Matapos ang ilang segundo ay nagmulat siya at naging kulay lila ang kaniyang mga mata.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mafia Series #1: My Suitor is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon