Kabanata 3

19 8 0
                                    

Kabanata 3- Acquaintance




a/n: since kakaganap lang ng acquaintance namin last week, e ganoon din sa estoryang ito. enjoy!




“We were called here, to announce to you that, we will be organizing for the acquaintance party.” Ang striktong member ng SSLG ang nagsalita. Pabalik balik lamang ang kanyang hakbang, at paikot-ikot ang direksyon sa harapan ng malaking table.

“And since kayo ang mga leaders sa inyong section, ay kayo ang tutulong na magplano at mag-organisa nang event na ito.”

Lahat kami ay tahimik lamang na nakikinig sa kanya. Walang balak na kumontra rito dahil sa angking katarayan at attitude nang isang to. I also kept quiet, but I really can't help but to question their decision.

I mean, bakit kami pa? di ba marami naman ang officers nila?

“That's all, you may proceed to your classrooms.” anito, at nagapaunang lumabas.

We also went back to our rooms, as she said. Napagdesisyunan namin ni Sydney na dumaan sa kung saan ay ayaw ko sanang madaanan. But thinking of it was kinda an advantage. Kase kung doon kami dadaan ay mapapabilis lamang ang pagbalik namin. Walang arte at malapit na lang ang distansya.

Kaya heto ako ngayon, at tahimik na sumusunod kay Sydney. Walang naman akong balak na sumabat sa kanya, kaya pansin ko ang pananahimik na rin lamang niya.

“Okay class, since may bago kayong classmate, e magi-introduce muna siya.”

I stopped my tracks as I heard the deafening shouts and cries of the students. At alam kong nasa room 'yon ni Avih. Medyo malapit na rin kase kami doon, at kahit malayo ay alam na alam kong sa kanila nangaling ang ingay na ’yon.

“My name is Harrison Dahrmielle Echavez, adn starting today, magiging classmate niyo na ako. That's all. ” I heard his soothing voice, and slowly I felt something. He still has this stupid effect on me.

We continued to pass by their room, and I can feel there murmurs stop. Siguro ay napansin nila ang pagdaan namin, ngunit hindi nagtagal ay narinig ko muli ang ingay nila. Hindi rin naman ako lumingon pa, kaya binalik na lamang nila ang kanilang atensyon sa lalaki.

“Would you guys like to ask something to, Mr. Echavez? ” the teacher asked.

I heard someone stood, and I can't help but to listen. “May nagugustuhan ka na ba? ”

Dahil roon ay ramdam ko na nabigla sila sa tanong niya. Pati ako rin ay hindi naiwasan na magulat, at mapatingin sa kanilang gawi. I inilibot ko ang mata ko sa kanila, ngunit hindi na nila ako napansin. Patuloy ang pagala ng mata ko hanggang sa napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakatingin na pala sa akin...

He quickly shifted his gaze to a girl, who seemed to be the one who asked. Matamis siyang ngumiti rito, bago siya nagsalita. “Yes, at matagal na. ”

Para naman akong nabingi sa kanyang salita at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naghaharumintado ang aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Nagsimula rin akong mapawisan at nanginginig ang aking kalamnan.

“Sino? ” one asked. Wanting to find out more.

Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin siyang tingnan, hanggang sa bumuka muli ang kanyang bibig na may ngiting nakakaloko. He wasn't looking at me, but I felt otherwise.

“Look outside. ”

Bago pa man ako nakakilos ay naramdaman ko na agad ang isang kamay na humatak sa aking braso. Nang tingnan ko siya, ay mabilis niya akong binitawan at nginishan.

“Ayaw na pala ha...” mapanukso niyang ani, at may patingin-tingin pa sa kawalan.

Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya dahil sa namumuong kaba sa dibdib ko. Hindi ko naman maiwasan na kabahan, dahil alam kong sa parte ko ay umaasa pa rin talaga ako sa kanya na may pag-asa pa, kahit parang wala na.

“Avi, ano na?”

Napatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Syd sa gilid ko. Dali dali kong pinakalma ang sarili bago bumaling sa kanya.

“H-Ha?”

She just raised an eyebrow at me and answered afterwards. “Ang sabe ko, kung anong klaseng foods ba ang ihahanda natin. Kung finger foods or ang pang meal na?”

“Diba mga hapon yon? Siguro, yung pang meal na lang.” Tanging nasagot ko na ikinatanguan niya. Hindi rin naman siya nagtagal dahil sa alam niyang pareho kaming marami ang gagawin ngayon.

I busied myself helping my classmates in organizing, decorating and planning for the upcoming acquaintance. Mabuti na lang at mahaba ang free time namin, kaya maisasaayos talaga namin ito ng mabuti.

Maghahapon na at patapos na kami sa aming gagawin. Napangiti naman ako dahil sa mga 3 oras na diretso lang kami sa gawain na ito. It's fun, even though it was still very tiring. Kahit nakakainis sila, e mabuti at naisasagawa rin talaga nila ang utos ko.

“Tapos na?” Salubong ni Sydney na ngayo'y kakabalik lang sa room. Hindi ko siya kasama kanina dahil busy siya sa pagtutulong sa mga SSLG kase officer siya. Naatasan kasi ito sa mga pagkain, kaya walang takas.

Tumango ako, at pagod na napasalamapak sa isa sa mga upuan sa gilid ko. Hindi ko na kasi kaya. Sobrang manhid na nang tuhod ko at parang wala na itong pwersa na tumayo pa.

“Wow, sipag mo siguro no?” parang sarkastiko na sabi ni Syd, ngunit hindi na ako nakasagot pa. Inihiga ko na lamang ang aking ulo sa sandalan, at pasimpleng pinikit ang mga mata.

Nakakapagod rin pala to. Yung feeling kasi na hindi ka officer ng SSLG, pero ganito na ang mga pinagagawa mo. Talaga namang, maganda ang senior high e. Parang narerealize ko na ayaw ko nang mag-aral pa.

'°^

“Aviah, wake up already.” I groaned with frustration as I slowly opened ny eyes. Pagbukas ko noon ay sinalubong agad ako ni Mommy nang isang matalas na tingin. Yung tingin ba na nakakamatay.

“Why?” mahina kong tanong at napabalikwas sa kabila ng kama.

“Why!? Hey, you still have school, and you're almost late!”

Nang marinig iyon, ay bigla na lamang ako nakaramdam na para akong binuhusan nang malamig na tubig. Wala sa isip akong kumilos at dali daling nag-impake ng gamit ko.

Sa sobrang pagod ko siguro e, nakalimutan kong ngayon rin pala gaganapin ang acquaintance namin na iyon! Hays, ang hassle talaga!

After a few minutes of preparing, and doing other stuffs, I finally went down stairs. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-daling lumabas nang bahay.

Nagpahatid na rin lang naman ako, kaya hindi nagtagal e narating ko na rin ang school namin.

Saktong pagpasok ko pa lang ay, maiingay na talaga ang nga estudyante. Samu't-saring mga arte at style lang e. But I didn't observe more, since nasa loob na ako ng room.

At gaya nang ibang estudyante e maiingay rin sila ngayon. Hindi ko din na lang pinansin pa, at nagpatuloy ako sa aking kinauupuan.

Walang pansinan kong sinara ang mata ko, ngunit narinig ko naman ang nga yabag ng kung sino.

“Teh,” And hearing that, I sighed. Tamad akong napatingin sa kanya na ngis ngisi ngayon. “Guess what?”

“Oh?”

“Si Avih ang naghatid sa’yo kagabi.”


-caszcadiyahe






Moving Close to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon