Kabanata 5

12 6 0
                                    

Kabanata 5- Acquaintance




“Naks! Sexy-sexyhan ang trip ah!”

Napaiwas na lang ako ng tingin kay Sydney, dahil sa kanyang sinabi. Nakakahiya kase!Marami na kasing mga estudyante sa gymnasium, at halos lahat ay bigla na din lang napatingin sa amin dahil roon.

Dagdagan pa na malakas ang paraan ng pagkasabi niya.

“Tumahimik ka nga...” mahinang suway ko at napatungo.

I wore a black body-con dress, that was only below my knees. Fitted kase yon at hulmado talaga ang hubog ng katawan ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit 'yon pa talaga ang sinuot ko.

At mukhang may pinapormahan ako sa suot kong to. Hay, nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa sinuot to.

“Ano ba? Maganda kaya...” she compliments me. Palihim na lang akong napangiti bago ko siya nilingon.

“Alam ko naman yan e.”

“Oh e, bakit ka nahihiya?” Taas kilay na tanong niya sa akin, at napaiwas muli ako. Hindi ko na siya sinagot at nanatili na lang akong tahimik.

“Ah, alam ko na,” I heard her mumble. “Gusto mo talaga na siya ang pupuri sa'yo noh?”

I was stunned, and immediately looked at her with disbelief. Ano ba naman ang babaeng ito, at sa tuwing nagkakaganon ako e, siya ang naiisip niya.

“Diba?” She grinned.
Napasimangot tuloy ako sa kanya. Halatang may planong painisin ako e. “H-Hindi ah. Atsaka ano namang pake ko diba?”

Napa-iling na muna siya bago malawak ang ngising nagsalita. “Asus. Sige na nga.”

Umirap na lang ako bago tuluyan nang lumapit sa mga kaklase namin ngayon. Nagkukumpulan kasi sila sa isang gilid, at mukhang ayaw makihalubilo sa ibang level at strand. Mga nonchalant.

“Kanina pa kayo?” Nakangiting salubong ko sa kanila, at agad naman silang napalingon sa akin. They looked at me from head to toe, before making their reactions.

“Lugi na mga suot niyo, nandito na ang winner, oh!” Xeonne beamed like a kid, which made us laugh.

“Amoy, may pinapagandahan.” Segunda ni Ryla habang nakangisi sa akin.

“Kamusta na ba kayo ni Mr. HUMMS mo?”

Naubo ako bigla sa narinig. Kahit wala naman akong kinakain o ano, e bigla ko na lang nalunok ang laway ko nang wala sa oras.

“M-Mr. HUMMS?” I asked, definitely feeling dumbfounded at the moment.

Saan galing naman yon? At bakit alam nila na may kung ano sa amin ng lalaking yon dati? Ganoon na ba talaga kakalat yon?

“Oo, akala ko ba may something kayo?” Napatanong na rin siya sa sarili nya. Siguro ay hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang mga ganap.

“W-Wala...” Iiling-iling kong sagot, na alam kong hindi nila paniniwalaan.

“Nakita ka nila Ryla kahapon. Linapitan ka daw niya, at marami ang kinikilig sa nangyari sa inyo.” Xeonne interrupted.

Pati yon alam nila?

“H-Ha? Eh, humingi lang naman yon ng permiso para sa interview niya.” I sighed. “Atsaka, walang namamagitan sa amin noh...” Wala na ngayon, pero meron dati.

“Sure?” sabay sabay nilang tanong.

“Sure.”

Hindi na sila dumagdag pa dahil nagsimula na ang program para sa acquaintance. Parang buong umaga yung program dahil 11 na nang natapos yon. Wala rin namang ibang activities pagkatapos non, kaya nagsiuwian na muna ang iba para mag-lunch.

“Lungkot na naman siya...” Parinig pa ni Sydney, at alam kong ako na naman ang puntirya niyan.

I really don't know why, but I feel so blue suddenly. Nadidismaya ako sa hindi malamang dahilan. Nakakatakot aminin, pero sumisingit sa isipan ko si Avih.

Buong oras ng program ay hindi ko namataan ang lalaki na yon. Wala rin naman siya sa mga HUMMS na nagkukumpulan, at wala rin siya sa kahit saang sulok ng gym.

Hays, why do I have to think of him?

But then, I suddenly felt my phone vibrate inside my bag. Mabilis ko rin yon tiningnan at napatanga dahil sa aking nakita.

Unknown number (09+)


• Hi! Avih toh


• If you're looking for me, mamaya pa ako pupunta.


• Can't wait to see you later.


I felt so dumbfounded. Why was he texting me suddenly? And who gave my number to him?!

Napatingin ako kay Sydney na pinipigilan ang kanyang ngisi ngayon. She then pretended to look apologetic as she made a peace sign.

“Sorry.” she said, and I just rolled my eyes at her.

- caszcadiyahe



Moving Close to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon