Kabanata 6

14 3 0
                                    

Kabanata 6- Yakap



His text message bothered me like a pending school work. Damn, hindi maalis sa isip ko ang ipinadala niyang mensahe, at kung bakit mag-uupdate pa siya sa akin.

Ano na ba talaga, Avih?

“Kalmahan mo lang teh, at nagmukha ka nang tanga kaka-praning mo.” ani Sydney, ngunit hindi ko pa rin masunod ang sabi niya. I really cannot control the feeling I have right now.

“Hindi ko ma-control.” wala sa sarili kong sambit habang nakasalampak sa kinauupuan ko.

“Edi kontrolin mo. Dahil kung hindi iisipin ko talaga na g-”

“Ayan ka na naman.” putol ko sa kanya.

“Eh, totoo naman. Kung gaganyan ka sa harapan ko e, halatang may ganoong epekto pa rin talaga siya.”

I sighed. She does make a point though. Kahit nahihirapan ay pinilit ko din talaga na hindi isipin siya. If I want to move on, then this is the first step in fulfilling it.

Namataan ko na umakyat na pala ang emcee ng program, kaya napaayos ako bigla ng aking pagkakaupo. Any second, and the program shall start again.

“GOOD AFTERNOON EVERYONE!” malakas niyang bati, na parang ikinabingi ko naman. “Alam kong alam niyo kung bakit ako nandito, kaya wala nang paligoy-ligoy pa. Simulan na natin ang acquaintance!”

The crowd roared loudly. Alam kong tuwang-tuwa silang lahat ngayon, at ganoon rin naman ako e. Stressful ang pag-aaral kaya minsan ay kailangan din talagang mag-enjoy.

“Kung ganoon ang titig niya sa'kin, siguro patay na ako ngayon.” narinig ko na nagsalita si Sydney kaya nilingon ko siya. She didn't say anything and just pointed out something.

I was confused, so I looked at where she pointed.

Para naman ako nawalan ng kulay dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Sumisikip ang bawat paghinga ko nang biglang nagtama ang aming tingin. Napatalon ang puso ko habang nagtatagal ang titig ko sa kanya. Dali-dali ko namang iniwas ang tingin ko at diniretso na lang ang tingin sa stage.

Ngayon ay nag-aayos na ang iba para ihanda ang mga sarili nila sa larong magaganap. Ako naman ay napatayo dahil bigla na lamang ako hinatak ni Sydney. Siguro'y hindi makontrol ang kasiyahan kaya pati ako dinadamay niya.

“Kumalma muna ang lahat. ” awat ng emcee dahil sa namumuong tensyon sa iba. “Anyways,  let's start everything with a usual BRING ME GAME! ”

Agad rin namang umugong ang sigawan ng mga estudyante habang ang iba'y kumakaway pa sa ere.

“Hm... Bring me... ” pabitin ang sabi ng emcee habang napalinga sa paligid na animo'y nag-iisip. “Bring me something white! ”

Mabilis na nagsikilos ang iba at natataranta humanap ng bagay o kung ano man na kulay puti. Maghahanap pa sana ako nang biglang may bumikwas sa buhok ko kaya napatili ako.

“A-Aray! Syd, ano ba yan? ” namimilipit sa sakit kong awat, habang pilit na kinukuha ang kanyang kamay na nakakapit sa buhok ko.

“May kulay na puti ang buhok mo di'ba? Kumukuha lang ako. ” aniya, habang patuloy sa paghila sa akin.

Hindi na tuloy ako nakapalag dahil sa sumasakit na ang anit ko. May point naman siya dahil nagpakulay ako ng puti sa buhok ko.  Hindi lang masyadong halata, kase iilang strand lang yon.

“Ayan! ” Napabitaw na siya sa akin nang makuha na niya talaga ang pakay niya. Walang paalam at pasasalamat sa akin siyang pumunta sa harapan upang ibigay ang strand ng buhok ko na may kulay puti.

Hay, ang babaitang talaga ito.

“And we have two winners! ” anunsyo ng emcee at napatingin naman ako para makita ko kung sino.

Ayon at namataan ko si Sydney at isang babae na nakatayo sa harap habang ipinipresenta ang kanyang sarili. Swerte naman niya at nakaputi siya.

May ibinigay ang emcee sa kanila, at natutuwa namang bumalik sa harapan ko si Sydney habang hawak hawak ang regalong natanggap.

“50% hati ko diyan.” I said habang ipinakita ang buhok ko. “Akin yung buhok. ”

She rolled her eyes and then finally smiled. “Sige lang. ”

“Well, eto... BRING ME SOMETHING SHINY!”

I acted fast after hearing that. Kahit mataas ang heels ko ay pinilit kong tumakbo. Masakit yon, pero ininda ko pa rin. Gusto ko talaga kasi maranasan ang mga regalo na yan.

Alam kong nasuot ko ang bracelet ko ngayon, at alam kong kumikintab yon. I smiled. Mabuti talaga at naisuot ko yon.

Nang marating ang harapan ay mabilis kong hinubad ang bracelet ko at iprinesenta yon. Napatingin sa akin ang emcee na nakangiti.

“Yie, para sa akin na ba yan?” nakangiti na biro niya, at nagpilit na lang ako ng ngiti. “Joke lang, haha. Anyways, we have a winner!”

Napalawak ang ngiti ko dahil sa narinig. Worth it ang tinakbo ko para lang matuklasan ang aking price. Masaya kong tinanggap ang nilahad sa akin ng emcee, at masaya rin akong bumalik sa pwesto ko.

“May price ka na pala e, 'wag mo na hatiin yung akin.” salubong ni Sydney, at tiningnan ko siya ng matalim. “Biro lang! Ano ka ba.”

May ilang round pa ng Bring me, bago nila naisipan na maglaro ulit ng bago. Nakakapagod rin naman kase maglakad takbo para lang maibigay ang given. Marami rin kasing nadapa kaya nainis rin ang iba.

“Ok, palitan na natin!” anas ng emcee at nagsi-ingayan ulit ang iba. Katuwa rin sila, kahit pagod nagagawa pa ring sumigaw. “Hubarin niyo muna mga sapatos niyo, dahil maglalaro tayo ng ice, ice, water!”

Nagulat naman ako sa larong binanggit niya.
Pambata lang talaga ang trip nila e. Ayaw ko sana sumali, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong hinuhubad ang heels ko.

And I really had no choice but to join. Hindi ko alam, pero somehow, I miss being a kid.

Yung tipo kase na pa-easy ka lang at laro- laro lang kasama ang mga kaibigan mo. Nakakatuwa lang at nakakamiss. I miss those days.

“Maiba taya!” sigaw ng isa habang nakapatong ang kamay sa kanyang kalaban. And I realized, mga strand pala ang naglalaban ngayon.

Sumali din ako, and luckily hindi ako ang taya. Mahirap kaya humabol sa nga dapat huhulihin. Masyadong stressful 'yon para sa akin, at alam kong mahihirapan ako sa suot kong toh.

And I started to regret my dress again.

Mabilis akong napatakbo ng magsimula na ang laro. Lakad takbo ang ginawa ko habang pinipilit ang sarili na magtago. Marami kasi ang taya dahil sa marami rin ang dapat huhulihin. Mga over 20 siguro ang taya.

Napahinto ako sa pagmasid ng may maramdaman akong presensya sa likod ko. Wala sa oras akong napatakbo ng kay lakas para lang hindi mahuli.

Dumiretso ako sa field dahil open lang naman kase ang gym, at walang limit ang pwede naming takbuhan. I ran with all my might, but slowly I felt tired. Mahirap tumakbo dahil sa damit kong toh.

Now I really regret wearing it!

“Shet!” napadaing ako ng may humawak sa akin. At sa sobrang gulat ko ay na out-balance ako, habang nadala ko ang kung sino man na nadadakip sa akin.

I immediately closed my eyes, bracing for the fall, but suddenly I felt a warmth of an arm wrapping me with it as we both fell.

Dahan-dahan akong napamulat, at naestatwa dahil sa nasilayan ko.

Nakapatong ako kay Avih, habang nakayapos ang kanyang mga braso sa akin. At sa hindi ko inaasahan ay lumakas ang tibok ng dibdib ko na parang pati siya ay maririnig na rin. Kinakabahan ako sa hindi malaman, at parang nakokoryente ako dahil sa tama ng aming mga balat.

Ngunit bago pa man ako makapag-react ay may binulong siya sa akin.

“Ice.”

-caszcadiyahe





Moving Close to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon