Kabanata 7

14 3 0
                                    

Kabanata 7- Friends.


Ah!

Gusto ko na talagang makaalis, ngunit hindi pwede. Hindi, dahil malulugi ako sa laro! Mahirap kayang humabol sa iba.

Kaya heto ako ngayon at kulong na sa mga bisig niya. Kanina pa kami nakatunganga rito, at hindi ko alam kung bakit hindi umaalis sa pagkakayakap sa akin si Avih.

Haluan pa talaga ng grabeng kaba dahil sa posisyon namin. Normal lang naman iyon, pero kase— nakapatong ako sa kanya!

“A-Avih...” tawag ko habang pilit na hindi gumalaw.

“Hm? ”

“P-Pwede bang bitawan mo na ako? ” I asked, almost so desperate.

“Kung bibitawan kita, edi masusubsob ka... ”

Napangiwi na lang ako. Kung hindi niya sana inice e, edi hindi kami nakaganito ngayon!

“B-Bakit mo pa kase ako in-ice? Yan tuloy.” maktol ko sa kanya, at narinig ko naman ang marahan niyang tawa.

“Avi, ako ang isa sa mga taya. Atsaka kung hindi kita inice, e hindi na kita nahabol pa. ”

“Paanong hindi? ”

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim. “Nakakapanghina e. Nakakapanghina ka. ”

Napalunok naman ako dahil roon. Para lalo akong natanga dahil sa sinabi niya. Ano ba toh!? Ba't ramdam ko na uminit ang pisngi ko!?

“U-Umayos ka nga... ” mahina kong saway habang hindi mapakali. Kailangan ko na talagang makawala.

“Paano ako aayos niyan, e makita ka pa nga lang lugmok na ako. ”

I was even more stunned by that. Hindi ko na talaga alam kung ano ang sasabihin o iaakto ko para matigil na ito.

I don't want to assume anymore. Ayaw ko na talagang umasa na tutuparin pa iyon ni Avih. Alam ko na matagal na niya akong kinalimutan at tanging panaginip na lang ito ngayon.

“Hoy! Ano yan?” I heard someone near us. Pero sure ako na kilala ko na talaga kung sino yan.

Hindi ko man siya makita ay alam ko na siya yan. “Syd, pa-unfreeze nga...” I begged.

Ngunit narinig ko pa talaga na tumawa siya. Abay, naghihirap na ako rito magagawa pa niyang sumaya!

“Kung ganyan rin naman pala 'wag na, i-enjoy mo na lang...” aniya at narinig ko na natawa na rin si Avih.

“S-Seryoso kasi!” I complained, trying to stop the nonsense they are talking about. “Nakakangalay rin kaya.”

“Napapagod ka na sa'kin?” Avih asked breathlessly, with made me flinch.

“U-Umayos ka nga...” awat ko pero rinig ko pa rin ang mga tawanan nila.

Kung hindi lang sana ako nakaganito e nahampas ko na talaga sila dahil sa mga kahihiyan na ito ngayon. Ano ba naman to? Bakit ko pa talaga kailangan na magdusa?!

They kept laughing for a while, and really felt rage though. Kahit pinapanatili ako ng pride ko  ay hindi na talaga makayanan ng kahihiyan sa sarili ko.

Mabilis akong umalis sa yakap ni Avih, at ramdam ko na tumigil na sila sa pagtatawa. Taka akong tiningnan ni Avih, ngunit sinimangutan ko siya.

“B-Bahala na. Taya na kung taya, hindi ko na kaya...” I said and without anything more, I left them.

Lumapit rin ako sa ibang mga estudyante na nagtatakbo at in-ice sila. Kahit mahirap tumakbo ay wala na talaga akong magagawa pa. Mas mabuti na ang ganito kaysa sa mananatili ako roon sa kahihiyan na yon!

Alam ko na nagtataka ang iba, ngunit hindi na rin naman sila nagtanong pa sa akin.

“Ice.” anas ko sa isa sa mga nagtatakbuhan. Agad rin naman siyang tumigil at nanatili na lamang sa kinatatayuan niya.

Yan.

Napangiti naman ako. Mabuti talaga at kahit papaano ay may nadadakip pa din ako. Akala ko talaga ay wala na talaga.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagtakbo ngunit may humawak sa akin. Dahilan no'n ay napahinto at napatitig ako sa kanya.

“Avi,” simula niya. “Nagagalit ka ba?”

I raised my brow by that. “Hindi naman. Nahihiya lang talaga ako, e...”

Kinalma ko ang aking awra para maniwala na talaga siya, at hayaan na akong umalis.

Ramdam ko na mas gumaan abg pagkakahawak niya kaya sinubukan ko namang kumalas. Pero agad niya muli akong inawat, dahilan para tingnan ko siya na nagtataka.

Kung titingnan siya ngayon ay hindi mo talaga maipinta ang mukha niya. Ang mapupungay niyang mata ay bahagyang nagpapaawa sa  harapan ko. Agad naman akong nakaramdam ng awa at nanlambot na naman ang tuhod ko.

“Kinahihiya mo ba ako?” he asked almost like a whisper.

Napalunok ako sa tanong niya. I feel so speechless. Ni hindi ko magawa na ibuka ang bibig ko para sumagot. Natatameme ako.

Pilit ko na lamang na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya, pero he held it firmly. Hindi naman yon mahigpit, at hindi rin gaano ka hina.

“Bakit hindi ka sumasagot?”

Naghahalo na ngayon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ba kusang nagpapadala ang sarili ko, at kung bakit mabilis lang niya madali ang loob ko.

“B-Bitawan mo nga ako.” pakiusap ko habang pilit na kinukuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya. It was successful since he let it go.

“Wala lang ba talaga ako sa'yo, Avi?”

Doon ay tumigil ang mundo ko. Pilit na umulit sa pandinig ko ang sinabi niya. Kahit pilit kong patigilin yon ay kusang nag-uulit yon na parang sirang plaka sa aking isipan.

“A-Ano bang pinagsasabi mo?” nauutal kong tanong at pilit na hindi ipakita ang tunay na nararamdaman ko ngayon.

“Avi,” Kinuha niya ulit ang mga kamay ko at mariing pinisil yon. “Kahit pagiging magkaibigan na lang ang ialay mo, ayos na sa akin.”

I was definitely not expecting that he would say that. Bakit ba nakikiusap to ng ganyan? At kung makapagsalita siya ngayon ay parang may kakaiba siyang nararamdaman para sa akin.

Binawi ko muli ang kamay ko atsaka napaiwas ng tingin. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko.

“Please do not feel awkward in front of me. Hindi ako sanay na ganyan ka.” malambing niyang saad at natigilan ako.

“Sana maayos pa natin ito... kahit hanggang kaibigan na lang?” inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

Hindi ko pa rin talaga maiproseso sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya. Sa loob-looban ko ay nagdedebate ang isipan at ang nararamdaman ko. Naguguluhan talaga ako.

Pero mas maayos na rin to diba?

Na kahit ganito na lang kami.

Kahit ganito na lang.

Labag man sa loob ay tinanggap ko ang kamay niyang nag-aabang sa akin.

“Friends?” nakangiti na usal niya.

I smiled back. “Friends.”



a/n: aray, masakit ma-friendzone kahit hindi ako haha.

chair up! avi!

- caszcadiyahe




Moving Close to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon