Kabanata 1

35 10 0
                                    

Kabanata 1- Wrong


“’Di ka pa din makagetover ’no?” Parang ahas na ikinalabit ni Sydney ang kanyang kamay sa braso ko at may ngising aso pa na sumilay sa kanyang mga labi.

Parang buang lang e.

“Get-over?” Napatingala naman ako sa langit, as if I was thinking deeply. “Saan?”

She got the point that I was being sarcastic, so she grinned. Tightening her grip and looked intently at me.

“Asus. Niloloko mo lang sarili mo e. Talagang gusto-”

“Ala!” I immediately stopped her. “Wala nga! Wala na akong type, ano bang pinagsasabi mo diyan?”

Napasimangot na lamang siya at napatungo. Alam kong alam niya na hindi ako magpapatalo sa pakikipag-sumbatan, kaya siya na lamang ang kusang tumigil. Napangiti na lamang ako habang tiningnan siya. Parang pulubi na bata siya ngayon.

I sighed. Ilang araw na rin ang nakalipas, ngunit tama si Sydney. Hindi pa rin ako makagetover sa nangyari.

Hindi pa rin ako makagetover sa nararamdaman ko para sa kanya.

That night, maaga kaming nakaalis sa party na 'yon. Knowing that he was there made me weak. Nakakapanghina rin kasi na tingnan siyang casual lamang sa harapan ko, habang ako naman ay naiilang na sa kanya.

Sobrang normal ng galawan niya na para bang hindi niya naalala ang nakaraan at hindi niya na maalala ang kanyang pinangako sa akin.

But, how foolish I am to even believe that silly little kids desire. Promises are meant to be broken ika nga nila. That's why, the day he left me and never got back, I started to hate promises.

“Avi, may chika ako...” Nakikilig na ani ni Sydney at kasalukuyang nakikiliti sa kanyang sinasabi. Nabaliw na naman ata to e.

“Ano?” Sinabayan ko na naman ang trip niya. I know for sure, that these days everyone are gossipers.

Alam ko ding ganyan ako.

Napansin ko ang pagbuka ng bibig niya, ngunit napahinto naman ako. Bigla ko na lamang naramdaman ang pagkalam ng tiyan ko, at parang sumasakit it. Napahawak ako roon habang napakagat ng labi. Talo, eto na naman siya. Mabilis kong nilingon si Sydney na kasalukuyang nakamasid na sa akin.

“Syd, cr lang muna ako.” I quickly said. And without anything more, I rushed to the nearest bathroom in the hallway.

Malayo ang STEM building, kaya napilitan akong maki-cr sa nilalakaran naming building ngayon. Nandito kami sa building ng HUMMS, at parang walang tao dito. Malaki kasi ang  building ng HUMMS at mahirap makita ang mga estudyante rito. Sayang at balita ko madami raw mga gwapo rito.

Yup, I am also super attracted to handsome dudes.

I feel you girl.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa may nasilayan akong sign ng comfort room. Walang isip isip na pumasok ako roon, papunta sa mga cubicles.

At nang matapos na ako sa business ko ay, napahinga ako ng maluwag. Nothing really feels relaxing if it ain't going to the cr and doing your duty.

Pagkatapos no'n ay lalabas na sana ako nang biglang, makarinig ako ng kalabog sa labas ng cubicle na ito. Napahinto muna ako at nakiramdam. Only a sound of a appliance can be heard. No voices, just a sound of an onject being used.

Dahil sa naisip ay hindi ako nag-atubiling lumabas ng cubicle. Pasosyal kong pinihit ang pintuan, ngunit napaigtad ako sa nakita ko.

“A-Avi?” I deep voice asked, while he was looking at me confusingly. Nagtaka naman ako sa mukha niya. I wonder why he is looking like that?

But the thought of him a GUY rushed through me and I immediately rushed my defense system and stepped backwards, raising my arms like a praying mantis.

“Anong ginagawa mo dito!?” I nervously asked him. Natatakot ako at baka naging manyak na pala to.

Ngunit hindi manlang siya sumagot sa tanong ko. Tiningnan na lamang niya ako na para bang malaking kasalanan ang nagawa ko. I felt more scared as we were quietly observing each other. Walang kibuan, at nakaabang lamang sa gagawin ng isa't-isa. But after a while, I saw a smile appear in his lips.

“Nagc-cr?” Patanong niyang sagot na dahilan ng pagkanoot ng aking noo.

“Oo nga, pero nandito ka sa cr ng mga babae!?” sumbat ko na ikinangisi niya naman ng kay lawak. Biglang namang kumulo ang dugo ko sa nakakaloko niyang ngisi.

Ah! This guy!

He didn't respond immediately as if he was observing me. His eyes were moving back and forth in my face, and later on he started to take a step forward towards me.

Damn, no.

Napaatras rin ako sa ginawa niya. Parang sasabog na ata ang puso ko kanina sa kaba, tapos dadadagdag pa ito? Tama na please. Mabait ako. Ayaw ko pa.

“A-Anong ginagawa mo?!” Nanginginig kong sambit habang patuloy sa pag-atras. “D-Diyan ka lang!”

Huminto naman siya, at napamulsa na lamang na tinitigan ako. “Silly, nagcr nga...”

“Oo nga per—"

“This is the men's toilet, Aviah.” He grinned, and I felt bullets of sweat forming down my forehead. Ramdam ko ang pagkapahiya sa narinig. Shit. “That's why I am here.”

Natigilan naman ako at napayuko. Ang init na ng mukha ko! Pulang-pula na rin siguro. Nakakahiya! Ba't ba kase hindi ko napansin ang sign!!!

Lamunin na ako please!

Dali dali na lamang akong lumabas ng walang paalam dahil sa namuong hiya sa sarili ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na lumayo sa HUMMS building. Hinihingal kong narating ang aming room at napasandal sa pader.

“Ah!” may halong inis akong napahilamos sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil sa kahihiyan na ginawa ko!

Huhu, nakakahiya at nakakainis!

Bakit kase sa cr na 'yon pa ako pumasok?!



a work of caszcadiyahe.

Moving Close to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon