29

510 10 9
                                    


"Maaga ka nag-out, pupunta kang ospital?"

Inilingan ko si Austin. Lunch pa lang kasi pero uuwi na ako, 'di lang siya siguro sanay dahil nitong mga nakaraang araw ay halos 'di na ako umuwi sa bahay. Nag-apply na nga rin akong maging English tutor sa mga foreigners. 

Na-recommend din kasi ni Austin 'yon sa 'kin, part-time niya raw. Pinatos ko na dahil kailangan ko talaga ng pera. I'm desperate at this point. 

"Hindi, may kikitain lang ako," walang gana kong sabi. 

"Sino?"

"'Yong pinagbentahan namin ng bahay," my heart ached but I had to smile. "Pati 'yong kapatid ni Uno."

He bobbed his head and stretched his arms. "Okay. Ingat ka, check mo email mo lagi. Baka natanggap ka na."

Pilit akong ngumiti kahit pa wala namang laman 'yon. Natuto na akong magpanggap na ayos lang kahit 'di naman. I couldn't inconvenience other people just because my mind's a mess.

I needed to function even though I feel terrible. 

Our house... I sold it already. Kahit pa masama sa loob ko. Wala, eh. Kailangan ni Papa 'yong pera. Kailangan ko ng tulong para sa finances kahit pa papaano. Pinapaaral ko pa ang pamangkin ko, binabayaran ko pa ang utang ni Tita Harietta sa mga pinagka-utangan niya.

'Di pa rin siya tumigil sa pagka-casino kahit na halos mamatay na ako kakatrabaho... Imbes na ibili niya ng pagkain nila sa bahay, pinangsusugal niya. 'Di ko rin naman kayang tiisin na wala silang makain kaya nagpapadala pa rin ako kahit papaano. 

I can't handle it anymore if it happens na ako pa ang maggo-grocery para lang ma-secure kong hindi niya ipangsusugal 'yong pera. 

Alam na rin ni Uno ang nangyari kay Papa and he insists to pay for some of the bills para 'di na ibenta ang bahay namin but I couldn't accept more from him. Nanliliit na ako kada sasaluhin ako ni Uno. 

He keeps on urging pero 'di ako pumapayag. He's done more than enough for Papa and I. No'ng nakaraan, 'di ko alam kung ano ang naging problema ni Uno because he didn't say it to me.

Nagising nalang ako nang isang araw na parang ayos siya... Na parang walang nangyari. 

Kada tinatanong ko, he just says na napagod lang siya. 

Kung noon, 'di siya umaalis ng condo... Ngayon naman, parang 'di na siya umuiiwi. Nagigising ako nang wala na siya at umuuwi ako, wala pa rin siya. He leaves cooked food for me, pero that's about it. 

Sometimes text messages as well. We were back to normal...

I think.

"Ate Lash," bati ko sa kaniya nang makarating ako sa restaurant. 

She smiled at me, pero 'di naman umabot ang ngiti niya sa mga mata. Napansin ko rin na medyo namumula ang ilong niya't pugto ang mga mata. My shoulders sagged and my brows stitched. Dahan-dahan akong umupo sa harapan niya.

"Jo," bati niya. "I ordered appetizers, I waited for you para sa main course," ngiti niya muli. "I didn't want to go to Opulence because Uno will just steal you from me!" 

I chuckled and grabbed the menu. Nag-order na kami ni Ate ng pagkain ang she started talking about all the things she got from her last trip in Europe. Inuwian niya pa nga ako ng isang designer bag... She's lavish, though I'm not sure what she does. 

I think she handles the strawberry farm.

"Kumusta kayo ni Uno, Joey?" she trailed. Napatigil siya sa pag-swirl ng tinidor niya. "Ayos naman kayo?" her voice, it sounded different. 

Sailing With the Gleam (La Carlota #5)Where stories live. Discover now