02

713 20 9
                                    


"Isla, 'nak kumain ka na?"

I took my sight off my iPad and looked at Papa. Nakadungaw lang siya sa pinto at nakangiti, my lips immediately stretched out to a smile.

"Pa! Kanina ka pa po nakauwi?" agad akong tumayo at pinuntahan siya para yakapin. Mas lumaki ang ngiti ko nang yakapin niya ako pabalik at abutan ng donut-my favorite study snack!

"Kakarating ko lang, siyempre pinuntahan agad kita," he kissed me on the forehead. "Kumain ka na ba? Kain muna tayo, mamaya na 'yang aral. Mas importante kalusugan mo kaysa sa aral-aral na iyan. May dala pa akong donut, oh."

Bahagya akong natawa, maybe this is the main reason why I don't feel so pressured in life. Sobrang laid back ni Papa sa lahat ng ginagawa ko, I was so free to try things and fail.

"Thank you, Papa! Hinihintay ka lang naman namin, eh," I said. Agad na niya akong inakbayan at sabay na kaming pumunta sa kusina.

Umupo na si Papa sa kabisera, kumuha naman ako ng mga plato at baso para maghain. I placed our green placemats on the narra table and put down four sets of plates and utensils.

"Sa city hall ka ba kanina?" tanong ko't kinuha ang hawak na ginataang tilapia ni Tita Harietta at inilapag 'yon sa lamesa.

"Oo, inasikaso ko 'yong outreach para sa mga senior citizen sa susunod na linggo. Sasama ba kayo ni Hannah?" nabaling ang tingin niya kay Hannah, 'yong step sister kong isang taon lang ang tanda sa akin.

"Check ko po," balik ni Hannah at inilapag na ang kanin sa lamesa.

Tita Harietta sat across me and put food on Papa's plate. Tumayo muna ako para ilagay sa tabi ni Papa 'yong medicine case niya, nagme-maintenance na kasi siya for hypertension. I caught Tita Harietta, my step mother, roll her eyes.

'Di ko nalang pinansin. Sanay naman na ako, ever since she moved in here with her daughter when I was only 13, ganiyan na siya sa akin. I don't really care much since I know Papa loves them, so I opt to respect her and her daughter.

I love Papa so much that everything he loves, I love too. He deserves to be happy and ayaw kong ako ang magiging dahilan para pigilan niya ang sarili niyang maging masaya.

"Ikaw, Isla?"

"Sama po ako, Papa," mabilis kong sagot. Outreach really makes me happy, and bonus pa na nakakasama ko si Papa habang ginagawa 'yon.

Madalang ko lang din kasi siyang maka-bonding dahil nabu-busy na ako sa school and Papa has always been so dedicated with serving the people of Mutya. Matagal na siyang politician, and I know he's an honest one.

Kahit pa lagpas one decade na siyang nasa politics never naging lavish ang buhay namin, it was comfortable but not that crazy rich. Sakto lang din naman kasi ang sweldo ni Papa bilang Vice Mayor.

"Sige, weekend naman 'yon wala kang pasok," he assured. "Kumusta naman ang school, Hannah?"

"Okay lang, Pa," matipid niyang sagot. "Pero kailangan ko po pala ng extra this week kasi mayroon kaming project," anya.

"Magkano? Tignan natin 'nak," Papa said. "Ikaw, Isla, may need ka sa school, 'nak? May baon ka pa?"

I nodded and smiled at him. Tumuloy nalang akong kumain at pinanood silang mag-usap. Papa was never unfair, he never showed Hannah that she's not his daughter.

Lahat ng meron ako, meron siya. Lahat ng binibigay ni Papa sa akin, binibigay rin sa kaniya. University, money, attention, everything. He's always been fair which I admire, too.

After dinner, bumalik na ako sa pag-aaral at tinapos na lahat ng requirements sa mga klase ko kinabukasan, madaling araw na naman ako natapos mag-aral.

Sailing With the Gleam (La Carlota #5)Where stories live. Discover now