49

423 22 7
                                    


"Good morning po, Doc!"

I glared at Lea and that made her giggle a bit. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag akong tawaging Doc dahil hindi naman ako nakapagtapos ng medisina, pero nakasanayan na ata niya masyado. 

And she's too comfortable around me that she gets to do whatever she likes because I let her! Paano, napapayag ko siyang lumipat ng St. Raphael sa Mutya nang bumalik ako sa pagpa-practice.

"Hindi ako doctor, Lea," I reminded her, inilapag ko ang lunch niya sa ibabaw ng reception table. Niluto ni Uno para sa 'min. 

"May PhD ka naman na, Ma'am," she defended. I rolled my eyes and shook my head. "Puwede ka nang tawaging Doc."

"'Wag na," I reminded her again. Pero sigurado naman akong sa makalawa ay tatawagin na naman niya 'kong doc dahil 'yon ang gusto niya. Though, she's not completely wrong dahil natapos ko na ang PhD ko, pero kasi hindi naman ako medical doctor!

I only write my PhD title on official letters, or papers that I release. Other than that, wala na.

"Thank you po kay mister, ma'am!" she said. "Ano po kayang gusto niya para sa birthday niya? Nabilihan ko na si Millie ng regalo pero si Sir Uno hindi pa."

I puckered my lips and shrugged. "Kutsilyo siguro," seryoso kong sabi. "Or, kahit pumunta ka lang sa weekend magiging masaya na kami, Lea. Don't worry and don't spend on us!" I reminded.

"Sige po, doc!"

I rolled my eyes. "Just put the files in my office bago ko pa kurutin 'yang pisnge mo."

She laughed at me and nodded. Agad na 'kong pumunta sa opisina ko para magsimula ng trabaho, I work every other day dahil 'yon lang ang time na may daycare si Millie. 'Pag wala siyang pasok, ako naman ang nagtatrabaho. 

Hindi pa kasi ako makapag-full time dahil gusto ko pa ring matutukan ang paglaki ng anak ko, mabuti na nga lang ay pumayag ang St. Raphael na magtrabaho ako sa kanila ulit. The hospital's branch in Mutya is a lot smaller compared to the one in the city but it's good enough for me. 

Habang hinihintay si Lea, tinignan ko ang kalendaryo ko habang nilalaro ang mga singsing sa daliri. The metals are cold. Ngumuso ako nang ma-realize na bukas na pala ang birthday ng mag-ama ko. 

It's Millie's fifth birthday, and she's really growing possessive over her day. Ayaw niyang kasabay ng birthday ang Papa niya pero tinatawanan na lang namin ni Uno 'yon, because she loves her father that once she realizes that it's his day as well ay gusto na niyang sabay nilang ibo-blow ang candles.  

I whipped my phone out and texted Uno to make sure that he bakes her the strawberry shortcake she requested yesterday. Napangiti ako nang mag-reply agad si Uno ng itsura ng kitchen sa Opulence.

There are mixing bowls on top of the steel table, marami ring fresh strawberries na nakapatong sa ibabaw no'n. Kakaumpisa pa lang ng araw pero 'yon na agad ang inaatupag niya.

Madalas, iniisip kong hindi talaga nagtatrabaho si Uno dahil ang dami niyang oras para sa 'min. Pero madalas niya ring binabasag 'yon at sinasabing hindi niya naman dala ang mga kaldero ng restaurant niya kaya kahit 'di siya pumasok ay nakakapag-operate sila. 

"Ito na po, Ma'am Joey," si Lea habang nilalapag ang mga tatrabahuhin namin ngayong araw. "Si Dra. Lila po 'yong unang patient niyo today."

Tumango ako't ngumiti. I scanned through the files and pulled out related documents for it. Masaya ako na bumalik ulit si Lila dahil akala ko'y tumigil na siya magpa-consult, which is really okay to me. 

Sailing With the Gleam (La Carlota #5)Where stories live. Discover now