21

542 15 3
                                    


"Ang dami-daming babasahin... "

I helplessly pushed my hair back with both of my hands and let out a sigh. When people said that being on your third year in college is a heck of a lot... They weren't lying. Sa loob ng isang linggo, siguro dalawang beses kong gustong umiyak dahil sa dami ng gagawin at aaralin.

Sure, the minors went away... But at what cost?!

I slammed my cheeks on the mountains of paper that was lying on my desk. Puro post-it na ang pader ko dahil papalapit na ang pre-finals. 'Di ko alam kung ano ang unang matatapos, 'yong sem ba o ako...

In desperation to pull myself together, I grabbed my phone from the edge of the table and looked if Uno sent me a message. But of course, wala.

Nasa training siya, dalawang linggo na... Dalawang linggo na rin kaming 'di nagkikita.

I blew my cheeks and closed my eyes. Marahan kong dinama ang malamig na hanging nanggagaling sa bukas kong mga bintana at ang amoy ng damong bagong dilig.

Dating an athlete is tougher than what I thought. I mean yes, I am aware of Uno's busy days back when we were faking it. But of course, dati naman ay wala akong pakialam dahil 'di ko naman siya nami-miss...

But now? That I am with him, officially?

It makes me realize how hard it is to date someone like him. Someone whose life is much eventful than mine, maraming beses na 'di kami nakakapag-usap, 'pag nag-uusap madalas ay pagod na siya.

It takes a lot of understanding.

Mabuti nalang at naiintindihan ko. I keep reminding myself that while Uno's pursuing a better opportunity for his swimming career, I'll do greater here for my own good. So, we can prosper separately and thrive together.

Palagi kong inaalalang para sa mga sarili namin ang mga ginagawa namin 'pag nalulungkot akong 'di ko siya nakikita.

We can do life together and a part, then share what we've learned with each other when we're finally together... Relationships are great, but so is individuality and our own identities.

We must not lose ourselves while loving each other-dapat mas natutulungan kami nitong magpursigi pa.

Diploma muna. Career muna.

Myself and my growth on top of pursuing other priorities.

"Hay... " muli akong suminghal at kinusot ang mga mata. Halos walong oras na akong nag-aaral. May breaks in between but I'm determined to finish at least half of my reviewers today.

Nang maramdaman ko na naman ang pagka-antok, lumabas ako ng kwarto para magtimpla ng pangalawang kape ko ngayong araw. Sinalubong ako ng nagkakapeng si Papa na nakatingin lang sa TV naming nagpe-play ng action movie.

"Ilang beses niyo nang napanood 'yan," natatawa kong puna kay Papa bago kumuha ng mug at sachet ng coffee.

Tumawa lang siya't ngumiwi.

"Bakit? May masakit sa 'yo, Pa?" agad kong tanong.

Umiling siya. "Wala, namanhid lang ang legs ko... Alam mo 'yong parang masyado ka nang matagal na nakaupo't naipitan ka na ng dugo?" ngumisi siya't tumayo para mag-unat.

I just shrugged it off, nakakakiliti nga naman 'yon. I stirred my drink and looked at the TV as well, malapit na rin namang mag-dinner kaya siguro mamaya ko na itutuloy 'yong pag-aaral ko. I deserve to rest!

"Bakit kasi pumunta pa siya roon?" biro ko kay Papa nang pumunta pa 'yong bida sa delikadong lugar.

He grunted. "Hay nako, Isla... 'Wag mong basagin ang pinanonood ko," he sat on the sofa comfortably.

Sailing With the Gleam (La Carlota #5)Where stories live. Discover now