I Like Me Better When I'm With U

300 10 15
                                    

Gab's POV

I never really said I needed her to take care of me. Di ko naman sya inoobliga na alagaan ako eh. Kung ako nga ang tatanungin, I want her to focus on herself kasi alam ko din naman na busy sya. Kahit pa bakasyon ngayon, I know she still has things to do as a teacher.
-
Pag gising ko naman, nakaramdam na ako ng gutom. I didn't really eat last night. Walang pagkain and wala din akong gana kumain.

Pag tingin ko naman sa lamesa, walang nakahandang pagkain.

"Ah" Oo nga pala. Aira's not here anymore. Nung nandito sya, pag gising ko, may pagkain na agad sa lamesa.
"I guess, I'll just make my food" Binuksan ko naman yung ref. I'm craving for pork steak pero I don't know how to cook it.

Wala din namang ibang maluto kundi frozen goods. Buti na lang nag grocery si Aira last week.

Napabuntong hininga na lang ako as I got the hotdog. I want real food though.

After eating, dumiretso ako sa kwarto para humiga. Wala naman akong gagawin eh. My friends have been trying to get me outside pero ako lang 'tong may ayaw.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko, revealing a smiling Kiko.

"Man!!!" Tumakbo naman sya sakin and niyakap nya ako. Nilayo layo ko naman sya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked. Kasi naman dumiretso na sya sa loob.

"Tol naman, ang tagal ka na naming di nakikita. Pag pumupunta kami dito, di mo kami nilalabas. Di ka rin nag rereply. Nagaalala na kami sayo" When we got back here in Manila, di talaga ako nag phone. Lahat ng pumupunta dito sa bahay, hindi ko pinapapasok. It was Aira who tells them that bunch of reasons why I can't see them. I feel like, hindi pa ako ready makipaghalubilo sa ibang tao.

"Teka, pano ka ba nakapasok? Nilock mo ba pinto pagkapasok mo?" I asked again. Siguro nakalimutan kong ilock ang pinto.
"Eh, bukas yung bintana nyo sa may kusina" Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Gago ka talaga. Pag nasira na yung lock nun ng tuluyan" Medyo malaki kasi yung bintana namin sa kusina. Dun ako pumapasok pag umuuwi ako nang madaling araw para di mahuli ni Mama.
"Tara na tol. Labas tayo. Gusto ka na din makita ng tropa" Should I?

"Eh kung ayaw mo, shot na lang tayong dalawa" Ngumiti naman sya.
"Nilagay ko saglit sa ref yung dala kong alak" Ready na pala 'to eh.

After talking, pumwesto naman kami sa may garden para dun uminom.

"Kumusta ka?" I took a shot of the drink.
"I'm not doing very well" He patted my shoulder.
"Hang on there, tol. Kapag kailangan mo kami, tawag ka lang. Alam mo na yun" I nodded. Alam ko naman yun eh.

"Si Ma'am pala, asan? Di ko sya nakita kanina sa loob eh" He asked.
"Ah. Umuwi na. Been a few days na din." Mukha naman syang nagulat.
"Talaga? Bakit daw? The last time we went here, niyaya namin syang sumama samin mag kape kasi ayaw mo ngang lumabas pero di pumayag kasi wala ka daw kasama. Bawal ka daw mag isa" He then took a shot.

"Nagkatampuhan kami eh. Sabi nya, I don't give importance to her. Di ko daw sya pinapansin. Mga ganun. But it's nothing big naman" Tumingin naman sya sakin.
"Anong it's nothing big? Tol, ganun na pala yung naffeel ni ma'am pero hinayaan mo lang sya? Wag ganun tol. Di kita pinalaking ganyan" Umiling iling sya.

"Eh, wala nga akong gana sa lahat eh. Alam mo naman sitwasyon ko. It's not that I don't appreciate what she's doing para sakin. Ako lang talaga 'to. Hindi pa ako ready sa lahat ng bagay" Uminom naman ulit ako.
"Hindi ba dapat exception si ma'am? Sinamahan ka nya simula nung una pa lang eh. She even filed for a leave para lang samahan ka. Grabe yung efforts nya sayo, tol." Napatingin ako sa malayo and napaisip na rin. Naging selfish ba ako?

I Like You, TeacherWhere stories live. Discover now