Prologue 2

74 3 0
                                    


"HINDI ko akalain na may kaibigan palang mga babae itong panganay ko," natutuwang sabi ni Tita Dina habang inilalapag sa harapan namin ang inihandang dessert. Kasalukuyang nasa maluwang na lanai ng villa ng mga Mondragon. Drake's grandfather, Don Ricardo Elbert Mondragon, is known as one of the most powerful textile moguls in the country. They have offices in different part of the country but their main office and plant ay nasa Aurora.



Despite of their wealth, Tita Dina kept her profile low and ordinary. Kanina sa dining table ay nahihiya pa kami dahil sila lamang ang 'outsider' sa family dinner. Maliban kay Amber na pinsan ni Drake at sobrang close ito sa mga kapatid na babae ni Drake. Naroon din si Don Ricardo na pinapangaralan sila na maagang simulan ang aming mga pangarap. Naroon din ang stepfather ni Drake na si Tito Miguel na isa sa mga lawyer ng Mondragon Textile. Despite that he is not their biological father, they looked like a happy family.




"They are my circle of friends, Tita," Amber said while rolling her eyes upward. Tiningnan ito nang masama ni Drake pero ngumisi lamang si Amber. "Bakit, Tita? Lahat ba ng ipinakikilala sa inyo nitong si Drake ay mamanugangin ninyo?" pang-aasar ni Amber.




Pinandilatan siya ni Drake na noon ay nakaupo sa ibabaw ng balustrade ng veranda habang sila naman ay nakaupo sa couch. Sa harapan nila ay ang glass table kung saan doon inilalapag ni Tita Dina ang nai-bake nitong apple pie.




Natawa si Tita Dina na tiningnan ang anak bago ibinaling sa amin ang tingin. "Actually kayo pa lamang ang kauna-unahang mga babae na inaya niya rito. I don't think lahat kayo ay mamanugangin ko," nagbibirong sabi nito. "Or may isa ba sa kanila, Amber, ang napupusuan nitong aking panganay?"




"Mommy!" angal ni Drake na hindi akalain na makikipagbiruan nang ganoon ang ina. Akmang bubuka pa lamang ang bibig ni Amber ay inangilan na ito ni Drake. "Shut up, Amber."



Amber grinned

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Amber grinned.



Nanlaki ang mga mata ni Tita Dina at puno ng kuryosidad na tiningnan kami isa-isa bago nilapitan si Amber. "So, you mean, isa sa mga kaibigan mo ay nililigawan ng anak ko?"

Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon