Chapter Two: First Love Should Die

42 5 0
                                    

"Hindi ka pa ba uuwi?" takang tanong ni Keira nang makitang nakaupo pa ako sa classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka pa ba uuwi?" takang tanong ni Keira nang makitang nakaupo pa ako sa classroom. Nauna nang lumabas sina Amber, Madison, Lana at Bianca.



Alanganing napangiti ako at umiling. Ibinalik ang mga mata sa sinusulat sa notebook. Buong klase yata ay wala roon ang konsentrasyon ko kung hindi sa nangyari sa amin ni Drake.



He kissed me.



Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi. I was always shy and the innocent type just like Lana. Mas lamang lamang si Lana sa akin ng 10x sa pagiging Maria Clara. Being kissed by someone that was not her boyfriend in the first place was not my cup of tea. Matagal ko nang na-imagine na lalapitan ako ni Brent, aayain na kumain sa labas, magsasabi sa aking parents na ilalabas ako and eventually liligawan.



Pero lahat ng iyon ay si Drake ang gumawa. Hinigitan pa dahil hindi pa man nanliligaw ay nakahalik na agad at saka pa nagsabi na i-date siya. Ito pa talaga ang nagsabi sa akin na i-date ko siya.




Alanganing napatingin ako sa pintuan. Wala pa si Drake. Nagsabi ito na sasabayan ako sa pag-uwi. It was a good timing because the girls decided to watch the varsity game.



Napatingin si Keira sa pintuan at kumunot ang noo. "May hinihintay ka ba?"




Napakurap ako at agad na nagbawi ng tingin nang makitang nakakunot si Keira. "Wala—Wala!" Isa-isa ko nang iniligpit ang gamit. I prayed that Drake won't appear at their classroom's door. Kung hindi ay mahihirapan pa akong magpaliwanag kay Keira. "I have to go to the library."




Minemorya ko na iyon mula kanina pa. I was even surprised at myself that I had no protest at all to go out with Drake.



Hindi naman nagduda si Keira. Sa amin magkakaibigan ay ako ang madalas na nasa library. Ikinibit nito ang balikat at nagpaalam na at sinabing makikipanood na sa varsity game. The rest of the girls were busy watching the game. Nang mawala si Keira ay nakahinga ako nang maluwag. Palabas na ako nang doon na biglang sumulpot si Drake. Muntik ko pa na mabangga ang dibdib nito. He quickly held me still.

Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon