Ilang araw na hindi ako sumasama sa mga aya ni Drake. I cried that night. The kind of cry of someone who lost her first love to another girl.
"Are you sick?"
Wala sa loob na napatingin ako kay Amber na noon ay pinapanood kung paano ko pinaglalaruan ang ballpen sa aking mga daliri. I was staring blankly at the screen without any idea how to make the 10k words short story that we have to submit by next week. Ilang beses na naming pinapanood ang Shakespearean classic tragedy na Romeo and Juliet pero sa malas ay wala pa akong naiintindihan kung paano ko gagawan ng current adaptation ang story.
How can I relate to the beautiful love between Romeo and Juliet kung ako ay brokenhearted?
"I am not," sagot ko na ibinalik na ang mga mata sa notes na ni isang letra ay walang nakalagay.
Sina Keira, Lana, Madison at Bianca ay mga nakatutok sa screen. Keira was the most emotional one. Dapat kay Keira ay isang artista. Magaling kasi itong umiyak.
Ilang saglit na nag-isip si Amber bago siya tiningnan nang matiim. "Is there something wrong with my cousin?"
Agad na bumalik sa wisyo ang naglalakbay ko na utak nang marinig ang sinabi ni Amber. Napakurap ako.
"W—Wrong? Bakit?" patay-malisya kong tanong.
Hindi nito inaalis ang mga mata sa akin kaya mas ramdam ko na parang imbestigador itong si Amber. She scowled at me, watching my reaction. Nang walang makita ay ikinibit nito ang balikat.
"Well, for one, he was like losing his mind." Tumingala ito na tila ini-imagine ang pinsan na nasisiraan ng ulo. She smirked then looked at me. "That was not a pleasant sight. Baka nakabuntis ang pinsan ko." She nodded her head before looking at her paper then started writing.
Muntik na akong masamid sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata ko. Nakabuntis si Drake?
Ilang araw na itong nagtatangkang lumapit sa akin pero ipinapakita ko na napapalibutan ako palagi ng mga kaibigan ko kaya hindi na ito nagtatangka pa na lumapit.
BINABASA MO ANG
Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)
General FictionSophie Elizalde is one of the prettiest faces in Aurora. She's turning 35, rich, with her own company to run, and has a long-time hot boyfriend, Drake Mondragon. But Sophie, despite her age and the pressure from the Elders, doesn't want to get marri...