Chapter One: Cinderella's First Kiss

57 3 0
                                    



Hindi ko akalain na totohanin nga ni Drake na daanan ako sa bahay at ipagpaalam sa aking mga magulang. Mabuti na lamang at nagkasundo kami na after lunch lumabas.




"Ikaw ang anak ni Dina, hindi ba?" nagtataka man pero natutuwang tanong ni Mommy, si Stella Elizalde, na nakasuot pa ng apron. Kapag Sunday ay nasa bahay lamang si Mommy. Inaya nitong maupo si Drake.




Nang mapatingin ako sa dining room ay napatanga ako at ang dalawa kong tita ay nakasilip doon at nanunukso. 


Mga kapatid sila ni Mommy na kapag Sunday ay dumadalaw ang mga ito para makipagkwentuhan. I have a big family. Both sa sides nina Mommy at Daddy. Si Mommy ay may dalawang kapatid, sina Tita Sonia at Tita Sandy, both of them have kids na mas bata lamang siya sa kanya ng 5-7 years. 



While si Daddy ay may apat na mga kapatid at may mga pinsan ako na halos kaedaran ko rin lamang. Our front lawn was always full during family reunions and birthdays.



Nakangiting tumango si Drake. Napatingin ito sa mga tita ko na noon ay parang mga teenagers na kinikilig. Napapahiyang sinenyasan ko ang mga ito na umalis doon.




"Yes, Tita. Ang nag-iisang pogi sa pamilya," mayabang na sabi. Hinampas ko ito sa braso. Napaaray ito na ikinatawa ni Mommy. Nagkatinginan kami, halatang nabigla na umaakto kami na parang matagal na close. Napapahiyang inalis ko ang tingin dito. He smiled at my mother. "Matanda na ho kasi si Lolo kaya hindi na siya pogi," dagdag na biro nito.



"O, e, saan ba ang lakad ninyo ng dalaga ko at ngayon ko lamang siya nakitang maagang gumising," nanunuksong sabi ni Mommy.



I blushed. "Mom!" mahinang angal ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtatawanan ng mga magagaling na tita ko. Ibinuko pa ako.




I must admit that having a male friend was new thing to me. Buong elementary at high school ay tanging kami lamang anim na magkakaibigan ang magkakasama. May mga lumalapit man sa amin para manligaw ay hindi naman namin pinapansin dahil may usapan na kami na kapag college na sila magbo-boyfriend.




Boyfriend na ihaharap nila para maging asawa balang araw. Para hindi kami ihanap ng Elders ng lalaki na gusto nila para sa isang Cinderella. Agad na inalis ko iyon sa isip. Masyado pa kaming mga bata para isipin ang pag-aasawa o i-entertain ang takot na baka ang Elders ang maghanap ng mapapangasawa namin oras na mag-35 kami at hindi pa nag-aasawa. 


Matagal na iyon tradisyon at maagang naipaliwanag ng aming mga magulang. We were too young to understand why we had to be married to someone suited to be our husband.

Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon