New Life

435 13 7
                                    

Mga limang taon na rin ang lumipas ng nilisan ko ang lugar namin... I left there with nothing but a suitcase and a little money left in my wallet pagkatapos kong makabili ng plane ticket at iniwan na ang lahat.

After arriving sa Manila ay ibinenta ko agad ang phone ko and replaced it at nagpalit din agad ako ng sim at dumiretso na ako sa nakuha kong room. Isang maliit na kwarto na may sarili ng banyo at maliit na kusina at wala na akong inaksaya pa na oras, pagkalagay ko ng gamit ko ay naghanap na agad ako ng trabaho.

I am a second year college taking up nursing at alam kong mahihinto muna ako sa pag-aaral dahil kailangan ko munang mag-ipon para makapag-aral ulit at maituloy ang second year ko, hopefully by next school year. Nasa harap na ako ng isang malaking building, although sandaling panahon ko lang naplano ang pag-alis ko ay napaghandaan ko naman ito, booked my flight, kumuha ng mauupahan at maghanap ng maaaplyan. Napag-aralan ko na ang company na ito kaya ito ang napili ko dahil they support students like me na magtatrabaho para makapagtapos ng kolehiyo kaya sana ay matanggap talaga ako dito. Pumasok na ako na sobrang kabado that my hands were even shaking and sweating. Kaya ko 'to!

What happened inside was a blur, 'di ko alam ang pinaggagagawa ko sa loob dahil ang nasa isip ko lang the whole time is to get hired and pagkalabas ko ay gabi na at hawak ko na ang kopya ng job offer ko. Nakangiti akong nakatingala sa kompanya na papasukan ko, isa sa mga nangungunang BPO company sa Manila at determinado akong kakayanin ko itong bago kong simula... at biglang tumunog ang t'yan ko sa gutom. I haven't eaten anything since last night. And I heard someone chuckled, maybe amused sa lakas ng tunog ng t'yan ko.
"Tough day ha? And congrats!" wika ng magandang babae na nakangiting nakatingin sa hawak ko na job offer at nagtungo ito sa food stall na nasa likuran ko lang. "One shawarma rice and isang beef shawarma wrap please." narinig kong sabi ng babae as I went there rin to buy food dahil sobrang gutom na. Marami pang kainan sa may building pero hanggang tingin lang ako sa mga ito dahil wala akong extrang pera na pambili dito, at ito lang ang makakaya ko sa lugar na ito. Sigh.
"Isa pong shawarma rice ate." order ko sa nagtitinda.
"I already ordered that for you." nakatingin sa akin na nakangiting wika ng magandang babae na naghihintay ng kanyang order.
"Ah... ahm salamat po. I will just pay you na lang po." tumingin ako kung magkano iyon and took my wallet sa bag.
"No need, consider it as my congratulatory treat for passing the bloody recruitment process. Congrats!"
"Ahm thank you po." nahihiya kong wika.
"What do you want for drinks?" tanong niya sa akin.
"Water lang po."
"Okay. And two bottled water please." dagdag niya sa order niya.
We ate there standing, and I learnt that natuwa siya sa akin dahil naalala niya ang sarili niya upon seeing me na determinado ang mukha kaya nilibre niya ako as a reward daw sa hard work ko today. She took my full name, gave her first name sa akin, nakipagkamay, winelcome ako sa company at umalis na at bumalik ulit siya sa building.

Somehow, parang gumaan ang pakiramdam ko after getting to know Grace. This world isn't bad after all... may mga mabubuti pa rin talaga na tao.

Pagkauwi ko sa apartment ay bagsak na agad ako sa kama kahit wala pa itong bed cover. Wala na akong pakialam dahil sa sobrang pagod at magpapahinga lang ako saglit bago maligo.
"So this is my life now, and this is how I will spend my first night away from home." nasabi ko sa sarili ko at 'di ko napigilang  umiyak dahil sa awa sa sarili ko habang nakabaluktot na yakap-yakap ang sarili at nakatulog na agad ako kahit hindi pa nakaligo, nakapagpalit ng damit at kahit wala pa akong unan at kumot.

"Kaya mo ito Raine!" wika ko sa sarili ko pagkagisng na pagkagising ko, encouraging myself dahil sa naramdaman ko kagabi. Naligo na agad ako, pagkatapos ay nagbihis ng panlakad at naglista ng mga kailangan kong gamit sa kwarto, naghanap sa phone ng pinakamalapit na mall at umalis na. Nagbreakfast muna ako bago nagpunta sa department store pero hindi din ako nagtagal dahil sa mahal ng mga bilihin. I have no idea! With the little money I have, I can't buy all the things I need from here. Tiningnan ko ulit ang listahan ko at inalis ang mga hindi masyadong kailangan, nagsearch saan makakabili ng mura at naghanap agad ng malapit na palengke sa phone at nagtanong-tanong na kung paano magpunta doon.

Nabili ko na ang mga kailangan ko at bumili na rin ako ng pagkain sa nadaanan kong karenderya for lunch and dinner at pagkauwi ko ay nilabhan ko agad ang bedsheet, pillow case and blanket at naglinis na agad ako ng banyo at kwarto pagkatapos.

Nakaupo ako sa kama, looking around at the small room na mas malinis na, then at may hands na nagkasugat-sugat dahil sa paglalaba at sa damit ko na basa ng pawis. Pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata dahil nagsi-self-pity na naman ako.

I can't be weak.

I need to be strong.

This is my new life now.

Nagsimula na akong pumasok for the training so early in the morning, learning the ways on how to assist customers and pagkatapos ng dalawang linggo ay pinag-aralan na namin ang mga products at tools namin at nagsimula ng tumanggap ng tawag. Kailangan kong galingan para makapasa sa training at ma-endorse. And after all my hard work ay top one ako sa wave namin kaya siguro sa top one din sa buong company na team ako na-endorse... kay Grace Montano. Sinamahan ako ng coach ko para ipakilala sa magiging leader ko and there she was, busy monitoring her team.
"Hi, Lorraine! It's nice to see you again. Congrats for being endorsed!" nakangiti niyang bati sa akin at ngumiti lang ako sa kanya 'di alam ang gagawin. Siya 'yong sinabi ni coach ko na mataray, suplada at istrikto pero bakit ang layo sa pagkakakilala ko sa kanya? "Siya ba 'yong maiendorse sa amin Gel?" tanong niya sa coach ko.
"Yup, siya nga." sabay ngiti at wink niya kay Grace. "Sa Monday pa siya magsisimula sa iyo, sinamahan ko lang para alam na niya saan siya pupunta next week."
"Okay, thanks." sabi niya dismissing us at bumalik na siya sa ginagawa niya.
"Tara." sabi ni coach sa akin kaya nagpaalam na ako kay Grace, sumunod na ako kay coach at bumalik na kami sa mga kasama ko at nag SBS (side-by-side listening) na kami sa mga mentors namin buong araw. After our shift ay nag lunch na muna kaming apat na natira sa buong wave namin dahil huling araw na namin na magkakasama dahil sa iba-ibang team kami napunta at iba na rin ang mga schedules namin.

Mangiyak-ngiyak kong niyakap sila isa-isa ng mahigpit dahil sila ang naging kaibigan ko mula simula hanggang sa huling araw ng training. Nakakalungkot that even we are working in the same company ay baka hindi na kami magkita. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa ay naghiwa-hiwalay na kami. Malungkot kong binaybay ang daan patungo sa inuupahan ko... what a sad day for me.

Falling in Love with the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon