'I will be late guys, nastuck sa traffic!' message niya sa group chat namin habang kumakain pa lang kami na siya namang tinadtad ng pangangantyaw ng mga kasama namin gaya ng 'weee?'
'Di nga, Boss? Haha!'
'Ok po TL, sabi mo eh! Haha'
'Send proof please? HAHAHA!!!!'
'Alams na walang pruwebang maipakita! Hehe'
'Take your time, Boss and Raine! Seize the moment! LOL!'
Parehong walang tigil sa pag-vibrate ang phone namin ni TL hanggang makarating na lang kami sa office at tumindi pa ang pangangantyaw nila pagkarating namin sa aming station. At mas lumala pa noong napansin nila na namumula ang mukha ko while si TL ay parang wala lang with her stoic facade.Parang kami na pero hindi dahil hindi ko pa rin siya sinasagot. Sobrang gaan sa pakiramdam ko ngayon with boss na sobrang sweet at attentive na sa akin. And yeah hindi pa kami pero araw-araw naming pinagsasaluhan ang init ng aming mga katawan, ang sarap kasi... nakakaadik and it always have me satiated and satisfied kaya laging masarap ang tulog ko pagkatapos. And every off ay nagdidate kami ni TL, we'd watch a movie, eat out at madalas niya akong pinapasyal sa mga tourist spots dito sa Luzon.
Nakaipon na ako for the board exam kaya nagparegister na ako at nag enroll sa review center. Nabawasan na ang oras ko kay boss dahil nakafocus na ako sa pagrereview dahil nalalapit na ang exam and thankful naman ako kasi naiintindihan niya ako at sinusuportahan niya. Kahit dati pa naman, lagi lang siyang sumusuporta sa akin kaya ang swerte ko na nakilala ko siya and have her in my life.
Siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko, I love her. Kaya sabi ko sa sarili ko na makapasa ako o hindi ay sasagutin ko na si TL who was always with me during this journey na naman sa buhay ko. And dahil sa dasal, sipag, tiyaga at pagpupursige, tapos may full support pa from my loving boss ay nagbunga ito ng maganda. Isa ako sa top sa board exam! At syempre proud na proud si boss na ipinakita ang result na inabangan niya talaga.
We celebrated it sa Palawan. Nagfile kami ng leave for three days before and after our two days off kaya limang araw kami sa napakagandang paraiso. At sa unang araw pa lang namin doon ay sinagot ko na si TL over a romantic dinner with sunset sa tabing-dagat na pinaset up ko sa resort that made us both over the moon. The five days were nothing but magical! We spent the days exploring and enjoying the island and the nights in each other's arms, making love, declaring our love for each other over and over again and making plans for the future until we both fell asleep.
Ayaw ko ng bumalik sa Manila, I just wanted to spend the rest of my life with TL in this paradise. Pero tapos na ang limang maliligayang araw, kailangan na naming bumalik sa reyalidad para tuparin ang mga nabuo naming pangarap. I look forward to fulfilling those plans with TL, pero habang nasa eroplano pa lang, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni TL at magkahawak ang aming mga kamay ay hindi ako mapalagay. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na para akong masusuka.
"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni TL sa akin at tumango lang ako with a forced smile for her not to worry. Siguro dahil ayaw ko pa talagang bumalik sa Manila at gusto ko pang mag-stay sa Palawan kaya ganito ang nararamdaman ko? Hay, sana mawala lang itong pakiramdam na ito.Pasado alas otso na kami nakarating sa apartment and I can still feel the uneasiness na kanina ko pang nararamdaman at bigla na lang akong nanlamig at pinagpawisan when I saw 3 black SUV's na nakapark sa tapat ng apartment namin which was unusual. Pagkalapit na namin ay biglang bumaba ang mga naka puting polo barong na mga lalaki at ang huling bumaba ay ang isang may edad na gwapo at matikas na lalaki in his black suit that made me stopped my track.
"Love?" pukaw-atensyon ni TL sa akin na napahinto rin sa paglalakad kasi magkahawak ang aming mga kamay. "Okay ka lang?" kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala kasi para akong nakakita ng multo, pinagpapawisan ako, nanlalamig at feeling ko ay namumutla rin.
Nagmadaling lumapit sa akin ang naka-suit na lalaki na kita rin sa mukha ang pag-aalala na parang hindi nakita si TL dahil niyakap agad ako nito ng mahigpit.
"Are you okay, my princess?" tanong ng lalaki na puno ang pag-aalala sa boses.
"Da-dad?" hindi ko pakapaniwalang sambit sa nakita ko, and when I looked at Grace ay puno rin ng pagtataka ang mukha niya.
"Yes princess. Thank God, I finally found you! We've been looking everywhere for you since the day you were gone." huh! Really, dad? Madali n'yo lang sana akong nakita kung ipinaskil ninyo ang pagmumukha ko sa medya, social media at newspapers, at kung saan-saan pa, pero syempre, mahalaga ang reputasyon ninyo kaysa mabahiran ito ng malisya! After hearing what he said ay itinulak ko siya palayo.
"Now I know how you found me." nabalita kasi na top ako sa kakatapos lang na nursing board exam, sa malamang madali na lang nila akong nahanap after noon. "As you can see, I'm doing well dad, pwede na kayong bumalik sa Bacolod." walang gana kong wika.
"No, not until I have a talk with you. Please princess, have breakfast with me. Please?" pagmamakaawa niya.
"Dad, please... I'm tired at may pasok pa kami mamaya."
"It won't take long, you can bring your friend too."
"She isn't my friend, dad!" naiirita ko ng wika. "She's my..." naputol ang sasabihin ko as Grace held my hand sabay iling nito kaya bumuntong-hininga na lang ako. "Okay, dad." at nagpatiuna na akong sumakay sa huling sasakyan na hatak si Grace dahil alam ko na sa gitnang sasakyan ulit sasakay si daddy."So can you please tell me what had just happened?" tanong ni TL sa akin.
BINABASA MO ANG
Falling in Love with the Heiress
RomanceShe's a damsel in distress and the moment I saw her, I just wanna help her in any way I can... without knowing that she's an heiress.