Inuna na kaming inihatid at pagkarating sa kwarto ay kita na naman na galit ang girlfriend ko kaya niyakap ko siya.
"What's wrong, love?"
"Naiinis talaga ako kay daddy!" wika niya na medyo hindi na maayos ang pagkakasalita dahil sa napadami ang inom kanina.
"Hmmm, he's actually cool, sweet and kind, love. Bakit ka ba naiinis sa kanya?"
"All of that is just bullshit! A pretense! He is nothing like that!" humikbi siya, unable to control her emotions na, dala na rin siguro ng alak. "He is just so good in front of other people. Kung wala ka, kung wala kayo, I doubt if he will act that way!" galit na galit niyang wika at mukhang may pinaghuhugutan talaga. "Alam mo ba, I grew up na halos wala sila ni mommy at daddy? I was surrounded by our servants and bodyguards. I spent my childhood sa mga activities like swimming, taekwondo, dancing at kung ano-ano pa when all I really wanted to do was spend it with them or play with other kids my age. And as I was growing up, I spent my free time sa library namin to read, to study, dahil I am not allowed to go out with friends... kung may kaibigan nga ba talaga ako. Ang lungkot ng buhay ko sa amin, all I wanted was for them to be always around me but they were so busy that they hardly checked on me. I grew up pleasing them, wala akong objection when they say do this, do that kahit ayaw ko pa and I always strived to excel on what they asked me to do... hoping that they will notice me and spend more time with me... pero wala eh, they were always on a business trip, gone for weeks or months leaving me alone in that empty mansion. Alam mo ba that they didn't allow me to take med school? Nagmakaawa pa ako sa kanila dahil ang gusto nilang kunin ko ay business administration dahil ako daw ang magmamana sa lahat ng negosyo at ari-arian nila kaya ay ended up making a promise that I can't keep. For them to allow me to study nursing ay ang pangako na susundin ko lahat ang gusto nila basta ba hahayaan nila ako sa pag-aaral ko. But later on, what they asked me to do was just absurd... to be engaged and be married sa isang tao na hindi ko man lang kilala. Nagmakaawa ulit ako sa kanila na huwag ituloy ang nalalapit na engagement, that they would allow me to be with someone na mamahalin ko at mahal ako, but they didn't listen, they insisted na 'yong anak daw ng kumare nila was perfect daw for me and that made me snap. I could no longer take it, I got tired of pleasing them kaya ayon, naglayas ako sa araw ng engagement ko. And I haven't heard from them since then. If my face and name wasn't been on the news recently, sa malamang hindi pa rin nila ako matutunton. How funny it is that it took them years at hindi pa rin ako mahanap? Paano lang bang i-post o ibalita that I went missing? Baka isang araw pa lang ay nahanap na nila ako. Pero wala eh, inuna nila ang estado nila na huwag madungisan kaya walang balita o paghahanap that went public at sa malamang, they just hired detectives to find me kaya hindi nila ako mahanap-hanap. Their reputation in the society over their only child! Disgusting! At ngayong nahanap na nila ako, he would just show up and show everyone how good of a father he is? Such a hypocrite! I just hate them and I won't go back! Never!" garalgal ang boses niya habang nagsasalita at ramdam na ramdam ko ang pait na nararamdaman niya at alam ko na umiiyak siya. Pinipiga ang puso ko habang nakikinig sa kanya and now I know kung bakit ganoon na lang siya sa kanyang ama. She never felt love from her parents all her life. I just keep rubbing her back, comforting her at nangako sa sarili na hinding-hindi na siya makakaramdam pa ng pag-iisa.
"It's okay, love. I'm here... 'di ka na nag-iisa dahil nandito lang ako. I will give you the love that you need, the one you deserved, na hindi mo na kailanganin pa ng pagmamahal ng iba. I love you." then I kissed her forehead.
"Thanks, love. And I love you too."
"Go ahead na, take a shower so that you can rest na." sabay punas ko sa mga luhang tumulo sa kanyang mga mata.
"Okay, love." she kissed my lips at nagmadali ng pumasok sa banyo.Nagiging normal na sa amin ang paghatid-sundo sa amin ng kanyang driver at bodyguard kahit wala na ang kanyang ama. Kung sa simula ay isang sasakyan lang ang naghahatid-sundo sa amin ay naging dalawa na ito kalaunan at hindi man lang nagtanong si Raine kung bakit na para bang normal na ito sa kanya... while hindi pa rin ako sanay.
"Ma'am, pinapasabi po pala ng daddy mo na lilipat na kayo ng bahay sa off n'yo po." sabi ng driver niya habang papasok kami sa trabaho. Kayo? Does it mean na kasama ako? hindi sumagot si Raine at tumingin lang siya sa akin na nangungusap ang mga mata na parang alam n'ya na na mangyayari ito.
"Okay lang ba sa iyo na lumipat tayo?" tanong niya sa akin habang kumakain na kami ng breakfast sa apartment. Handa ko bang iwanan ang apartment na tinitirhan ko ng ilang taon na? Ang unang apartment na inuupahan ko the first time na nalayo ako sa pamilya ko? Ang dami na ring mga alaala ang nabuo sa kwarto na ito and this has always been my home away from home. Kaya ko ba?
"Ayaw mo na ba dito? Ngayon na alam ko na mayaman ka pala, were you living comfortably here ba? Small room, medyo matigas na kama at maingay na mga kapitbahay?"
"Hindi naman sa ayaw," wika niyang inabot ang kamay ko na nakapatong sa lamisa. "but if we move in sa bahay ni daddy, hindi mo na kailangan pang magbayad ng renta, tubig, kuryente at hindi na gagastos para sa pagkain. Kahit papaano mababawasan din ang gastos mo at maidadagdag mo na itong pangbayad sa hinuhulugan mong bahay at lupa para sa iyong pamilya. At kahit pa siguro saan pa tayo, kahit matulog pa ako sa simento, I would always feel comfortable as long as I am with you dahil alam ko na hindi mo ako pababayaan."
"Pero nakakahiya sa parents mo."
"Consider it as bayad nila sa iyo for taking good care of me for years." Sigh... what to do? I guess buo na ang pasya niya and that I have to cave in... just as I always do.
"Okay, love. Let's eat na at para makapagpahinga."
BINABASA MO ANG
Falling in Love with the Heiress
RomanceShe's a damsel in distress and the moment I saw her, I just wanna help her in any way I can... without knowing that she's an heiress.