"...Raine" narinig kong sabi ni Grace habang tinatapik ng mahina ang kamay ko.
"Hayaan mo na siya." boses naman ni mommy ang narinig ko at tumigil na sa pagtapik ng kamay ko si Grace. "It's nice to finally meet you, Grace." sabi ni mommy.
"U-uhm nice to meet you din po., ma'am" nahihiyang sagot ni Grace kay mommy at nagshakehands pa 'ata sila kasi yumugyog ng kaunti ang balikat ni Grace.
"Maraming salamat sa pagpunta mo dito, you really don't have to..." sabi ni mommy na biglang nagpatindig ng buhok ko sa batok at sintido at nagpainit ng tainga ko. What the F?
"Tara na." tumayo ako at hinila ko si Grace. "Uwi po muna kami mommy para makapagpahinga. Babalik lang po kami mamayang gabi. Bye." naiinis kong wika sabay hinatak ko na paalis si Grace.
"Bye po ma'am, mauna na po kami." madali niyang paalam sa mommy ko pagkahatak ko sa kanya."You are being rude." sabi niya sa akin ng makalayo na kami kay mommy.
"Siya 'yong rude. Bakit niya sinabi iyon sa iyo. You don't have to? 'Di niya alam pinagsasasabi niya. Kailangang-kailangan kita ngayon more than ever."
"I know love, pero sa tingin ko wala namang masamang ibig sabihin ang mommy mo. She seemed apologetic, maybe dahil nagpunta pa talaga ako kahit hindi naman kailangan? And kita ko rin na she was thankful, she was genuine, love and she even gave me a warm smile habang sinasabi niya iyon."
"Whatever! Let's just go home so that we can rest. I know you're tired too." naiinis kong sagot dahil she made me realized na mali ako. I guess I should apologize to mom mamaya.Habang dahan-dahang bumubukas ang gate ay dahan-dahan ding bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. Kung gaano ko kaayaw umuwi sa bahay namin only to be greeted by our maids. Bihira ko lang maabutan sila mommy at daddy at kung nasa bahay man sila ay abala sila pareho sa kanilang mga phone or laptop to have time with me. Kaya I would always stay sa kwarto ko o magbasa na lang sa library.
Nakaramdam ako ng kalungkutan ng bumukas na ang gate at nakita ko na ang bahay. Nang nilisan ko ito dati ay wala na akong balak pang bumalik dito, pero ito ako ngayon, matapos ang ilang taon ay bumalik din sa tahanan na ayaw ko na sanang balikan. I felt Grace's hand on top of mine, then she clasped our hands. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. I have her now, it would no longer be the same like before at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"This mansion is even bigger kaysa tinitirhan natin sa Manila." sabi niya. Hindi ko mawari sa boses niya kung namangha ba siya o humanga pero may bahid ng lungkot sa kanyang boses, may pag-aalangan.
"Are you alright?" tanong ko sa kanya.
"Parang sinampal ulit ako ng katotohanan sa layo ng estado natin sa buhay. Sa totoo lang, bigla akong nangliit." at huminga siya ng malalim.
"This aren't mine, love. Kung ano ako the first time you saw me, iyon lang ako. Isang tao na puno ng pangarap na unti-unti ko ng naabot ng dahil sa iyo."
"Nasabi mo lang 'yan, love. Maybe to comfort me? To reassure me? But whatever happens, this will all belong to you dahil isa kang heiress."
"Love..." at hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil tanggapin ko man o hindi ay tama siya kaya I let out a sigh na lang.Pagkababa namin sa sasakyan ay sinalubong kami ng lahat ng mga katulong at winelcome ako at nakita ko sa mga mukha nila ang galak. Sila-sila pa rin ang mga katulong sa bahay na kinagisnan ko at wala man lang nagbago sa bahay simula ng umalis ako.
Dumiretso na kami sa kwarto ko at kahit pagod na pagod at antok na antok na ako ay dumiretso pa rin ako sa banyo para maligo at siguro ganoon din si Grace kasi sumunod din siya sa akin at niyakap ako habang nasa ilalim ng maligamgam na tubig na lumalabas sa shower.
"Love, okay ka lang?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang hawiin ang buhok ko sa likod ay hinalikan ang batok ko, ang leeg at ang balikat ko as if she wants to devour me habang puno ng gigil na nilamas din ang dede ko at kinagat ang balikat ko. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. "Love sorry but I don't have the energy for this. Sobrang pagod at antok na po ako." wika ko habang pinipigilan ang kamay niya sa paglamas sa suso ko.
"Sorry." 'yon lang ang nasabi niya at lumabas na sa banyo kaya nagmadali na akong nagsabon at banlaw.Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama at tulog or nagtutulog-tulugan kaya hinayaan ko na. Tumabi lang ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, kumukuha ng lakas, ng init, ng comfort at ng peace sa magulo kong isip at damdamin at 'di nagtagal ay tinangay na ako ng antok.
Nagising akong wala na siya sa tabi ko at ang susuutin kong damit ay nakahanda na.
"Manang nakita mo po ba ang boss ko?" bigla akong kinabahan ng hindi ko siya makita sa loob ng bahay.
"Ah nasa pool po ma'am hinihintay ka po para magdinner." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at nagmamadaling nagtungo sa poolside.
"Good morning." bati niya sa akin na nakangiti pero bakas dito ang lungkot. What is wrong with her?
Umupo ako at hinawakan ang kamay niya "Please tell me what's on your mind, love. Please?"
"Nothing, love." ngumiti ulit siya, pinipilit na magmukhang masaya. "Kain na tayo para makabalik sa hospital at para makapagpahinga na rin ang mommy mo." pag-iiba niya ng usapan at hindi ko na siya pinilit pa at nagmadali ng kumain. I know she'll open up to me once she's ready, as she always does."Mom, sorry po kaninang umaga, antok at pagod lang po talaga ako." wika ko habang hawak ang kamay ni mommy. Nakaupo kami sa bench sa labas ng ICU.
"It's okay, princess. Naiintindihan kita." hinalikan niya ang ulo ko at hinaplos ang aking mukha na biglang nagpatulo sa aking mga luha. So this is how it felt? Ang tagal kong hinintay itong pagkakataon na ito, ang maramdaman ang pagmamahal nila. "Hey, okay ka lang, princess?" naguguluhang tanong ni mommy sa akin na pinaharap ako at pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Tumango lang ako, hindi ko masabi ang nararamdaman ko.
"Sana gumaling na po si daddy." nasabi ko na lang.
"Okay naman na daw siya sabi ng doctor. Malaki ang improvement ng vitals niya, kailangan na lang nating hintayin kung kailan siya magigising." wala na akong masabi kaya yumakap na lang ako sa kanya, lulubus-lubusin ko na ang pagkakataon na ito dahil baka hindi na ito maulit pa. Hinahaplos niya ang buhok at likod ko habang pinapatahan din ako dahil wala pa ring tigil ang pagtulo ng aking mga luha dahil ninanamnam ko ang yakap niya na hindi ko naramdaman growing up."So this is how it feels to hold you in my arms." sabi niya. "Sana matagal ko na itong ginawa, sana noon pa. Sorry hindi namin ito nagawa sa iyo as you were growing up dahil gusto naming mabigyan ka ng magandang buhay. We had you when everything fell apart. Your dad just took over your lolo's company that's on the verge of bankruptcy, maraming utang at nangnakabawi naman ay naloko naman siya. We were too focus para maayos at mapalago ang kompanya that we've forgotten that we had a daughter that needed us. Hanggang sa lumaki ka na and we felt awkward na and don't know how to show our love sa iyo. Sorry princess at sana mapatawad mo kami." at mas lalo pang humigpit ang yakap niya na mas lalong nagpahagulgol sa akin.
BINABASA MO ANG
Falling in Love with the Heiress
Roman d'amourShe's a damsel in distress and the moment I saw her, I just wanna help her in any way I can... without knowing that she's an heiress.