Grace POV: About Her

101 8 0
                                    

Raine told me about her life, na nag-iisa siyang anak sa isang kilala at pinakamayaman na angkan sa lugar nila. They own lands, buildings, they have their hectares of sugarcane plantation and they even have their own sugar mill. They have shares sa halos lahat ng mga negosyo sa lugar nila and even have some all over the country and abroad. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Sabagay, ito kami nakasakay sa isang mamahalin na SUV with a driver and a bodyguard and halata naman sa itsura ng daddy niya. From head to toe, mukhang mamahalin lahat ng suot pati na ang postura nito. Kaya pala kahit naghihirap si Raine dito ay hindi ko nakikitaan na mukha siyang mahirap. She is eloquent, well versed, her actions are finesse and with class kahit simple lang ang mga suot niya at kahit clumsy pa at ang kutis niya na hindi maitatanggi na kutis ito ng mayaman. But I never thought na mayaman nga siya o sobrang yaman at that, kasi lagi siyang nagtitipid at nanghihiram ng pera sa akin. Akala ko na ganoon lang talaga siya lumaki at ang kutis niya ay namana niya sa kanyang mga magulang at hindi sumagi sa isip ko ni minsan na dahil mayaman siya.

The day she moved here sa Manila was her engagement party sa isa ring kilalang angkan sa probinsya nila. She begged her parents na hindi siya magpapakasal sa isang tao na hindi niya kilala at lalo pa na hindi niya mahal pero hindi siya pinakinggan ng magulang niya kaya it leave her no choice kundi ang lumayas sa kanila. And that's how I met her, sa company namin.

From the moment I first saw her, with her messy hair and determined look on her oily and sweaty face, I took a liking na sa kanya. Kaya I made sure na sa team ko siya mapupunta to be close to her and get to know her. Mas lalo lang nahulog ang loob ko sa kanya when I got to know her, how cute she is when she thinks hard... how adorable she is when things don't go her way and how clumsy she is that I always wanted to protect her not to get hurt at lalo na when she was struggling, when she needed me, gusto ko lang gawin lahat sa abot ng aking makakaya to help her... for her to have an easy life. At ito na nga, after how many years ay nagbunga rin ang lihim kong pagmamahal sa kanya... pero papaano na kami ngayon? Ngayon na isa pala kaming langit at lupa... ngayon na may nakatalaga na palang lalaki para sa kanya... ngayon na may magulang pala siya na mukhang hindi pa tanggap ang ganitong relasyon namin ni Raine. Paano na? Sigh.

I was lost in my thoughts when I felt her hand against mine.
"We're here na love." wika niya and napansin ko na nakahinto na ang sasakyan sa isang mamahaling hotel. Bumaba kami at sumunod sa daddy niyang pumasok sa entrance ng Shangri-La at nakabuntot naman sa amin ang anim na tauhan ng daddy niya. Gosh sa pelikula ko lang ito nakikita, hindi ko akalaing mararanasan ko rin pala ang ganito.

The waitress had given as the menu at nalula ako sa presyo ng mga pagkain at buti na lang ang daddy na niya ang nag-order ng pagkain namin dahil sigurado akong I can't bring myself to order anything from the menu. While I felt relieved, si Raine naman ay mukhang annoyed sa ginawa ng daddy niya.
"Princess..." pagkatawag ng daddy niya sa kanya ay tinapunan niya ito ng masamang tingin. I have never seen her like this, she was always smiling and kind pero ito siya ngayon acting like a brat. "Princess, when are you going home? Your mom misses you so much. I am hoping na sasama ka sa akin sa pag-uwi ko so that you can take care of your mom."
"Dad, the moment I stepped out of the mansion ay wala na akong balak pang bumalik doon. Lalo na ngayon na naranasan ko na ang mabuhay ng malaya, naghihirap man ako that I can no longer easily afford the things I want, but I am happy. Kaya I would no longer go back to that prison, dad. And who will need me there when you have your servants and you can just hire a nurse to take care of mom." ramdam ko ang kirot sa mga sinabi ni Raine sa kanyang ama. I wonder what she was like growing up. Being an only child, growing up in a big house surrounded by older people na walang kaedaran na pwedeng maging kalaro. As I realized how lonely it could be, I held her hand under the table and gripped it lightly just to let her know na I was there for her.

Dumating na ang aming pagkain, three American breakfast, it has scrambled eggs, bacons, two slices of buttered toast and a coffee at nag order din siya ng waffles. Mauubos ko kaya ito? I need to, pipilitin ko talaga dahil sa mahal nito. Sayang! Habang ini-enjoy ko ang masarap na pagkain ay nakita ko naman na walang ganang kumain si Raine at nilalaro lang ang pagkain nito.
"Princess, why aren't you eating your food?"
"Can't you see that I don't have an appetite? I'm tired dad, we just came from a trip and all I want to do is sleep rather than eat."
"Okay, okay." sabi ng daddy niya at minadali na nito ang pagkain kaya sinabayan ko rin ito. I don't get bakit parang galit na galit si Raine sa daddy niya gayong ang nakikita ko is a loving and doting father sa anak nito.

When he finished eating ay kinuha na niya ang bill at nagbayad.
"I am staying here until the weekend." may dinukot siya sa loob ng suit niya at inilapag ang plane ticket going to Bacolod. "I have already booked this ticket for you as well, with the hope na you are going back home with me... your mom needs you, princess.". He tried to reach Raine's hand but her daughter pushes the ticket back at inalayo agad ang kamay nito making her dad sad.
"As I have said, wala na akong balak pang bumalik doon dad." nagsisimula na namang tumaas ang boses ni Raine.
"Okay, I will just leave this to you..." he pushed the ticket back to Raine. "hoping that you will change your mind and will see you at the airport. Can I have your number na lang please, princess? Promise, I won't call if it isn't necessary." itinaas pa nito ang kamay na nanumpa. She just sighed but gave her number sa daddy niya.
"Just one call, dad, and if it isn't important, I promise na iba-block agad kita at hinding-hindi n'yo na ako makikita pa." malungkot na tumango sa kanya ang kanyang ama. Bakit ganito sila?
"I have a business meeting in a while, princess, hindi ko na kayo maihahatid pero ipapahatid ko kayo sa isa sa mga driver." tumayo na ito at lumapit kay Raine. "Can I get a hug from my princess, please?" he opened his arms for a hug pero tiningnan lang siya ni Raine kaya he patted his daughter's head na lang. "I love you my little princess and I miss you. So happy that I was able to see you again. Sige mauna na ako sa inyo and it was nice meeting you..."
"Grace, my name is Grace Montano po sir." pagpapakilala ko.
"Nice meeting you Grace." at inilahad nito ang kanyang kamay at tumayo akong inabot ito ng nanginginig kong kamay. "Bye, princess." at humalik ito sa ulo ng nakaupo niyang anak. "Bye, Grace." at ngumiti ito sa akin pero kita ang lungkot sa kanyang mga mata at umalis na. Tumayo na din ang kakatapos lang ding kumain na mga tauhan nito at sumunod ang apat sa kanya at nagpaiwan naman sa table nila ang dalawa. At nakita ko ng kumain na si Raine habang ang plato ko naman ay simot na.

Falling in Love with the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon