Chap 5: Camilla

19 4 6
                                    


******

A Very Short Update!

Author is currently busy reviewing for an upcoming exam. I  hope that everyone who's taking  their exams will pass them all!
Good Luck to us! 🍀

*******

Camilla's POV

As I lay on my new bed, I keep wondering why Mom and Dad separate. Like, they have me but it feels like they don't.

I decided to come with Dad, because I was scared that Mom will left me if she and her new husband have a child.

Kakalipat lang namin ni Dad dito sa bahay na nabili niya. My room is on the first floor, bungad nito ang living room namin.

Sa first floor ang aking kwarto dahil ginagawa pa raw ang kwarto ko sa taas sabi ni Dad.

Ang aking kama ay kulay rosas, paborito ko kase ang kulay rosas at ang rosas na bulaklak. Ang aking kwarto naman ay kulay puti, gusto ko kasing malinis itong tignan, nagkagay din ako ng bookshelf sa gilid para naman may lalagyan ako ng mga libro ko.

Kinabukasan

Napag desisyonan ko na pumunta sa palengke para bumili ng gamit sa kwarto ko.

Nakabili ako ng notebook na balak kong gawing diary at picture frame, nakakatuwa naman, mailalagay ko na ang picture ko sa isang lalagyan.

Namangha naman ako sa ganda ng isang painting, ang laki nito ay kasing laki ng pintuan sa kwarto ko.

Binili ko ito agad dahil na din sa rosas ang nakapinta rito.

Pagdating ko sa bahay ay diretcho na ko sa aking kwarto. Dala dala ko ang mga pinamili ko kanina.

Nilapag ko muna sa aking kama ang diary at picture frame, dahil balak kong isabit ang paintung sa pader.

As I hang the painting on the wall, I can't help but admire its beauty. Ang mga rosas na disenyo ay bumagay sa kwarto ko.

Umupo ako sa aking kama at pinagkatitigang mabuti ang painting. Ang ganda nito sa mata, hindi nakakasawang tignan.

Nakaring ako ng tatlong katok sa aking pintuan.

"Camilla, ready na ang hapunan lumabas ka na riyan!" sigaw ni Dad mula sa labas.

"Opo, palabas na po"

Tinignan ko muna ng isang beses ang painting bago lumabas.

"Ano ang mga pinamili mo kanina?"

Habang kumakain ay hindi napigilan ni Dad ang pagtatanong.

"Nakabili po ako kanina ng diary, picture frame at isang painting!" masaya kong ani.

"Painting?" kuryosong tanong ni Dad, siguro'y naalala niya nung bata pa ako na hindi ako mahilig sa mga painting.

"Opo, may disenyo po kase itong mga rosas" sabi ko habang tumatawa ng kaunti.

"Oo nga pala't paborito mo ang mga rosas"

"Opo"

Hanggang doon lamang ang usapaj namin ni Dad. Pagkatapos niyang kumain ay nauna na siyang umakyat sa kwarto niya, ako naman ay nililigpit ang mga pinagkainan namin.

Nilagay ko na sa lababo ang mga hugasin, medyo hindi ko kita ang mga plato at pati na rin ang paligid dahil na din sa sira ang bumbilya dito sa kusina.

Hindi ko maiwasang makaramdam na para bang may nakatitig sakin mula sa likod. Ganon kase ako minsan, halimbawa'y may space sa likod ko or wala akong nasasandalan, pakiramdam ko ay mayrong tao o anuman sa likod ko.

Pero ngayon feeling ko ay totoo ang nasa likod ko. Hindi man tao pero alam kong mayroon.

Dahil sa pag iisip ng ganon ay natakot na ako, kaya naman binilisan ko ang pag-uurong para na din makapunta na ko sa kwarto ko.

Pagkatapos kong maghugas ay tinanggal ko ang apron sa aking katawan at patakbong pumunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pintuan at umupo sa kama.

"Hindi ko pa pala nalalagay ang picture ko dito sa picture frame." sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang picture frame sa na nakalapag.

Mabilis kong kinuha ang aking picture sa drawer ko. Ang ganda ko sa litrato, nakasuot ako ng bistidang kulay rosas, bigay ito ni Mommy noong nakaraang birthday ko.

Kinuha ko ang picture frame at nilagay ang aking litrato. Tinignan ko ang aking buong kwarto, saan ko kaya ito ilalagay.

"Alam ko na" sabi ko at ipinatong sa ibabaw ng drawer ang picture frame. "Ayan ang ganda na ng kwarto ko"

Napansin ko ang diary sa aking kama. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.

Binuksan ko ang diary at pinadaanan ng haplos ang pahinang papel. Naisipan kong sulatan iton ng pangalan. Camilla Florecio.

Susulatan ko ito ngayon!

July 6, 1994

"I went to the bayan and buy some stuffs for my new room, I bought painting, picture frame and this diary" Ayan.

"Hala, masyado na palang gabi, kailangan ko nang matulog." bulong ko sa sarili, humiga na ko sa kama at nagtalukbong ng kumot dahil malamig.

Unseen (English-Tagalog)Where stories live. Discover now