Chap 6: Dahlia

18 4 7
                                    

Camilla's POV

Nagising ako dahil sa malakas na kulog. Ang malakas na hangin ay pumapasok sa loob ng aking kwarto, bukas pala ang aking bintana, nakalimutan ko yatang isara bago ako matulog.

Bumangon ako para isara ang bintana.

"Bakit napakalakas naman ng ulan?" bulong ko sa sarili.

Ang lakas ng hangin ay tinatangay ako pabalik sa aking kama. Pumapasok sa aking kwarto ang malakas na ulan, nababasa ako nito.

Kumapit ako sa bintana dahil ang lakas ng hangin, mahigpit ang hawak ko dito nang biglang nanghina ang aking mga kamay.

"Ugh, kailangan ko na talagang isarado ang bintana" ani ko sa sarili

Hinawakan ko ang sarahan ng bintana para isara ito ngunit kahit gaano ko ito kalakas pihitin ay ayaw nitong magsara.

"Bakit ayaw mong magsara?"

Kahit na sumasalubong saking mukha ang malakas na hangin at halos wala na akong makita ay mas iniigihan ko paring isara ang bintana, nang may maramdaman akong gumagalaw sa likod ko.

Liningon ko ito ngunit wala namang kahit ano sa likod ko. Itinuon ko nalamang ang pansin sa pagsara ng bintana.

"Finally, I did it" sabi ko pagkatapos na maisara ang bintana.

Bumalik ako sa aking kama at humiga. Tinitigan ko nalang ang kisame dahil hindi na ako makatulog ulit.

"Paano kaya kung hindi naghiwalay sila Mom at Dad, siguro ay magkakatabi kami sa iisang kama ngayon kase malakas ang kulog at kidlat."

Unti-unting dumadaloy sa aking isipan ang mga ala-ala sa mga sandaling kumpleto pa kaming pamilya, napakasaya namin noon, sabay sabay kaming kakain, magkukwento naman ako kung anong mga masasayang nangyari sakin sa araw araw. Nasira lang iyong mga ala-alang iyon dahil sa isang bagay na hindi ko inaasahang magagawa ni Mommy.

I discovered the truth when she and Dad argued in the living room, their voices echoing through the house. I know na hindi dapat ako makisali sa usapan nilang iyon kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko.

Mas malala pa ay ang asawa ni Mommy ay iyong kapitbahay namin sa dati naming bahay, kaya lumipat kami ni Dad dito.

My heart ached as remembering what my Mom did. Hindi niya lang sinira ang pamilya namin, but she had also chosen someone over us. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa si Mom for what she did.

I hoped Dad could move on and find happiness again. He deserved someone who would love and cherish him, who would never betray his trust.

Naging cold si Dad sakin simula nang mangyari iyon pero hindi parin siya nagkulang na iparamdam niya sakin na anak niya parin ako.

I tried to shake off the heavy emotions and wiped away my tears. I decided it was time to get some rest.

”Okay...I’m going to sleep now,” sabi ko sa sarili.


The Next Morning

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. I stretched and sat up. I got out of bed and made my way to the bathroom.

Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng bistida, suot ko rin ang bigay sakin ni papa'ng sandals.

Pumunta ako sa kusina at nakitang wala pang kahit anong nakahanda sa lamesa. Tumungo ako sa ref at kumuha ng mga ingredients sa paggawa ng almusal.

Pagkatapos kong maghanda ng almusal ay umakyat ako patungo sa kwarto ni Dad. I hesitated for a moment before gently knocking on the door.

"Dad? ready na po ang almusal" saad ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Dad.

Unseen (English-Tagalog)Where stories live. Discover now