Chapter 8- The Seed Has Been Planted

96 12 0
                                    

Khristine


"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" singhal ko kay Mandy. Para itong napupuwing na hindi ko maintindihan.

"Saan mo nga nakilala si Alec?" pangungulit ni Mandy.

"Sinabi ko na sa iyo. Tinulungan ko lang siya."

"Naniniwala ako sa part na tinulungan mo siya. Pero taga saan siya? May kapatid ba? Pinsan na single?"

Natawa ako ng kaunti. "Hindi ko alam," I replied. I gathered my chart, made sure I have my ballpen with me, and went past Mandy to do my rounds.

"Tin, ang unfair naman na ang mga homeless sa street mo ang gwapo."

"Che! Maiwan ka muna diyan at magro-rounds na ako bago pa ako hatakin sa ER na naman."

"Pwede ba tayong roommates na lang?" pahabol ni Mandy na bahagya kong ikinatawa.

Gwapo ba si Alec? Parang pangkaraniwan naman ang itsura. Mukha ngang sanggano sa balbas at bigote. May kalakihan nga lang at maganda ang mga mata.

Speaking of mata, sure akong green ang mata no'n bakit nagiging brown na yata? Not that I am staring at his eyes lately.

Hay, ano ba? Ito kasing si Mandy ang kulit. Walang bukang bibig kung hindi si Alec. Nare-retain tuloy sa utak ko. Kailangan na namin ni Mandy ng vacation para hindi kami nababaliw dito.

Toxic na naman ang gabi namin. Halos hilahin ko na ang sarili ko pauwi kinaumagahan dahil sa antok. Nagkagulatan pa kami ni Alec na palabas sa convenience store na malapit sa apartment ko.

"Woah... Are you okay?" tanong niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para ma-steady sa pagtayo. Medyo nahihilo na ako sa antok at pagod.

"Parang hindi. Nahihilo na ako sa antok."

"Come on, I'll help you to go home."

Halos buhatin na ako ni Alec. Bumabagsak ang katawan ko sa tuwing tatangkain niyang bitawan ako. Ginawa ko na siyang poste na sinasandalan habang naglalakad.

Sa hagdanang halos kasya lang si Alec, wala akong nagawa kung hindi maunang maglakad habang inaalalayan ako ni Alec sa balikat. Strange but I feel safe with him kahit hindi ko siya masyadong kilala. I never tried to entertain even friendship sa panahong nandito ako sa London. I was afraid that if I get attached, I will lose everything again. Just like before.

I managed to put in my key and open the door before my vision spun.

"Alec—" tawag ko kay Alec. Nakahawak ako sa braso niya nang maramdaman kong unti-unti akong nawawalan ng lakas at malamang ay malay.

Nagising akong nakahiga sa sofa at naririnig si Alec na may kausap.

"Do I need to call the ambulance?" tanong niya sa kausap.

"Alec, stop pacing." Daig pa nito ang turumpong kangkarot. "Mas nahihilo ako sa iyo"

"I will bring you to the hospital," Alec said firmly.

"Hindi na. Kailangan ko lang magpahinga. Paki-abot na lang ang bag ko, may paracetamol ako roon."

"Mandy wants to talk to you!" Pabalang na inabot sa akin ni Alec ang phone ko na ginagamit niya kanina.

"Khristine!" naririnig kong tawag ni Mandy sa akin mula sa kabilang line.

"Hello, Madz."

"Tin, ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mandy.

"Nahilo lang ako sa pagod. Bakit ka napatawag?"

"Si Alec ang tumawag sa akin."

Huh? Paanong nabuksan ang phone ko?

The Royal RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon