Chapter 2- Mr. Green

416 32 0
                                    

Khristine


P

agod at walang tulog. Ako na ang lutang at tanging kape ang bumubuhay.

"Khristine!" sigaw ng head nurse sa harap ko. Hindi ko siya naririnig. Ganoon ako kalutang. Tanging nagtalsikang laway ang nagpagising sa aking paglalakbay diwa.

"Yes, Ma'am?"

Huminga siya ng malalim, muntik na akong masinghot. Kasya yata ang hinlalaki sa paa sa laki ng butas ng ilong ni Patricia.

Binaba ko ang kape na hawak ko ng dahan-dahan at tinakpan ng folder. Mahirap na baka matalsikan ng laway.

"I was calling you—"


"Oh, what can I help you?" I asked cheerfully. Malayong-malayo ang cheerfulness ko na ito sa ugali ko dati. God, dati... please, ayaw kong maalala ang dati. Pagod lang ako kaya bumababa ang guard ko.

"Room 505. Clean it up." Umalis agad si Patricia sa harapan ko.

Gusto kong umiyak. Hindi ko trabaho 'yon, gusto kong sabihin. Pero trabaho ko na ngayon. Huminga ako ng malalim at uminom muli ng kape.

"Khristine!"

"Coming!" Mukhang reheat ang mangyayari sa kape ko.

Pagpasok ko sa kwarto, umalingasaw agad ang amoy tae. Natae na naman sa kama ang matanda. Anong oras ba pinalitan ang diaper nito?

Hindi pa nakadagdag ang nagna-nag na anak ng matanda.

"Where the heck have you been? I was calling a million times. What kind of idiot are you for not answering my call?"

Focus Khristine, kailangan mo ng work.

Hindi ako nagsalita at hindi rin huminga. Pinapanalangin ko na lang na umalis ang anak ni Mr. Hammington kapag umalingasaw na ang laman ng diaper. Hindi nga ako nagkamali. Masuka-suka ang anak nito na lumabas ng kwarto habang nagmumura.

Well, lapastangang anak.

Pilit akong ngumiti sa matanda habang nililinis ko ang pwet nito. Maingat ko ring inalis ang bedsheet na narumihan. Tumawag ako ng tulong sa housekeeping para mapalitan ang bedsheet at pati ang mga unan.

Binalikan ko ang malamig kong kape sa nurse station. Ininit ko ulit sa microwave ang mug. Pangalawang init ko na ito sa kape. Hindi ko maubos-ubos ang tanging almusal ko.

Hay, alam mong masama sa tiyan na walang pagkain sa umaga.

"Ano nga ang gagawin ko kung wala na akong pambili ng pagkain?" mahinang bulong ko sa sarili.

Empathy. Iyan daw ang ikakasira ko sabi ng prof ko dati. Hindi nga siya nagkamali. Tapos heto na naman ako.

"Khristine!" sigaw na naman ni Patricia.

Pati yata kape hindi ko na makakadaloy sa ugat ko ngayong umaga.

PAGOD na pagod akong nakauwi. Pagbukas ko ng pintuan, napapikit na lang ako ng mariin. Bukas ang heater at full blast. Hindi ko binubuksan ng ganito ang heater. Hangga't maari ay sa kwarto ko lang binubuksan para makatipid sa kuryente.

Naabutan ko ang pasyente ko na nakaupo sa sala at malalim ang ginagawang paghinga. Suot niya ang mga damit na binili ko sa isang thrift store.

"Hi there," bati ko.

Nagmulat ng mga mata si Mr. Green. Hindi ko alam ang pangalan niya. Bukod sa green niyang mga mata na parang emerald ang kulay, wala na akong ibang pagkakakilanlan sa kanya.

"Hello. I opened the heater."

"It seems like you did." Napakamot ako sa sentido ko. Para na ngang klima sa Pilipinas ang buong apartment. "How do you feel?"

"Sore. Thank you for helping me," sabi niya.

Maraming Salamat, doktora.

God, Khristine, don't go there. Don't go to those memories.

"You're welcome, I guess. Would you like some tea?"

Umiling siya at muling sumandal sa sofa. Nagmukhang maliit ang sofa ko. Nahahapong pumikit si Mr. Green.

"You should be in bed."

"It was cold earlier that's why I tried to get up."

Nag-tea ka na lang sana para mainitan.

"Can we lower the temperature? It's already warm and... wala na akong pambayad ng kuryente." Pahina nang pahina ang boses ko habang halos patayin ko na ang heater.

"Where are you from?" tanong ni Mr. Green.

"I should be the one who's asking you that," I pointed out. Inalok ko siya ng dala kong tinapay. Nakuha ko lang ito sa pantry sa hospital. Pwede na kaysa walang makain. Inabot ni Mr. Green ang tinapay. Nakita ko siyang nakunot ang noo nang mahawakan ang tinapay. Pati ba naman homeless, ayaw kainin ang tinapay sa hospital?

"So, what's your name?"

"Alec."

"And you have a family name?"

"Lagdameo."

Spanish ba siya? Portuguese?

"And your name is?" putol ni Alec sa pag-iisip ko.

"Khristine," I replied.

Natahimik kami. Nakaupo kami sa sofa, may pagitang throw pillow sa amin. Halos mahiga na ako sa sofa dahil sa pagod. Sa pangkaraniwang araw, dito na ako nahihiga sa sofa pagdating galing trabaho. Nitong nakaraang mga araw, dito na rin ako natutulog dahil occupied ni Alec ang kama ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya naiuwi sa bahay. Ang laking tao nito kung tutuusin.

"Thank you for saving me. I will not forget this."

Uh-huh... ako rin. Pagdating ng bills ko, for sure maalala kita, Alec.

"You look tired. Are you going to take the bed?"

"Nah, take my bed. I will sleep in here. Just don't put the heater to the max."

Napikit na ng kusa ang mga mata ko. I felt my shoes has been taken off. My feet were put on the sofa and a blanket covered me.

"Sleep well, Khristine," said the masculine voice which calmed me. 

The Royal RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon