Kristine
Nagu-guilty ako. Baka mamatay na ng tuluyan si Alec sa lamig ng panahon. Alam kong gloomy ang London pero may extrang ginaw ngayon dahil sa snow storm.
Habang pinapatay ko ang sarili ko sa overthinking, I indulge myself sa heater. Off ko ngayon after 48 years. Ninanamnam ko ang instant chocolate drink nang mag-ring ang cellphone ko. Alam kong si Patricia ang tumatawag dahil may special ringtone siya sa akin— ang astig at legend na Silvertoes.
"Hello," sagot ko sa ikapitong ring. Hindi ko na natiis dahil na rin sa kagandahang loob.
"What are you doing?"
"Sleeping."
"I need you to cover for—"
Gusto kong umiyak. Ngayon lang ako nakapag-rest day, mabubulilyaso pa.
"I can't. It's been weeks since I took a rest day."
"And I worked 12 hours duty when my mum passed away."
Lagi na lang sinusumbat 'yon. Sino ba kasi ang gustong mag-duty nang pinaglalamayan ang nanay?
"Fine. Give me two hours."
"One hour."
"Two hours, Patricia. Bye." Nangisay ako sa inis nang mai-off ko ang call. "Waaahhh, tangina mo ka, Patricia! Hayup."
Nagdadabog akong naligo ng mabilis at nagbihis. Hindi na ako nakatapos maglaba. Akala ko pa naman matatapos ko ang labahin ko today. Sino ba 'yang nag-absent na 'yan? Impakta!
Habang pababa ako sa hagdanan, nagmessage ako kay Mandy.
Hanggang binti ang snow sa daan. Isama pa ang malakas na ihip ng hangin, nanunuot ang lamig kahit makapal ang suot kong coat.
Hayop ka, Patricia. Mas hayop ka, Happy.
Paulit-ulit ang pagmumura ko sa dalawa habang naglalakad ako. Walang masasakyang bus nito dahil sa sama ng panahon. No choice but to walk.
Parang ako lang ang naglalakad sa daan. Sino ba naman kasi ang matinong lalabas ng bahay ngayon? Ako... saka ang isang lalaking huminto sa tabi ko at naghihintay rin na mag-green ang street light.
"Khristine? What the bloody hell are you doing walking in this snow storm?"
"Who the hell—" Nahinto ang pagtutungayaw ko nang makita ko ang mga mata ni Alec.
Teka, bakit brown?
"Alec?" hindi siguradong tawag ko.
"Yes, it's me."
Nakatago kasi ng scarf ang mukha. Buti at nakilala ko ang mga mata.
"Where are you going?"
"Work. I was called." Lumakad ako patawid sa daan nang mag-green ang signal.
"Are you supposed to work today?"
"Yeah... no. I am covering the absent." Napabuntong hininga ako.
Lumakad din si Alec kasabay ko. Kung minsan ay hinahawakan ang siko ko kapag nagmumuntikan akong mabuwal dahil sa kapal ng snow.
Tahimik naming nilakad ang daan papunta sa hospital. Ewan ko kung saan pupunta si Alec pero grateful ako na sinamahan niya akong maglakad. Kung wala siya ay baka ilang beses na akong nadulas sa daan.
Nanginginig ako sa ginaw nang makarating kami sa hospital. Agad akong tumapat sa heater nang makapasok ako. Sumunod si Alec sa akin. Palinga-linga siya sa paligid.
"Looks like you are under-staffed."
Sukat sa sinabi n'yang iyon, napalingon din ako sa likod ko.
"Khristine, make it quick," someone shouted.
Mabilis akong tumakbo papunta nurse quarter at nagpalit ng uniform. Nakalimutan ko nang giniginaw ako. Pinapunta ako sa Emergency Room at parang nasa battle field ang ER. Dahil sa snow storm, marami ang vehicular accident.
Toxic ang araw na ito. Kulang kami sa tao. Ni si Patricia ay hindi pumasok. Ang ilan ay kagabi pa naka-duty. Si Mandy ay hindi na rin nakaligtas, pinag-duty na rin. Nakasimangot siyang kinurot ako sa braso.
"Sino ang tumawag sa 'yo?" pasimple kong tanong dito habang naghahanap ako ng ugat sa isang pasyente. Si Mandy naman ay nasa kabilang bed at kumukuha ng vitals.
"Si Patricia," nakasimangot na sagot ni Mandy. "Tapos malalaman ko siya ang wala ngayon. Impaktang 'yon."
Natawa na lang ako.
Bagsak kami ni Mandy sa upuan sa harapan ng reception nang matapos kami sa ER. Halos hating gabi na at hindi pa kami kumakain.
"Kakain o matutulog?" tanong ni Mandy na nakasandal na sa upuan at nakapikit ang mga mata.
"Matutulog," replied ko.
"Khristine," I heard the baritone voice.
Biglang napaupo ng maayos si Mandy. "May gwapo na may hawak ng kape."
"Thanks. You need one too?"
Doon ako napamulat. Napasinghap si Mandy sa tanong ni Alec.
"Naintindihan niya ako?" tanong ni Mandy.
"Yeah," sagot ni Alec.
Itinapat sa mukha naming ni Mandy ang hawak niyang kape galing sa vendo machine.
"Lifesaver. Thank you. Your name?" Mandy asked as she took the coffee from Alec.
"Nakakaintindi ka ng tagalog?" tanong ko naman kay Alec.
Inilagay ni Alec ang kape sa kamay ko na inaabot niya sa akin pagkatapos ay naupo sa tabi ko.
"Yes."
"Bakit hindi mo sinabi." Hinampas ko sa braso si Alec sa abot ng lakas na kaya ko.
Mukha naman siyang nasaktan dahil nag "Ouch" ito.
"My mom is a Filipina. Now, you want granola? This is the best I can give you. You two look like you will faint anytime."
"Give me." Nilahad ni Mandy ang kamay niya. Nakalimutan na ang antok dahil sa gutom.
Binigyan kami ng tig-dalawang granola ni Alec. Si Mandy ay kinagat agad ang kalahati.
"Grabe, gutom pala ako. Goodbye rest day na naman," wika ni Mandy. "Where did you guys meet?" Mandy asked, eyes are squirming.
"He is the homeless living near my apartment," mabilis kong sagot.
"Homeless?" hindi makapaniwalang tanong ni Mandy.
Siniko ko si Alec para balaan.
"Something like that," he said that made me silently exhale.
"Grabe ang mga homeless dito, ang gwapo," Mandy commented. "Bakit ka nandito? Thank you nga pala sa kape at granola."
"You're welcome. I was stuck because of the snowstorm."
"I see. Nice to meet you, Alec. Matutulog muna ako."
Sumandal muli si Mandy at pumikit. Ako naman ay humarap kay Alec na naningikit ang mga mata.
"Naiintindihan mo pala ako, bakit hindi mo man lang sinabi."
"You didn't ask," pilosopong sagot nito.
"How will I know you are half?"
"Lagdameo," he simply said like it answered everything. "Eat so you can sleep for a few minutes. I'll be here for a little while until the storm pass."
In a way, I am thankful that Alec is here. He and Mandy made me feel like I am not totally alone for a while. London made me feel that. The cold made me feel that.
BINABASA MO ANG
The Royal Rebel
RomancePrince Alec doesn't want the throne. Simula ng bata siya, mas gusto niyang maging sutil na palaboy kaysa matali sa palasyo na kasing lamig ng yelo. Sa mata niya ay hindi masayang gampanan ang tungkulin kaya ginawa niya ang lahat upang talikuran ang...