Chapter 3- The Homeless

330 26 0
                                    

Alec


Wala na si Khristine kapag nagigising ako sa umaga. Sa gabi naman ay pinipilit kong hintayin siya. She works more than 12 hours. Alam ko rin na isa siyang nurse sa isang hospital malapit lang dito. That explains why she was capable of medical things.

A week has passed. Hindi ako nagtangkang tawagan ang palasyo. I know they are worried but I need to be careful. Hindi biro ang kalaban namin. Siguro, sapat na driving force ang kapangyarihan upang iligpit ako ng tuluyan. Anong klaseng hayop ang mga ito? Papatay talaga ng tao?

Malapit na akong gumaling. Kakailanganin ko nang umalis sa bahay ni Khristine. Saan ako pupunta ng hindi nila ako mahahanap?

Blend in. Blend in.

"Blend in," pag-uulit ko sa sinabi ng utak ko.

Kahit medyo nahihirapan pa akong tumayo at maglakad ng maayos dahil sa pangbubugbog na inabot ko at sa tama ng bala, nakakatayo naman na ako kahit papaano. Nagpunta ako sa banyo at nadaan ako sa maliit na salamin.

I look nothing like the crown prince of Cordonia. My hair is messy, my beard is long. I still have a few bruises on my face.

"Mukha akong homeless," bulong ko sa sarili ko.

Blend in.

Homeless.

"Well, there's your answer Alec."

I need to find out who's that bastard that wants me dead. Pero mayroon na akong idea kung sino. Kailangan ko lang ng evidence. Isang matinding ebidensya na magpapataob ng lahat ng kalokohan sa Cordonia.

I found Khristine's black hair dye at the back of the medicine cabinet. Well, here it goes.

I dyed my chestnut hair black. Even my beard I tried to color it to match my hair. Hindi pala madaling magkulay mag-isa. Ang dami kong lagpas-lagpas sa anit. Nakulayan pati ang damit ko na God knows saan kinuha na thrift store ni Khristine.

After a few hours, I look different. This will do for a while.

Napahinto si Khristine sa pagpasok sa bahay nang makita niya akong nakatayo sa sala habang nagpupunas ng basang buhok. I was wearing a jogging pants and a plain t-shirt.

"You found my dye," sabi niya. "Are you feeling okay?"

"Yeah, thanks."

"You look, well..." She cleared her throat. "Okay, I will be honest Alec. I can't afford to—"

"I'll leave."

Napabuga ng hininga si Khristine. Tuluyan na siyang pumasok sa maliit na apartment niya.

"It's warm," she murmured.

"Yeah, I turned the heater."

Napabuga muli siya ng hininga at hinilot ang sentido.

"Where do you live?" pag-iiba niya sa usapan.

"Far away," I replied. I sit on the single couch that is usually where her bag is.

"Sorry I need to ask you to—"

"It's okay. I am grateful for your help, Khristine. I will never forget this."

Tumango siya at nahahapong tumayo. Hinubad niya ang suot na jacket at nagpunta sa toilet. Hindi pa man niya naisasarado ang pintuan ay sumisigaw na siya.

"What bloody fucking happened in here, Alec?"

Looks like I really did a mess back there.

Galit na galit si Khristine nang lumabas ng toilet. "Do you know how much it will cost me to replace that sink and the floor you ruined with dye?"

"I will pay—"

Lumahad siya bigla. "Pay it now and the heater you love so much."

Bumagsak ang mga balikat ko. "I don't have mon—"

Biglang tumalikod si Khristine at nagdadabog na pumunta sa kwarto niya. Pabalibag niyang sinarado ang pinto.

"Pero babayaran kita," bulong ko at saka napabuntong hininga.

Nagiging mannerism ko ang pagkapa ng dila ko sa molar. Someone knew my transmitter and they took it out from my molar. My mom is surely freaking out right now. Hindi ako magtataka if may mga Knights akong makikita. I should be careful. I need to solve this on my own.

"Khistine," tawag ko mula sa nakasaradong pinto.

Narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Khristine mula sa kwarto. Ganoo ba kalaki ang kasalanan ko para umiyak siya ng ganito?

Napahawak ako sa batok ko. Nagdadalawang isip kung kakatukin ko si Khristine para tanungin kung kakain pa ba kami o hindi na.

Hindi ko kailanman naranasan ang magutom. Sa palasyo, kahit anong hingin naming pagkain ay mayroon. Pero ngayon, sa lagay ng tiyan ko, nami-miss ko ang kahit na pinakaaangal-angal kong pagkain na paboritong ipaluto ni Morris— ang lumpia.

Mukhang hindi kami kakain ngayon.

Napabuntong hininga akong bumalik sa sala at naupo doon. I need a game plan. I need to play like a chess master.

The Royal RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon