Kabanata 27

133 3 1
                                        

Kabanata 27
Forced

I checked my wristwatch and saw that I’ve been sleeping for one hour and a half since we came into his house.

I sighed. Nilibot ko ulit ang paningin sa buong kwarto ni Kheeno bago bumuga ulit ng hangin.

I don't know how I feel after Kheeno leaves the room. I feel guilty because it looks like I didn't appreciate his effort in preparing the food. But I can't blame myself, though. I have a strict diet for me to stay healthy. I'm also thinking about what he said—that those are my favorites. That I won't eat veggies before.

I felt so guilty, kaya lumipas ang limang minuto ay nagpasya na rin akong lumabas ng kwarto para bumaba na lang.

Nang tuluyan akong nakababa, nakita ko si Kheeno na busy sa paghihiwa ng mga gulay at kung ano-ano pang mga spices na nakalatag sa island counter. Pero ilang sandali lang ay nakatulala na itong nakatingin sa mga gulay na nasa harapan, at parang litong-lito.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng guilty. Hindi naman siguro makakasama sa akin kung kumain ako no’ng mga niluto niya kanina, kahit ngayon lang? Though I didn't mean to upset him for depriving myself of eating the food he prepared for me.

Nagpakawala ako ng mahinang buntonghininga nang makitang ipinagpatuloy ulit ni Kheeno ang paghihiwa ng mga rekados.

I don't know what he's going to cook now, basta ang mga nakikita ko lang ay sari-saring mga gulay na nakalatag sa ibabaw ng island counter.

He looks confused.

Tumikhim ako para maagaw ang pansin ni Kheeno, and thankfully I did. Agad itong tumayo ng maayos at tumingin sa akin.

“How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” agad na tanong nito, kaya mas lalo lang akong nakonsensiya.

Umiling ako at naupo sa stool sa harap ng island counter. Kheeno stared at me for a moment before he slowly nodded. 

“Uh... I don't know what food you like now. I-I have no idea what to cook since those aren't your favorites anymore,” turo nito sa mga pagkaing hinanda nito kanina na nakagilid na ngayon.

Nilingon ko iyon.

“Uhm... I think it won’t harm me if I’ll... eat those foods,” nag-aalangan kong sabi. “Hindi naman palagi, kaya... baka pwedeng iyon na lang ang kakainin ko, para hindi ka na maabalang magluto ulit,” dagdag ko.

Kinakain kasi talaga ako ng konsensiya ko. 

Agad na umiling si Kheeno.

“No. I’ll cook the food you like. I’ll cook your new favorites; just tell me what those are, para alam ko ang lulutuin ko. Madali lang namang maluto ang mga gulay,” he said and got some more veggies from the fridge at nilagay iyon sa island counter.

“What are your favorites?” he asks again.

Nilingon ko ang mga pagkaing niluto niya kanina. Mukhang masarap ang mga iyon. At sa amoy pa lang ay malalaman mo na talagang masarap.

“Uh... I’m okay with those. Parang masasarap naman iyon, iyon na lang,” pagpupumilit ko.

Narinig kong bumuntonghininga si Kheeno, kaya napakagat-labi ako.

Tumayo ako at kinuha ang pagkaing nasa tray pa rin at nilagay iyon sa harapan ko at nagsimula nang kumain. Just this once. Hindi naman palagi, kaya pwede naman siguro. Babawi na lang ako sa tanghalian at hapunan.

I was right. The food was delicious, kaya sunod-sunod ang pagsubo ko ng pagkain, kahit na ramdam ko ang mga titig ni Kheeno sa akin.

Nakailang subo na ako nang nilingon ko si Kheeno at nakita itong seryoso lang na nakatingin sa akin habang kumakain ako. He doesn't look happy about it, kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I was torn between continuing to eat or just leaving it alone.

INTERNAL CRIES-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon